Chapter 22 LANCE Inilapag ni Tita Luciana ang biko at juice sa harapan ko. ''Mukha yatang masarap itong luto niyo po, Tita,'' saka kumuha ako ng kaunti. ''Oo, masarap talaga iyan. Eh kaarawan kasi ngayon ng anak ko. Kaya kahit na sa malayo siya eh pinaghahandaan ko iyon kahit papaano. Minsan kasi nakakalimutan niya ang kaarawan niya,'' malungkot naman niyang sabi sa akin. ''Gano'n po ba? Happy birthday po sa anak niyo, Tita. Masarap itong luto mo sayang at hindi niya matikman itong luto mo.'' sabi ko naman sa matanda at sinubo ang biko. ''Kaya, nga! Bihira lang kasi umuwi 'yong batang iyon rito. Ano nga ulit ang pangalan mo, iho?'' tanong niya pa sa akin. ''Lance Harold po,'' sagot ko. ''Eh, Harold na lang ang itawag ko sa iyo. Ang haba kasi ng pangalan mo. Hehehe.. '' wika nama