Chapter 7 Jealous

1961 Words
Gavin * * " Kung pwede ko lang balatan ng buhay tong lalaki to ginawa ko na." galit na kausap ko sasarili ko Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa kaibigan ni boss. Hindi niya ako pinapansin Kung pansinin niya ako malamig naman ang pakikitungo niya saakin. Hindi ko naman sinasadya nakarinig niya ang mga sinabi ko. Gusto ko sana magpaliwanag na hindi ako magsasawa sa trabaho ko. Masaya ako sa pagiging butler ko Pero para bang hangin ako kung daanan niya. " Ulol! Malaki ba yan? baka kasing liit lang yan ng daliri ko." Natatawa na wika ni Boss kay Kenji nakaupo sila sa garden nag-iinuman kakatapos lang nila kumain. pagdating nila kumain sila tapos ngayon nasa garden sila naglalandian " Oh! Fvck! nakalimutan natin daanan ang pasalubong ko sayo puntahan natin bukas sa bahay. Tapos tambay tayo sa penthouse ko pagdating ng gabi date tayo." Nakangiti na wika ni Kenji " Shopping tayo! Libre mo! tapos tambay tayo sa penthouse mo. " Excited na tugon ni Boss " Selos yarn." pang-aasar ni Felix natigilan ako sa palakad-lakad sa balcony napalingon ako kay Felix " Selos? Bakit ako magseselos?" Nagtataka na tanong ko tumawa si Felix Napatingin ako sa nagtatawanan sa garden. Huminga ako ng malalim " Bakit ba nagkakaganito ako? Nagseselos ba ako? Tika bakit naman ako magseselos wala naman akong gusto kay Boss." Napapakamot sa ulo na kausap ko sa sarili ko Pumasok nalang ako sa kwarto ko nakangisi si Felix nakaupo sa gilid ng kama ko. " Inlove ka kay boss! Libo ang tauhan ni Boss pero ikaw lang ang nag-iisang lalaki na hinahalikan niya. Muntikan ka nang magahasa ni boss, Lahat kami magiging masaya kung ikaw ang magiging future husband ni Boss. Kilala ka namin hindi mo kami pababayaan. Kaya ngayon palang kausapin mo na sarili mo pakiramdaman mo kung talaga bang walang puwang sa puso mo si Boss. Ikaw din Ang lalaking kasama ni boss ang future husband niya. napagkasunduan na ipakasal sila pagdating ng 25 years old ni boss. " Mahabang pahayag ni Felix natigilan ako " Kasal? ibig sabihin may fiancee si boss?" Gulat na tanong ko Tumayo si Felix naglakad palabas ng kwarto ko, Huminto siya sa tapat ng pinto at nagsalita " Yup! fiancee niya si Sir Kenji alam mo naman na male Bestfriend ni Boss si Kenji maaaring ma-inlove sila sa Isa't isa pagdating ng araw. Isa pa tanggap ni Kenji si boss kahit na gaano pa ka pasaway si boss. Nakikita mo ba kung gaano kasaya si boss sa tuwing kasama niya si Kenji?" Tugon ni Felix tuloyan na siyang lumabas ng silid ko Nahiga ako sa kama ko nakatitig lang ako sa kisame " Napagtripan lang ako ni boss. Kaya madalas niya ako nakawan ng halik. Kahit na inlove ako kay Boss. Hindi niya ako seryosohin Isa lamang ako hamak na tauhan. Utusan walang especial saakin wala akong maipagmamalaki. Tanging mayayaman lang ang nagugustohan ni Boss. Gusto niya ang mapangasawa niya ay isa din mayaman o kaya galing sa mayaman angkan. Sa ganon paraan mas mapapalaki pa ang kanyang Nasasakupan o kaya mas lalakas pa ang susunod na tagapagmana ng assassin clan. Simula bukas manliligaw ako ng ibang babae kakalimutan ko ang naramdaman ko kay boss. Hindi ako ang karapat-dapat sakanya bagay sila ni Kenji pareho sila mayaman. Napabuntong hininga ako naririnig ko ang pagtawag ni boss saakin " Gavin! Gising ka! Gusto ko maligo handa mo ang bathtub." Sigaw ni Boss sa labas ng pinto dumapa ako Pumikit ako nagkunwari akong walang naririnig " Nand'yan naman ang fiancee niya bakit ako pa ang tinatawag niya. Kung may paraan lang para makalaya sa assassin's clan na to gagawin ko. " Naiinis na kausap ko sa sarili ko * * Kenji Pow * * " Gavin! Gising ka! Gusto ko maligo handa mo ang bathtub." Sigaw ni Gwen sa labas ng pinto ng butler niya Huminga ako ng malalim pinasan ko siya na parang sako ng bigas naglakad ako papasok sa kwarto niya " Pasaway! Natutulog ang tao sigaw ka ng sigaw. Ikaw talaga lagi ka naasa sa mga tauhan mo. Pagkasama mo ako ikaw mag-isa kikilos sa lahat ng kailangan mo. Kababae mong tao paliligo mo nalang tatawagin mo pa butler mo pambihira ka." paninirmon ko sa kaibigan ko tsk! fiancee pala " Ken! Paliguan mo nga ako! Masakit katawan ko tingnan mo namamaga ang kamay ko." Nakasimangot na pakiusap ni Gwen " Arayyyyy." daing ni Gwen bimagsak ko siya sa kama pinitik ko ang noo " Ilang beses ko bang sasabihin sayo na babae ka! " Inis na wika ko " Hala! huwag mong sabihin na dati akong lalaki?" Nababahala na tanong ni Gwen humagalpak ako ng tawa Pabagsak ako na nahiga sa tabi niya sumiksik siya saakin ginawang unan ang braso ko " May gusto akong babae! Kaso mahirap lang siya hindi ko alam kung paano siya liligawan galit kasi siya sa mayayaman. Tulongan mo naman ako Gwen." Mahinahon na pakiusap ko " Sige! Ligawan natin bukas ako ang bahala. Mahal mo ang babaeng yon? Hindi ka hihingi ng tulong saakin kung hindi ka seryoso sa isang babae. " Mahinahon na tugon niya " Ngayon lang ako nagkaganito, Hinahanap ko siya, Ang maamong mukha niya, Ang bilis ng t***k ng puso ko sa tuwing malapit siya saakin. Mahal ko ang babae yon. Ayaw kong pakasal sayo hindi naman natin mahal ang isa't isa. maintindihan naman siguro ng mga magulang natin yon. " Seryoso tugon ni Kenji Akmang magsasalita ako biglang bumukas ang pinto bumungad ang namumulang mukha ni Gavin " Layassss! Lumayas ka sa kwarto ni boss." galit na bulyaw ni Gavin napangisi ako " Inlove si Gavin kay Gwen. Pero hindi ko masasabi kung inlove ba si Gwen sa butler niya. Mayaman din kasi ang gusto mapangasawa ni Gwen. Yon ang Wala si Gavin." " Gavin! Labassss! Tsk! Gagawa kami ng baby istorbo ka." Naiinis na bulyaw ni Gwen napangisi ako mas lalong umusok ang ilong ni Gavin sa galit Nagmamadali siyang lumapit saamin hinila niya sa paa si Gwen. Binuhat na parang sako ng bigas naglakad siya palabas ng kwarto " Hahaha! Oh Fvck! solve ang problema mo Gwen may future husband kana. Yes! makakaligtas ako sa Cuizon." Natatawa na kausap ko sasarili ko Yup! tama kayo ng iniisip nyo! Ako nga ang fiance ni Gwen at sa 25 birthday ni Gwen ang kasal namin. Pero kung iibig kami sa iba hindi matutuloy ang kasal namin. Hindi naman kasi kami Inlove sa Isa't isa. Kaibigan lang talaga ang pagtingin namin sa Isa't isa. * * Gwen * * " Ano ba ibaba mo nga ako!" Galit na utos ko " Tahimik! Siraulo ka! Bakit ka matutulog sa tabi ng kaibigan mo? Dito ka matutulog sa kwarto ko sa sofa ako matutulog. Huwag mo ako gagalitin Gwen babalatan kita ng buhay." Galit na wika ni Gavin " Tsk! fiancee ko si Kenji." Inis na tugon ko " Kahit na! Magkaibigan lang naman kayo wala kayong relasyon bukod sa pagiging magkaibigan. Saka kana tumabi sa lalaki kung talagang asawa mo na. Kasal muna bago s3x." Nagpupuyos sa galit na wika ni Gavin " Sige-sige magpapakasal na ako. Maghahanap na ako ng future husband ko. Wala naman kasi kami gusto sa Isa't isa ni Kenji magkaibigan lang talaga kami. " Lasing na tugon ko Hindi ko na siya pinakinggan nakaramdam na ako ng antok dahil sa kalasingan. " Kinabukasan " " Si Kenji?" tanong ko kay Gavin nagising ako mag-isa sa kwarto ni Gavin hindi ko na maalala kung bakit nandoon ako nakatulog. " Umalis na! Hinatid ko kanina sa bahay nila may flight daw siya." Mahinahon na tugon ni Gavin lumabas ako ng kwarto pumasok ako sa kwarto ko may isang peraso na red rose sa gitna ng kama ko Napatingin ako sa phone ko nagmamadali ko sinagot ang tawag ni Kenji " Good morning! Kumusta ang gising mo? Sya nga pala nandito ako sa airport kasama ko ang nililigawan ko. Nasabi ko na ba sayo na Kinuha ko siyang personal assistant? Hahaha aakitin ko nalang sya I'm deeply inlove with her." Masaya na wika ni Kenji sakabilang linya " Good! Dapat mauna kang magpakasal bata pa ako at isa pa wala akong plano mag-asawa anak lang gusto ko. Bata pa ako 20 palang ako Dami pa akong kailangan gawin. Hindi ka bagay saakin Gangster leader ako hindi mo gusto ang mundong ginagalawan ko. Kaya susuportahan kita sa panliligaw mo. " Mahinahon na wika ko " Thanks Gwen! Nasa butler mo na ang pasalubong ko sayo. Ilang buwan ako hindi uuwi ng bansa. Ingat ka lagi." Wika niya sabay patay ng tawag " Kahit na hindi sabihin ni Kenji ayaw niya sa isang tulad ko kahit na matalik kami magkaibigan magkaiba ang pananaw namin sa buhay. Hindi siya masamang tao hindi siya mamatay tao. Wala talagang pag-asa na tanggapin ako kung sino ako. Karamihan ng nanligaw saakin pagnalaman na nila na Cuizon ako hindi na nila naitutuloy ang panliligaw saakin. Mamatay tao daw ang Cuizon ayaw nila mapabilang sa angkan ng mga criminal. " Bukod sa pangarap ko sa mga assassin ko. Ano ba talaga ang pangarap ko para sa sarili ko?" Malungkot na tanong ko " Gusto ko maranasan mamuhay tulad ng pankaraniwan tao. Magpukos muna ako sa pag-aaral ko, Si Dad naman ang may hawak sa business ng reeve kaya wala pa akong problema. Pag graduate ko mamumuhay ako malayo sa mga assassin ko. Magtratrabaho ako at maninirahan sa maliit na bahay. Tulad ng pankaraniwan tao. " Kausap ko sa sarili ko " Nakakainggit ang buhay ni Alazne. Natupad niya ang pangarap niya Samantalang ako ito nagpapanggap na naghahanap parin ng future husband. Hirap maging seryoso sa buhay mababaliw ako. " Kausap ko sa sarili ko Pagkalipas ng ilang sandali nandito na ako sa loob ng kotse katabi si Gavin patungo na kami sa school " Gavin! Kung sakaling nagsasawa kana sa pagiging butler mo. Magsabi ka lang kaya kitang palayain walang impossible basta magsabi kalang." Mahinahon na wika ko " Anak ako ng dating butler at ako din ang butler mo wala akong magagawa kundi ipagpatuloy ang trabaho ng angkan namin. " Tugon niya " May girlfriend kana?" tanong ko " Yes! sinagot na niya ako kagabi." Tugon niya " Hindi na pala kita Pweding landiin?" Malungkot na tugon ko " May fiancee kana bakit naghahanap ka pa ng iba?" tanong ni Gavin " Hindi kami pweding magpakasal ni Kenji kahit na gustohin pa ng mga magulang namin. Ayaw niya sa isang mamatay tao gusto niya ang sempling babae. May mahal syang iba mananatili kaming magkaibigan yon ang napagkasunduan namin. bawal kami ma-inlove sa Isa't isa. Walang tatanggap sa isang tulad ko. " Malungkot na tugon ko " Malay mo nasa paligid mo lang ang taong nagmamahal sayo. " Tugon ni Gavin " Hindi na ako maghahanap ng future husband. Magpanggap nalang ako sa harapan ng mga mga kakilala ko o kaya kamag-anakan ko na naghahanap ako ng boyfriend. Para naman hindi ako mapahiya." Tugon ko " Boss! Hindi kana galit saakin?" tanong ni Gavin " Tsk! Talaga bang may girlfriend kana?" Inis na tanong ko Ngumisi siya napasimangot ako naiinis ako na may girlfriend na si Gavin. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. " Mamayang uwian huwag mo akong hintayin may pupuntahan ako." Walang emosyong tugon ko " Saan ka pupunta boss?" tanong ni Gavin " Pupuntahan ko ang bagong kaibigan ko sa hospital. Trabaho ang pupuntahan ko Gavin huwag mo ako susundan mamaya. " Naiinis parin tugon ko " Kumusta na kaya si Aslan? pupuntahan ko siya mamaya. Kakausapin ko at ilalayo pansamantala para sa pagpapagaling niya. Sana masilayan ko ang kanyang matamis na ngiti puno kasi ng galit ang kanyang mga mata. " Piping sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD