Gwen
*
*
" Naglalakad ako ng mabagal nakapamulsa ako habang nakasunod kay Gavin pumasok siya sa club may kasamang babae.
Pumasok ako inabotan ko ng isang libo ang bantay sa gate ng club naupo ako sa sulok nag order ako ng double shot margarita. Tahimik ako na uminum habang nakatitig kay Gavin nakaupo ng paharap ang babae sa kandungan niya naghahalikan habang marahan gumigiling sa kandungan ni Gavin ang babae
Wala ba talaga ako puwang sa puso mo Gavin? Lahat ginawa ko na para maging inosente ka sa paningin ng mga tauhan ko. Ilang taon ako nagpanggap na masaya at pilya sa harapan mo. pinapakita ko sa mga tauhan ko na nilalandi kita para lang hindi nila mahalata na kalaban ni Gavin.
" Gusto ko lang naman mayakap siya kahit na sa huling sandali. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako sa mga susunod na araw. Ang dami ng gustong pumatay saakin Ipaalam kasi ni Gavin sa mga kalaban ko ang pagkakilanlan ko. Kaya kahit ngayon alam ko may nakasunod saakin para patayin ako. Sa huling sandali gusto ko mayakap ang lalaking makasama ko sa paglaki ko kasabay ko mangarap para sa future. Simula ng malaman ko na traidor siya limang taon na ang nakaraan isikap ko ganpanan ang pagiging boss ko. Nahirapan ako itago sa lahat ang pagiging traidor niya.
Matiyaga ako naghintay ng ilang oras hanggang sa lumabas na si Gavin may kasama na naman siyang ibang babae naghahalikan pa sila habang naglalakad palapit sa kotse na dala ni Gavin.
Napabuntong hininga ako nakapamulsa na naglakad ako palayo sa club. Kanina pa ang kasal ko hindi ako sumipot maghapon ako nakabantay kay Gavin.
Hindi naman ako lasing kaya ko pa ang sarili ko. Tumakas lang ako sa hacienda ilang buwan ako naging abala sa school at sa mga kalaban halos wala akong pahinga nakakapagod.
" Hinding-hindi na ako iibig pa, Hindi ko lang kaya suwayin si Daddy mahal ko si daddy naintindihan ko kung bakit nag-aalala sila sa kinabukasan ko. Alam nila na inlove ako kay Gavin kaya gusto nila matali ako sa ibang lalaki. Pagtutuunan ko ang mga kalaban ko at sisikapin ko maubos lahat ng kalaban ko. Pagkatapos makikipag hiwalay ako sa lalaking ipapakasal saakin ni Daddy mamumuhay ako ng tahimik. Buong buhay ko Reeve Assassin na Ang lagi kong inuuna Pwede kaya maging makasarili naman ako? Pwede kaya kalimutan ko kahit sandali ang pagiging Boss ko?
Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng tumunog ang phone ko
" Gabi na naghihintay kami sayo. nasaan kana huwag mo paghintayin ang Asawa mo." Galit na bungad ni Daddy
" Pauwi na ako Dad." Tipid na wika ko
" Kanina pa dapat ang kasal ko pero hindi ako sumipot, Nagbakasakali ako na makakausap ko si Gavin at makahingi ako ng tawad sakanya kahit na wala akong kasalanan. Pero wala akong lakas ng loob na lapitan siya."
" Boss sakay na." wika ni Felix lumingon ako sa kotse na huminto sa tabi ko nakayuko na naglakad ako palapit hanggang sa pumasok ako sa backseat, nagmamaneho si Felix
Sumandal ako at pumikit para akong namatayan. Wala naman akong pakialam kung sino man ang maging asawa ko. Ang mahalaga saakin magkaroon ako ng anak na magiging tagapagmana ko sa Reeve Assassin gusto ko maraming anak para masaya sila at kung sino lang ang gusto magmana sa Reeve yon ang susunod sa yapak ko. Wala lang akong pagpipilian nag-iisang anak lang ako.
" Boss! Gusto mo ba malaman kung sino ang magiging Asawa mo?" Tanong ni Felix
" Wala akong pakialam sakanya. Gusto ko lang iuwi mo ako sa bahay ng mga magulang ko. Pahingi ako ng alak gusto ko uminum." Tugon ko
" Huwag kang lalabas bibili lang ako sa convenient store." Wika ni Felix
Napasinhap ako ng biglang may tumama na bala sa side mirror pinaharorot ni Felix ang kotse patuloy ang pagtama ng bala sa kotse namin.
" Lasing si Boss kayo na ang bahala. " Narinig ko na kausap ni Felix sa phone
" Anong clan yan?" tanong ko
" Hindi ko pa alam boss. Sa dami ng kalaban natin nagsama-sama na sila. nag-kaisa silang lahat para pabagsakin tayo. Ang alam ko lang ang isang business woman ang pinaka boss din nilang lahat. Ibig sabihin gusto nilang tapatan ang Reeve Assassin. Bakit hanggang ngayon wala pa ang mga babae ng grupo boss?" Paliwanag ni Felix na may kasamang tanong
" Nandito na sila! Nagbabakasyon sa susunod na linggo nyo pa sila makikilala." Tugon ko
" Ikaw talaga kahit na nababaliw ka nitong mga nakaraan hindi ka parin nagpapabaya. Boss mapagkakatiwaan ang husband mo. Nasisiguro namin na nasa tamang lalaki ka. Sana matutunan mo siya mahalin, Sinubukan namin siya pero bigo kami namatalo nasisiguro ko na hindi mo rin siya kayang talonin. " Masaya na wika ni Felix hindi alintana ang putukan sa paligid
" Ihinto mo nga nakakainis na ang nga kumag na to." Galit na utos ko binunot ko ang baril sa bewang ko lumabas ako ng kotse, Paglabas ko ng kotse kusang huminto ang putukan.
Tumayo ako sa pinaka gitna ng kalsada nasa likuran ko ang mga kotse ng mga tauhan ko.
Natigilan ang mga humahabol saamin hininto nila ang kotse walang nagpaputok saamin.
May nasipat ako na isang lalaki na lumabas ng kotse
" At sino ka naman?" tanong ng lalaki malakas na tawanan ang sinagot ng mga tauhan ko
" Boss! nang iinsulto. Sinuka ka daw." Pagbibiro ni Hector
At dahil sa nakainum ako naiinis na sumagot ako
" Daniel Hutson! Iniri ako ng mommy ko. Aba tarantado ka. Hinahabol mo kami pinaunan mo ng bala tapos hindi mo ako kilala?" Galit na sigaw ko
" I'm asking who you are. Why is there a child with those gangsters?" Galit na sigaw ni Daniel
" Hahaha... Hahaha.... Boss bata daw? Hahaha." Malakas na tawanan ng mga tauhan ko
" Bata? Bata? Bata ako? Dahil ba sa maliit ako? " Naiinis na tanong ko
Mabilis ang pagkilos ko tumakbo ako pagsugod sa kinaroroonan ng mga kalaban pinaputokan ko si Daniel. Umatras ang grupo nila nakipag palitan ng putok ng baril saamin.
Bago pa makapasok sa kotse ni Daniel natamaan ko siya sa tuhod huminto ako at nag dirty finger.
" I Am Your Nightmare." Galit na sigaw ko
" Hayaan nyo sila makatakas." Utos ko
Binigay ko sa isang sa tauhan ko ang baril naglakad na ako pabalik sa kinaroroonan ni Felix.
" Justin sundan nyo sila. " Utos ko
" Noted boss." Nakangisi na tugon ni Justin
" Boss can beer lang nabili ko. " Wika ni Felix pagpasok ko sa kotse
Napangiti ako sa 12 pieces ang can beer sigurado malalasing ako nito. Bumili siya habang nagkakagulo pambihira talaga si Felix.
" Drive." Utos ko binuksan ko ang isang beer tinungga ko yon
" Sino ang business woman na kalaban ko. Kahit na anong imbistagasyon ng mga tauhan ko hindi nila mahanap. Anim na buwan ako naging abala sa school. Hindi ito pwede kailangan ko mahanap kung sino ang babaeng yon. Sino-sino kaya ang nakalaban ni Mommy. Psychopath si mommy dami na niyang pinatay. Dahil sa paghihiganti kailangan ko siguro balikan ang nakaraan ni mommy at daddy sa ganon paraan maintindihan ko ang nangyayari.
" Boss saan tayo magsisimula?" Tanong ni Felix
" Itigil nyo ang pagsalakay sa mga kuta ng kalaban, Pag-aaralan ko ang bawat galaw ng kalaban. Hindi pwede na sugod lang tayo ng sugod, Tayo ang talo kung hindi natin kikilalanin ang kalaban." Paliwanag ko
" Hindi basta-basta ang kalaban natin ngayon. Magaling din magtago Pera lang ang pinapaikot kaya ang daming may gustong pumatay sayo dahil ang laki ng patong sa Ulo mo. Ang kasal mo napagkasunduan ng buong Reeve Assassin at lumapit sila sa mommy mo ilang taon na ang nakaraan." Paliwanag ni Felix
Nasamid ako ng iniinum ko napaupo ako ng maayos
" What? Bakit nakialam kayo sa usapin puso ko?" Galit na tanong ko
" BOSS! Kailangan mo ng taong mapagkakatiwaan bukod saamin. Ang makakasama mo 24/7 ang kaya kang ipagtanggol at hindi sasaktan. Medyo mahilig lang sa alak yon pero lahat kami gusto siya para sayo. Mas mautak pa siya kaysa sayo sa karanasan sa pakikipag laban talo ka." Paliwanag ni Felix
Binatukan ko si Felix tumawa lang siya.
" 21 lang ako napakabata ko pa para mag-asawa." Naiinis na wika ko
" 22 kana Gago. Nakalimutan mo naman na birthday mo ngayon ikaw talaga pati kaarawan mo nakakalimotan mo. Relax mo din yan utak mo baka sa dami ng iniisip mo boss may nakaligtaan tayo. Baka nasa paligid lang kalaban natin. " Wika ni Felix
" What? Birthday ko ngayon? Anong araw na ba ngayon?" Gulat na tanong ko
" Ilan beses kami ang handa ng birthday party pero hindi ka nasipot yon pala nakakalimotan mo ang kaarawan mo." Yamot na tugon ni Felix
" Kainis! Babalatan ko ng buhay kung sino man ang babaeng yon! Ang lakas ng loob niya kalabanin ako! Makikita nya humanda siya. " Naiinis na wika ko
" Hayst hindi ka nakikinig salita ako ng salita wala pala ako kausap. Pumasok kami sa gate
" Tika lang? Bakit maraming tao sa bahay?" Tanong ko
" Hayst! Anong tao ang pinagsasabi mo? Dalawa na kamo yan paningin mo." Naiiling na tugon ni Felix
Binuksan ko ang pinto sa tabi ko lumabas ako tumayo muna ako ng tuwid at huminga ng malalim singkit mata na naglakad papasok sa bahay ng mga magulang ko
" Dad! Mom! Hello good evening." Lasing na bati ko
Napatampal si daddy ng noo naiiling na tumingin saakin nakaupo siya sa sofa
" Maghapon kami naghintay sayo. pinauwi kona ang mga bisita natin, Permahan mo ito naghihintay sa kotse sa labas ng gate ang asawa mo." Nagpipigil sa galit na wika ni Daddy
" Saan? Dito ba? Asawa ko? WOW may asawa na ako? Malas naman ng lalaking yon! Dibali maghihiwalay din kami pagkalipas lang ng ilan buwan." Lasing na tugon ko habang pinipirmahan ang papeles na bigay ni Daddy
" Felix.... Uwi na kayo." Lasing na Sigaw ko
Ginala ko ang paningin ko sa kabuohan ng living room.
" Mommy... Hmmmm bye-bye." Nakangiti na wika ko yumakap ako kay mommy
" Makinig ka! Ginawa ko ang lahat-lahat para masiguro ang kaligtasan mo. Napakabata mo pa para mag-asawa pero siya lang ang taong makakatulong sayo sa kalagayan mo ngayon. Maaaring marami kang tauhan pero kulang ang Oras mo para labanan ang lahat ng kalaban mo. Ang asawa mo kaya kang protiktahan Oras-oras. Wala din siya pakialam sa kayamanan mo dahil marami siyang business at ari-arian. Kilalanin mo ng mabuti ang pagkatao ng asawa mo para maintindihan mo siya. Tinuroan ko siya sa iba't ibang uri ng lason. Magtiwala ka sakanya at kahit na anong mangyari huwag kang tatakas sakanya para sa kaligtasan mo." Mahabang wika ni mommy
" Mommy! Sa haba ng sinabi mo wala akong naintindihan. Love you mom bibigyan kita Agad Apo." Nakangiti na tugon ko pinaghahalikan ko si mommy sa pisnge tumawa si mommy
" Siya ang batang dinala ko sa bahay Amponan. Ang batang niligtas ko sa sunog, Ako din ang nagturo sakanya sa pakikipag laban kaibigan ko ang adopted parents niya." malambing na wika ni mommy
" Byebye Mom Dad! Tika ano nga pala ang pinirmahan ko? Ano ang pangalan ng asawa ko? Tika tapos na kasal ko ah. Hindi ko sumipot hindi pa kasi ako handa pero bakit may asawa ko? Hayst sino ba ang siraulo na yon?" Sunod-sunod na tanong ko habang pasuray-suray na naglalakad palabas ng bahay
Napakunot noo ako may nakabukas na kotse paglabas ko ng gate, Hindi ako nagdalawang isip na pumasok
" Baby bakit hindi ka sumipot sa kasal natin?" Malambing na tanong ng lalaki
Natigilan ako sa pagkakabit ng seatbelt napalingon ako sa nagsalita
" Kasal? Hindi ka naman si Gavin! Si Gavin lang ang gusto ko pakasalan." Galit na bulyaw ko
Hindi sumagot ang lalaki hindi ko maaninag ang mukha niya pilit ko tinitigan ang mukha niya
" Nandito ako para protiktahan ka. Bilang ganti sa utang na loob ko sa mommy mo. Kung hindi mo ako mahal hayaan mo na protiktahan kita. Hayaan mo na Ubusin ko muna ang lahat ng kalaban mo. Pagkatapos ng lahat ng kalaban mo maghiwalay tayo. Balak sana kita ligawan Pero nakiusap saakin ang mga magulang mo at ang buong Nasasakupan mo na pakasalan kita. Wala akong nagawa mahal kita. Hangad ko lang ang protiktahan ka okay lang kung may mahal kang iba. Hindi ko ipagpipilitan sarili ko malaya kang gawin ang lahat ng gusto mo. " Mahabang paliwanag ng lalaki
Sa mga narinig ko parang nawala ang kalasingan ko
" C-Clyde." Utal na tawag ko
Pinaharorot niya ang kotse hindi siya sumagot sa pagtawag ko
" Pero isa kang mafia boss. " Mahinang sambit ko
" Hindi ako si Clyde Salvatore, Hindi rin ako mafia boss. Wala akong pangalan hindi ko kilala kung sino ako. Niligtas ako ng mommy mo sa nasusunog na bahay dinala sa bahay Amponan. Maghiwalay tayo pagnaubos ko ang mga kalaban mo, Malaya kang pakasalan si Gavin kung sya ang mahal mo. Nagbabayad lang ako ng utang na loob sa mommy mo." Malamig na paliwanag niya
" Bakit parang hindi siya ang Clyde na nakilala ko? Sino ka nga ba? Bakit parang ibang tao ang Kasama ko.
" Galit ka?" Tanong ko
" Pininili mo puntahan ang lalaking yon. Hindi mo ako sinipot sa araw ng kasal natin, Unang-una hindi ko gusto makasal sayo. Wala lang akong choice mahal ko ang adopted parents ko sinunod ko ang kagustohan nila. May utang na loob ako sa mommy mo kaya kahit na hindi ka sumipot pinirmahan ko parin ang marriage contract natin. " Pagalit na tugon niya
" Bakit ang sungit ng asawa ko. Umaasa pa naman ako na si Gavin ang ipapakasal nila saakin. " Piping sambit ko
" Hindi ako marunong sa gawain bahay. Pag-gising ko nakahanda na dapat ang almusal ko bihisan ko at malinis na ang bahay." Kalmado na tugon ko
" Hindi ako si Gavin! Ako ang masusunod at hindi ikaw. Simula bukas tuturuan kita sa gawain bahay pagluto at maglaba maglinis ng bahay. Babae ka dapat alam mo ang sempling gawain sa bahay, Huwag mo ako utusan at huwag mo ako sisigawan, Gagawin kitang babae na hindi nagawa ng butler mo. Huwag kang umasa sa mga tauhan mo hindi pwede na lagi kang umaasa sa mga kasambahay o kaya sa mga tauhan mo para pagsilbihan ka. " Paninirmon saakin ni Clyde
" Bakit parang nagkaroon ako ng tatay kaysa Asawa." piping sambit ko