GWEN
*
*
" Bakit ka sunod ng sunod saakin?" walang emosyong tanong ko
" Hahaha! Ulol! May gamot ako sa lason mo. Hahaha lason din ang isa sa pamamaraan ko baby. Kaya hindi mo ako maiisahan." Natatawa na tugon ni Clyde tumayo siya binuhos ang kape sa lababo nagtimpla siya ng panibago na kape
Napanganga ako bukod saakin may marunong pa pala sa lason? nabigla ako sa nalaman ko.
" May ituturo ako sayo! hindi mo na kailangan magdala ng karayom. ipahid mo lang sa labi mo ang lason at halikan mo ang gusto mong patayin. Bilis ng trabaho mo nasarapan kapa." Nakangisi na wika ng binata
" Ayaw ko sa lalaking to. Ang yabang ng lalaking to. maiisahan din kita." Sambit ko
" Subukan mo! pero paghindi mo ako mapatay pakakasalan kita aanakan kita ng taon-taon. " Nakangiti na tugon niya napasinhap ako sa pagkindat niya saakin.
First time mangyari saakin to may isang lalaki sa harapan ko napakayabang, Nakakainis ang lalaking to.
" I hate you! Ang yabang mo, Pagkatapos mo kumain lumayas kana sa pamamahay ko. " Mataray na tugon ko
" Pag-ako ang kaharap mo gagawin kitang babae. You're mine Gwen Cuizon! Gangster leader ng Reeve Assassin. Bagay tayo mayaman ka maganda Single, tambay ako gwapo. kaya kitang paligayahin Oras-oras." pilyo na tugon niya namumula ang pisnge ko dinampot ko ang tasa na may laman kape ubod ng lakas ko ihampas sa kanyang ulo
" Ouch! Love naman papatayin mo ba talaga ako? Paano nalang ang future natin kung mawala ako?" Nakasimangot na reklamo ni Clyde nasalo niya ang kamay ko
Napangiwi ako bakit ang cute niya? kunway nagtatampo siya.
" Walang tayo gago! ang presko mo nakakainis ka! May Future husband na ako." mataray na wika ko
Bakit nakakainis ang lalaking to? Kumukulo ang dugo ko sa lalaking to. mapapatay din kita humanda ka saakin Clyde babalatan kita ng buhay.
" Ang alin? Ito ba? " Pagalit na wika ni Clyde sabay pakita ng phone niya sa isang iglap nagbago ang templa ng mukha niya napalitan ng panlilisik ang kanyang mga mata
Paano nagkaroon ng CCTV footage ang lalaki to sa academy ko? Tika si Gavin to ah! Bakit nakikipag talik siya sa restroom ng Campus?" Piping sambit ko
Nakakainis na ang lalaking yon! bukod sa gusto ako patayin At pabagsakin nakikipag talik siya sa ibang babae Hindi to edited si Gavin ang nasa video.
" Kilan ka matatauhan sa katangahan mo? Mahal mo ang lalaking to! Pero pera ang gusto niya sayo! Kung hindi kita nailabas agad sa kotse baka nakasama ka sa pagsubog. Ikaw ang pinuno ng Reeve Assassin Bakit nagpapakatanga ka? " Yamot na wika ni Clyde
Natahimik ako hindi ako nakaimik totoo ang sinabi niya nagpapakatanga ako pagdating kay Gavin. Hindi ko siya kayang patayin umaasa ako na matatauhan siya. Umaasa ako na kami parin sa bandang huli.
Pagkatapos kumain ni Clyde lumabas siya ng bahay walang paalam na iniwan ako. Narinig ko nalang ang papalayong motor.
" Clyde." Malungkot na sambit ko
Huminga ako ng malalim naisip ko na umuwi na sa mansion sa manila.
Pagkalipas ng mahabang Oras na byahe sa wakas nakauwi narin ako pagpasok ko sa bahay walang Gavin na sumalubong saakin.
Malungkot na pumasok ako sa kwarto ko. Dati kasi pagpasok ko sinasalubong ako ni Gavin.
Dumapa ako sa kama ko madaling araw na ngayon hapon na ako umalis sa secret place ko tapos madaling araw na ako dumating.
" Dapat pala hiningi ko ang phone number ni Clyde. Kahit paano may makakausap ako. " Piping sambit ko nakatulogan ko ang pag-iisip ng kung Ano-ano.
" Good morning Boss! " Bati ni Gavin napangiti ako bumangon ako at nagmamadali na bumaba sa kama tumakbo ako palapit kay Gavin.
Yumakap ako kay Gavin pinulopot ko ang magkabilang braso ko sa leeg ni Gavin. Hinaplos niya ang likod ko inamoy ko ang dibdib niya
Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin, Niyakap niya ako ng mahigpit
" Gavin ihanda mo ang kotse may pupuntahan tayo. " Nakangiti na utos ko humiwalay siya sa pagkakayakap saakin hinayaan ko siyang haplosin ang pisnge ko.
" Bukas magkalaban na tayo.." piping sambit ko
Pagkalipas ng ilang sandali magkasama na kami sa kotse.
" Habang nasa byahe! Nasipat ko ang mga sasakyan na sumusunod saamin. Nagkunwari ako na hindi napapansin tahimik si Gavin patuloy lang ang pagmamaneho niya.
" Gavin! Ihinto mo gusto ko dito tayo mag-usap." Utos ko sinunod naman si Gavin ang Utos ko.
Paghinto ng sasakyan nauna akong lumabas.
Bitbit ko ang brown envelope naglakad ako patungo sa malaking puno naupo ako sa upuan na gawa sa kahoy
" Alam ko na alam mong ampon ka! Basahin mo ito at unawain ang nilalaman niyan. " Wika ko sabay abot ng brown envelope
Nagtataka na tinanggap ni Gavin ang envelope muli ako nagsalita.
" Criminal ang mga magulang mo walang awa kung pumatay, mas malala ang ugali nila kaysa amin. Mamatay tao ang Nasasakupan ko pero hindi kami pumapatay ng inosente! Lahat ng business ko legal malinis hindi kami abusado hindi kami gumagawa ng eligal na gawain para lang magkapera. Alam ko na Ilan beses mo na ako pinagtangkaan patayin." Wika ko sa malamig na boses
Kapansin-pansin ang pagkabahala kay Gavin.
" Ang dahilan kung bakit hindi kita tinuroan makipag laban at hindi kita pinagkatiwalaan sa business dahil alam ko na balang araw mangyayari to. Pinalaya na kita Gavin. " Mahabang paliwanag ko
" Minahal mo ba talaga ako?" Tanong ni Gavin
" Wala akong pagmamahal sayo! Pinaibig kita para mahirapan kang patayin ako. Hindi ako nagmamahal ng traidor Gavin. Limang taon mo na akong pinag-planohan pabagsakin. " Walang emosyong tugon ko nagtangis ang kanyang magkabilang panga niya
Binunot niya ang baril na nakasuksok sa bewang, Nanlilisik ang mga mata na tinutok sa noo ko
" Putok mo Gavin! Patayin mo ang pinaka-unang babaeng minahal mo. Patayin mo ako Gavin! Iputok mo! Patayin mo ang babaeng pinakamamahal mo." Wika ko habang tumatawa
Para akong kontradida sa pilikula kung tumawa
" Hahaha.... Gavin.... Patayin mo ako! Patayin mo ang babaeng pinakamamahal mo. Pagpinatay mo ako wala kang pinagkaiba sa mga magulang mo. Mamatay tao! Ano pa ang hinihintay mo! Iputok mo." Pang-aasar ko dito
Pinutok niya ang baril pero walang kahirap-hirap na nailagan ko ito. Humagalpak ako ng tawa na para bang Isang baliw na Nasisiraan na ng ulo.
" Isusunod ko sa mga magulang mo ang kapatid mo. Sino nga ba sya? Daniel Hutson diba? " Nakangisi na wika ko
Napaupo si Gavin sa damohan! Nabitawan niya ang kanyang baril
" Tama ako diba? Kahinaan ng tao ang puso nila. Kaya nga yon ang ginagamit ko para matalo sila. Hahaha! Gavin nakalimutan mo bang demonyo ako! Binalatan ko ng buhay ang mga traidor! Pero dahil sa kahilingan ni Tito Uno bibigyan kita ng pagkakataon magbagong buhay. Magpakalayo-layo ka kalimutan mo ang lahat ng nakaraan mo kalimutan mo ako at Ang mga taong minahal at pinalaki ka ng maayos. Kalimutan mo ang mga taong nag-aroga sayo. Tutal wala kang kwentang tao." Mahabang pahayag ko
Tumalikod ako naiwan ko si Gavin na nakatulala nakatitig sa baril
" Bakit?" Tanging tanong niya
" Ikaw ang may kasalanan Gavin! Pinagkatiwalaan kita pero Nagawa mo akong traidorin." walang emosyon tugon ko nagpatuloy ako sa paglalakad
Iniwan ko ang kotse sumakay ako sa jeep walang direksyon kung saan ako tutungo.
" Hinding-hindi nyo ako mapapabagsak." Piping sambit ko. Habang inaalala ang narinig kong usapan ni Gavin at Daniel Hutson Limang taon na ang nakaraan
Flashback five years ago
*
*
" Mauna na kayo Ash! Kai! Nakita ko kasi butler ko baka hinahanap na ako ng gagong yon." Nakangiti na wika ko kumaway ako sa mga kaibigan ko naglakad na ako palayo sinundan ko si Gavin pumasok sa isang restaurant nandito ako ngayon sa mall gumala kami.
Dahil siguro sa nakasuot ako ng pink dress kaya at nakasuot din ako ng wig na blonde kaya hindi ako nakilala ni Gavin nasipat ko siya naupo sa bandang sulok naupo ako sa kabilang table nag-order ako ng Burger at drink's. Nagtataka ako kung bakit may katagpo si Gavin na hindi ko Kilala at kailangan pa niyang magsuot ng fake na balbas.
" Alam ko ang ginagawa ko kuya! 16 lamang siya mabilis ko lang siya mapapaibig sa ganon paraan mapapaikot ko siya sa mga palad ko. Mapapasaakin ang lahat-lahat ng ari-arian nila. Hinding-hindi ko sila mapapatawad! Dahil kanila kaya wala tayo ng magulang. " Pagalit na wika ni Gavin
" Sabihin mo na kasi kung sino ang pinuno nila para ako nalang ang magpabagsak sakanila. " Naiinis na wika ng kausap ni Gavin na lalaki
" Kuya! Kaya nga hindi ko sinasabi sayo dahil masisira ang plano ko. 16 palang si boss wala pa sakanya ang panuno business ng Reeve Assassin. Ako ang butler niya balang araw ako ang hahawak ng business na yon. Saka ko lang makukuha ang lahat ng ari-arian nila. " Wika ni Gavin
*
*
End of Flashback
*
* Simula ng gabing yon naging malambing ako kay Gavin! Palagi ko siya ninanakawan ng halik. pinapaselos ko siya sa paghahanap ko ng future husband ko. Ilang beses ko siya pinagtangkaan gahasain. kahit na biro lang ang ginagawa ko alam ko na unti-unting nagkakagusto saakin si Gavin.
" Ikaw ang napagpalaruan ko! Isusunod ko ang kuya mo. Papa-ibigin ko ang kapatid mo sa ganon paraan kayo ang talo. Papatayin ko kayo pero hindi pa ngayon kailangan ko pa mahanap kung sino ang nagpalaki kay Daniel Hutson. Napag-alaman ko na hindi si Gavin ang batang aamponin ni Uno napalitan lang nila ang bata kaya napunta si Gavin kay Uno. Planado nila ang nangyari sigurado araw-araw nasa panganib ang buhay ko. Hindi na sekreto ang pagkakilanlan ko sigurado ipapaalam ni Gavin sa mga kalaban ko kung sino nga ba ako.
" Sa tabi lang po manong." Wika ko bumaba ako sa jeep nakapamulsa na naglakad ako papasok sa iskinita
Binunot ko ang karayom na nakabaon sa Jean's ko mabilis akong limingon sa likuran ko tinarak ko sa lalaki na nasa likuran ko nagulat ang lalaki nabitawan ang hawak na baril
" I'm a demon! You're dead now." Nakangisi na wika ko pinulot ko ang baril kinasa ko at mabilis na pinutok sa kalalakihan na papasugod saakin
Nakatayo lang ako braso ko lang ang gumagalaw saakin. Walang mahirap-hirap na napabagsak ko ang kalaban ko na sa tingin ko mahigit sampo
" Gavin nag-umpisa kana. Sige maglalaro tayo ng pantay-pantayan. Paunahan nalang kung sino matitirang buhay." Piping sambit ko
Napahinga ako ng malalim tinapon ko sa kanal ang baril naglakad ako palabas ng iskinita sumakay ako sa taxi na huminto sa harapan ko.
Pagkalipas ng ilang oras napadpad ako sa bahay ko. Walang nakakaalam sa bahay ko dito pankaraniwan tao lang ako. May mga kapitbahay na masayahin kapitbahay ko ang crush ko.
" Gwen! tamang-tama nakahain na ako. Tara sabayan mo kami mag-lunch." Sigaw ni aling Veronica
" Nakangiti na naglakad ako papasok sa gate ni aling Veronica
" Kumusta ang araw mo? Ilang buwan kang hindi nauwi ah. Akala ko hindi kana uuwi." Magiliw na wika ni Aling Veronica
" Busy po kasi sa school at sa trabaho hirap po kasi pag mag-isa nalang sa buhay." Nakangiti na tugon ko
Masaya ako nakikain sa kapitbahay siya ang Nanay ni Clyde! Oo dito ko nakita ang larawan ni Clyde at si Clyde ang sinabi ko kay daddy na crush ko at bibili ako ng bahay sa tabi ng bahay ng crush ko. Pero madalang lang sa isang taon kung umuwi ng bansa si Clyde sa Las Vegas kasi namamalagi ang binata. Once a year lang siya kung bumalik ng bansa. At pag nandito siya nakasunod siya saakin pareho kami abala sa maraming bagay.
" Sa ngayon kontento na ako na may taong mapagkakatiwaan sa lahat ng sekreto ko. Mafia Boss si Clyde at hindi basta-basta pero bata pa ako kaya ayaw ko pang makipag relasyon. Sa pamamagitan ni Clyde kahit paano panatag ako, Sa Oras na gipit ako at nasa panganib ang buhay ko nand'yan siya para iligtas ako. Ilang beses na niyang niligtas ang buhay ko sa kamay ni Gavin. Sa ngayon mas matimbang si Gavin sa puso ko. Crush ko lang naman si Clyde hindi ko naman siya gusto.
" Pwede po dito ulit ako mag dinner mamayang gabi? Sarap kasi talaga ng luto nyo Aling Veronica." Nakangiti na wika ko
" Hay naku nangbola kapa sabihin mo hindi ka marunong magluto. Hala sige-sige total wala akong kasama ang anak ko iwan kung nasaan. Ang asawa ko may business trip. " Nakangiti na tugon ni Aling Veronica
Pagkatapos kumain Nagpaalam na ako umuwi sa bahay ko. Pagpasok ko napangiwi ako humihilik si Clyde nakatutulog sa kama ko napatingin ako sa nakabukas na laptop napangiti ako
" Ginawa niya ang bagong design ng academy na itatayo ko, kulang pa kasi ang design ng bahay bakasyonan sa isla kung saan ko itatayo ang bagong Paaralan.
" Ayyyyyy." Gulat na tili ko
Bigla ako hinila ni Clyde bumagsak ako sa kama niyakap niya ako kinulong niya ako sa kanyang bisig
" Payakap! Babalik na ako sa Las Vegas Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako! Nakapalaking syndicate ang kalaban ko. Lahat ng tauhan ko abala, Mag-ingat ka Gwen! Nasa email mo ang listahan ng mga kalaban mo. Ang mga taong gusto ka pabagsakin. Bata kapa marami kapang pagsubok na pagdadaanan, Hindi pa kita Pweding anakan! May mahal kapang iba sana sa pagbabalik ko may puwang na ako sa puso mo. " Mahinahon na wika ni Clyde
Hindi ako nakaimik may kung anong lungkot ako na nararamdaman. Siya pala ang laging nagsesend saakin ang impormasyon tungkol sa mga kalaban ko. Si Clyde pala ang tumutulong saakin ng palihim.
" Sana sa pagbabalik mo makalimutan ko na nang tuloyan si Gavin. Siraulo lang ang lalaking to pero alam ko mabuti siyang tao. Pareho kami abala at maraming Umaasa saamin.
" Thanks." Tipid na tugon ko
" Tinapon ko lahat ng dress mo! Itago mo ang katawan mo! Ako lang ang dapat makasilay sa kahubaran mo. Tandaan mo ako ang future husband mo kaya Ingatan mo ang sarili mo. Huwag mong ipapakita sa lahat na nasasaktan ka. Huwag mong hayaan na maging tanga ka dahil lang sa nagmamahal ka alalahanin mo marami ang Umaasa sayo. " Mahinahon na wika niya
" Bakit parang ang sarap matulog? Bakit kinakabahan ako sa tuwing lumalapit saakin ang lalaking to? Grabe nanlalamig ang kamay ko nanghihina nag tuhod ko. Natatakot ba ako sa lalaking to bakit kinakabahan ako?" tanong ng isipan ko
" Bakit pakiramdam ko special ako. Sarap pala sa yumakap si Clyde pakiramdam ko ligtas ako. Para bang ayaw ko matapos ang sandali na to.
" Matulog kana! Alam ko na dito ka uuwi kaya pinagluto na kita." Malambing na bulong niya