Gwen
*
*
" Nakahinga ako sa ilalim ng puno pinapakinggan ko ang tawanan at Asaran ng mga mag-aaral. May mga sasanay sa iba't ibang klasing uri ng Martial arts.
" Ano ang kulang sa ginagawa ko? Bakit nahihirapan ako gumawa ng gamot sa lahat ng uri ng lason. Yon lang ang kailangan ko magawa para sa lahat ng ginawa kong lason. Ako lang ang nag-iisang makakagawa ng lason at lunas nito. pinasa saakin ni mommy ang lahat ng kaalaman na tinuro sakanya ng dating pinuno ng reeve assassin, Marunong naman ang mga tauhan ko pero mild lang yon. mabilis lang magamot. Pero ang gawa ko Segundo at minuto lang ang itatagal patay agad ang kalaban. May nagawa na ako pagpatigil ng pintig ng puso. Tanging ako lang din ang may kakahayan gawin.
" Gusto ko gumawa ng nag-iisang lunas sa lahat ng lason. Isang gamot lang ang kailangan ko pero bigo parin ako hanggang ngayon.
" Mahirap gawin ang ginagawa ko 19 palang ako. Marami pa akong kailangan matutunan, marami pang pagsubok ang dapat kong lagpasan.
" Let's go." Aya ko Bumangon ako sinaybay ang sekreto daanan palabas ng academy.
Habang nasa byahe kami tahimik ako in niiisip.
" Gavin! Dalhin mo ako sa bahay ng mga magulang ko, Iwanan mo ako doon tatawagan nalang kita. " Utos ko kau gavin
" Kailangan ko makapag relax! Ano ang gagawin ko para ma relax ako mabawasan ang kabiguan na nararamdaman ko?" tanong ng isipan ko
" Boss! Dating Tauhan ng nakalaban ng iyong ina ang nagbabanta na magpabagsak sa academy, Iniisip niya na lahat ng nag-aaral doon ay mapanganib. " Wika ni Gavin
" Alam mo na ang dapat gawin Gavin! Hanggat Maaari walang pwede makaalam sa pagkakilanlan ko, Hinahanap ng karamihan ang pinuno ng Reeve Clan. Gusto mo bang mabilanggo ako Gavin?" Mahinahon na wika ko
" Sorry Boss." Mahina na paumanhin niya
" Akin na ang resume na pinagawa ko sayo. At isa pa huwag mo ako susundan
hindi ako papasok sa mga susunod na araw. Nagtratrabaho ako bilang kasambahay." Mahinahon na wika ko
" Pero boss! Bakit ka magtrabaho ang dami mo naman pera ah." Naiinis na tanong ni Gavin
" Tsk! Manahimik ka Gavin, Dapat katakutan tayo ng lahat. Kung may mafia dapat may gangster din na tatatak sa isipan ng lahat ererespito kahit na ang mafia organization pa. Huwag kayo magbibigay ng awa sa lahat ng kalaban at huwag din kayo papatay ng mga inosente na tao. Magbigay ng buwanan donation sa iba't ibang orphanage. Magsuot kayo ng itim na kasuotan may kaparusan ang sino mang lalabag sa kautusan ko. Huwag kayo magpapakita ng inyong mukha." mahabang pahayag ko
" Pagdating patakaran napakahigpit mo kaya mas gusto namin na may sapi ka kaysa nag seseryoso ka. Nakakatakot ka naman boss." Tugon ni Gavin
" Girlfriend mo na ba ang nililigawan mo Gavin?" tanong ko sa seryoso na boses
" Hindi pa eh! Pakipot pa." Tugon ni Gavin
" Enjoy mo ba ang buhay binata, Pagdating ng oras magiging fulltime Butler na kita ikaw ang haharap sa lahat ng business ko pati ang pamamalakad ng business Pag-aaralan mo din, Alalahanin mo hindi ako dapat makilala ng kung sino. " Mahinahon na wika ko
" Kaya nga enjoy ko na ang buhay binata." Tugon ni Gavin
" Pwede kang umurong kahit na anong Oras, Kung hindi mo na kaya ang trabaho mo pwedi kang umalis sa pagiging utusan ko Gavin, Hindi naman ako tulad ng mga nakaraan pinuno hindi ko kayo alipin, Lahat kayo malaya sa lahat ng nainisin nyo. Kaya ko naman sarili ko." Mahinahon na wika ko
" Bakit ako Aalis? Simula sa mga ninuno ko angkan na namin ang nagsisilbing butler at pinagkatiwalaan ng pinuno ng grupo. Hindi ko sisirain ang ilang henerasyon dahil lang sa napapagod na ako. Hinding-hindi ako Aalis habang buhay ako magsisilbi sayo Boss." Tugon ni Gavin
May kung ano sa loob ko na nagdiwang sa saya buhat sa mga narinig galing kay gavin. Pero paano pagnalaman ni Gavin na ampon lang siya? Magagalit kaya sya saakin dahil ginawa ko siyang alipin. " Piping sambit ko
" Ayeeeh! Ikaw ha crush mo ba ako? Para kasing nag-aalok ka ng kasal ng pang habang buhay. Sige sinasagot na kita, Kilan kasal natin?" Pagbibiro ko
" Oh fvck! Paano napunta sa kasalanan ang usapan? Boss naman hindi kita gusto umayos ka nga." Yamot na tugon ni Gavin
Humagalpak ako ng tawa ang cute talaga ni Gavin paggalit namumula ang tuktok ng ilong.
" Dapat talaga hindi nalang ako naging butler mo." Inis na wika ni Gavin
" Hindi kita basta butler Gavin! Ikaw ang future husband ko, Kung wala akong mahanap na iibig saakin ikaw ang magiging future husband ko." Nakangisi na wika ko
"What? HELL NOOOOOOO." gulat na wika ni Gavin
" Dalawa pala kayo ni Kenji! Kung sino sainyo ang makapag patibok ng puso ko
sya ang mapalad na future husband ko." Nakangisi na tugon ko
" Tsk! Ang childhood friend mo? Hindi kayo bagay." Inis na tugon ni Gavin
" Ihinto mo ang sasakyan, Umuwi kana may nakita akong gwapo." Nakangiti na wika ko
Umirap si Gavin hininto ang sasakyan sa tabing kalsada
Lumabas ako ng sasakyan umikot ako sa kabila kinatok ko ang binta sa tapat ni Gavin. Binaba naman ni Gavin ang salamin na bintana ng kotse nakakunot ang noo.
Suminyas ako na ilabas niya ang kanyang Ulo dahil sa ako ang boss niya tauhan ko lang siya sumunod naman ang binata.
" Bakit boss?" tanong ng binata ngumisi ako ng nakakaloko. Nagulat nalang si Gavin ng dampian ko siya ng halik sa labi.
" Hahaha." Tawa ko
Iniwan ko si Gavin ng nakatulala nabigla siya sa Ginawa ko
" Tangna mo Boss." Sigaw ni Gavin
tumatawa ako na kumaway sa paparating na jeep.
" Manong! Kanto lang po." Wika ko sabay upo sa katabi ng jeepney Driver.
" Miss 13 lang pamasahe." wika ng driver dumukot ako sa bulsa ng Jeans ko ng barya ibalik ko sa bulsa ang limang daan piso.
Pagdating sa kanto napangiti ako nasilayan ko ang matandang babae na nagtitinda ng barbeque
" Oh Gwen! Ang aga mo ata ngayon?" magiliw na tanong ni aling Irene
" Namiss kita kaya maaga ako pumunta." Pagbibiro ko
" Naku nang uuto ka naman! Ito dinalhan kita ng Ube halaya, yan lang ang natira sa paninda ko kaninang umaga. " Nakangiti na wika ni manang Irene
" Ayeeeh! Ano payag kana?" tanong ko
" Hahaha! luko tong batang to! Bakit ka magpapa-ampon saakin? " Natatawa na tanong ng matanda
" Sampong libo! Isang linggo lang, Gusto ko maranasan ang buhay mahirap." Nakangiti na wika ko
" Mabilis lang naman ako kausap, Pero maliit ang bahay ko maglalako ako ng mga kakanin sa umaga." Nakangiti na tugon ni manang Irene
Kinabukasan
" Suman! Suman kayo riyan.." Malakas na sigaw ko habang hubat ang basket
" Arayyyyy..." Daing ko kinurot ako sa tagiliran masarap balatan ng buhay tong matanda na to eh..
" Anong suman? Panset at Puto ang tinda natin hindi suman." Naiiling na wika ni Aling Irene
*
*
Gavin POW
*
*
" Hahaha.. Tara guy's bili tayo ng suman kay boss." Masaya na aya ni Felix
Tumataas taas ang kilay ko. Nagpipigil ako sa galit. Ang babaeng to kung ano anong kalokohan na naman ang ginagawa
" Hahaha! bilyonaryo pero nagtitinda ng suman." Natatawa na wika n Kash
Nagsindi ako ng sigarilyo nagsilakad ang mga kasamahan ko palapit kay boss
Pagkalipas ng Ilan sandali namumula ang mukha nila sa kakatawa may bitbit na plastic na may laman panset at puto
" Gavin! Hahaha Wala naman suman na tinda si boss. " Natatawa na sumbong ni Hector
" Suman ang sinisigaw niya pero Panset at puto ang tinda. " Natatawa na Sabat ni Sean
" Let's go! Hayaan nyo ang pasaway na yan! Ilang araw pa ang aabutin bago umuwi yan. " Naiiling na wika ko
Nauubos na talaga ang pasensya ko sa babae to. Wala lang ako magawa dahil siya ang boss namin. Nagtatawan parin ang mga gago habang sakay kami ng kotse ako ang nagmamaneho katabi ko si hector si Sean at Kash ang nasa back seat.
" Sino kaya ang malas na matandang yon?" Natatawa na tanong ni Sean