GWEN
*
*
" Hello Psycho! Halina kayo nagluto ang boss nyo." Masayang na sigaw ko
" GUY'S.... Nagluto si boss." Taranta na sigaw ni Gavin nagpulasan silang lahat
" Isa! Dalawa! Gavin." Galit na sigaw ko
Napapalitan na naglakad palapit saakin si Gavin. Nakangiwi siya ng alanganing
" Kainin mo to!" Galit na utos ko
Inilapag ko sa harapan niya ang Sopas na niluto ko
" Boss! May pasok pala tayo ngayon." Wika niya sabay hila saakin palabas ng kusina
" Bakit hindi mo kinain ang niluto ko?" Pagalit na tanong ko sapilitan niya ako hinila paakyat sa hagdan
Naiinis na naupo ako sa kama hininda ni Gavin ang isusuot ko.
" Boss! Pangit ng lasa ng niluto mo. Kaya lahat kami takot. Kahit nga mga magulang mo takot sa luto mo." Wika ni Gavin
" Maligo kana! Ihahanda ko ang kotse! " Utos ni Gavin
Pagkalipas ng ilang sandali nasa byahe na kami pumasok kami sa malaking gate. Huminto kami sa parking lot ng school paglabas ko nakapamulsa lang ako na naglakad dala ni Gavin ang bag ko nakasunod saamin ang ibang tauhan ko
Binaybay ko ang daan patungo sa private office ko. Pagpasok ko sa loob ng Hihintay na ang lahat ng guro sa buong academy.
" Magandang Umaga boss." Sabay-sabay na bati nila
" Ilan ang bagong mag-aaral?" Tanong ko naupo ako sa pinakaunahan tinaas ko ang paa ko sa mahabang table nakatayo si Gavin sa likod ko
" Ibaba mo ang paa mo boss." Mahinahon na utos ni Gavin
Umayos ako ng upo pinakinggan ko ang sasabihin ng punong-guro
" Nandito po ang listahan ng mag-aaral na gustong pumasok. " Wika nito sabay abot saakin ng laptop
" Send mo yan kay Gavin! Imbistagahan muna namin yan bago sila tuloyan makapasok sa academy. Sa ngayon panatilihin nyo ang kapayapaan sa school. Lahat ng nagkasala ibilanggo at tawagan ako." Mahinahon na wika ko sa seryoso na boses
" Nasa Sampo ang Nagtangka pumatay sa kapwa nila mag-aaral." Wika ng isang pang guro
" May nagtatangka na magpabagsak sa school natin. Mag-ingat kayo higpitan ang lahat ng mag-aaral. Bawal makipag kaibigan sa labas, Lahat ng magtatangka lumabas ibilanggo ako na ang bahala maghatid pauwi sakanila." Mahabang wika ko
" Umabot ng Isang oras ang pakikipag usap ko sa mga guro. Lahat sila Tauhan ko sila ang nagsisilbing guro sa special academy. lahat ng course in college nandito na. Ang nadagdag lang dito discipline, self-control, kaya lahat ng mga nag-aaral dito nasisiguro namin na magiging mabuting tao. Walang uniform dito kahit na anong gusto nilang suotin at style ng pananamit o kaya buhok walang bawal. Basta wala silang inaapakan na tao walang bullying dito. Karamihan ng pinapadala dito ng mga magulang nila napariwara na ang buhay. Dito tinuturo ang pakikipag kapwa tao pagbibigayan at pakikitungo sa kahit na anong antas ng pamumuhay. Patas na batas ng school. Dito sila nag uumpisa muli mangarap Sa school ko tanggap sila kahit na gaano pa sila kasama binibigyan ko sila ng panibagong pag-asa.
Lahat ng nagkasala mabibilanggo ng isang linggo. Kakausapin namin kung anong problema o may pinagdadaanan ba. Karamihan naaayos namin ang kanilang problema. Ang lahat ng gusto umalis sa academy pinapatulog namin. Wala silang malay na inilalabas namin ng academy lahat ng mag-aaral dito hindi nila alam kung paano sila uuwi. Sekreto ang kinaroroonan ng academy.
" Nakaupo ako sa Pinakahulihan ng upuan. Business administration ang Crouse ko ganon din si Gavin. Magkatabi kami sa upuan at kasama ko sya kahit saan ako magpunta.
First year na kami ngayon. Matagal pa bago kami makapag tapos. Pag graduate ko ako na ang hahawak ng jewelry company, Ako naman talaga ang nag mamay-ari ng Reeve Jewelry dahil negosyo ito na sumusuporta sa kabuohan ng reeve assassin na ngayon tinawag ko na psycho assassin.
" Saan ka pupunta? " Tanong ni Gavin hinawakan niya ang hoodie ng jacket ko matangkad si Gavin kaya walang kahirap-hirap na hinila niya ako palapit sa sasakyan
" Boss! Tatakasan mo naman si Gavin." Natatawa na wika ni Felix
" Pasok! Papagurin mo naman ako sa kakahanap sayo. Magsasagawa tayo ng imbistagasyon sa banta sa academy." Naiinis na wika ni Gavin
" Kayo na! Felix puntahan mo nga ang mga nagkasala sa academy. " Utos ko
Wala akong nagawa pinapasok ako ni Gavin sa kotse habang nagmamaneho siya iniisip ko ang gwapo na lalaki na nakita ko sa parke nag jogging. mag-apply ako ng kasambahay sa lalaking yon.
" Gavin! ihanda mo ang resume ko pagdating sa bahay magtrabaho ako bilang kasambahay. " Utos ko
" Maraming resume doon! ginawa ko para hindi kana mahirapan. Kung aalis ka bukas siguradohin mo na hindi mo ako aabalahin. May klasi ako." Masungit na tugon ni Gavin napalingon ako kay Gavin magkatabi kami sa unahan seryoso siya sa pagmamaneho.
" Lakas talaga ng trip mo! Bahala ka huwag kang naglalasing malilintikan ka saakin." Inis na wika ni Gavin
" Weeh! Makikipag date kalang eh." Pang-aasar ko
Ngumisi ang gago sumimangot ako sino na naman kaya ang ka date niya.
Lagot ka saakin ngayon. Sisiguradohin ko turn off ka sa ka-date mo." Piping sambit ko
Pagdating sa bahay nagmamadali na ihinanda ni Gavin ang bihisan ko na pangbahay at panglakad. Nandito ako sa mansion kasama ko ang ibang assassin napapaligiran ang mansion ng mga bahay ng mga assassin na may mga pamilya na. Nandito ako sa Reeve village dito ako namamalagi bibihira ako umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Dito na ako lumaki at sinasanay sa pakikipag laban.
" Kakain kanaba?" tanong ni Gavin
" Nope! Sa lab ako! May pinag-aralan kasi ako na antidote, Gusto ko makatuklas ng gamot sa lahat ng uri ng lason." Wika ko matamlay ako na naglakad papasok sa kwarto natigilan si Gavin sa paghahanda ng bihisan ko
Napabuntong hininga siya naupo sa gilid ng kama.
" Bakit parang ayaw mong umalis ako?" tanong niya
" I'm okay gav! Alam ko may sariling kang buhay, Mag enjoy ka muna habang nag-aaral kapa. Pag-graduate natin magiging abala na tayo sa business at maraming pang iba. " Tugon ko
" Thanks boss." Tugon ni Gavin
Nag shower muna ako paglabas ko ng banyo wala na si Gavin nagbihis ako ng pangbahay na hinanda niya naglakad ako palabas
" Boss! Kakain kanaba?" tanong ni Manang
" Mamaya na po. Sa Lab lang po ako." Tugon ko binaybay ko ang pasilyo hanggang sa marating ko ang pinakadulong pinto. Pumasok ako sa Lab nagsuot ako ng Disposable lab coat. Nag gloves ako at nakamask din ako.
Naging abala ako sa pagtuklas ng gamot. Inabot na ako ng madaling araw hindi ko parin nakukuha ang tamang formula ng pinag-aralan ko.
Lumabas ako ng Lab kumuha ako ng isang bote ng red wine sa minibar naglakad ako palabas ng bahay naupo ako sa ilalim ng puno ng narra.
Obligasyon ko bilang pinuno ng Assassin ang tumuklas ng iba't ibang uri ng lason at mga gamot nito. Gusto ko katakutan at igalang ako bilang pinuno ng Assassin. Gusto ko din lumaki pa ang negosyo, Kaya paglabas ko ng school sa lab ako pumupunta. Kailangan ko din pag-aralan ang iba't ibang uri ng trabaho at kung paano mamuhay ang mga sempling tao. Sa dami ng gusto kung gawin parang kulang ang oras ko. Gusto ko din makipag date pero wala akong bakanting oras.
Tinungga ko ang bote ng alak! Mahirap ang maging pinuno ng clan. pero wala akong magagawa kailangan ko tanggapin ito para sa sempling buhay ni mommy kasama si daddy. Handa akong gawin ang lahat para lang makitang masaya ang lahat ng mahal ko sa buhay.
" Nag-iinum ka naman." Wika ni Gavin napalingon ako
Naglalakad si Gavin palapit saakin naupo sa tabi ko at kinuha ang alak na iniinum ko.
" Bigo parin ako! Wala parin lunas ang lason na nagawa ko. " Malungkot na wika ko
" Huwag mo pagurin ang sarili mo. Marami ka naman nagawang lunas ah. Sapat ang nalalaman natin sa lason at isa pa magaling ka din makipag laban." Tugon ni Gavin
" Sige na! matutulog na ako! Gisingin mo ako ng 3 am magsasanay ako makipag laban ng naka blindfold." Malungkot na tugon ko
" Isang oras nalang 3 am na." Tugon ni Gavin
Tumayo ako tinapik ko siya sa balikat
" Balang araw! Matutupad ko din lahat ng pangarap ko. Magiging magaling din ako sa pakikipag laban at kikilalanin din ako at katatakutan ng lahat." piping sambit ko
" Balang araw mararanasan ko din ang makipag date, Ang bigyan ng bulaklak Ang mahalin bilang babae. May tatanggap kaya saakin? Isa akong gangster leader. Maghahanap nalang ako ng mapangasawa wala nang ligaw-ligaw kasal agad.