Gavin
*
*
" Nagpalakad-lakad ako sa harapan ng pinto ng Lab. Nag-aalala ako kay boss ilang araw na siya abala sa Lab ayaw paistorbo. Hindi siya kumakain ng maayos, School, at Lab ang naging routine niya nitong mga nakaraan araw.
" Nag-aalala ka! Mas gusto ko pag nagbibiro si boss kaysa ganitong abala siya sa Lab. " Wika ni Felix
" 20 birthday niya bukas. Anong plano natin? Mag birthday party na gaganapin sa bahay nila. Sigurado uuwi si boss." Wika ni Sean
Wala tayong magagawa, Paligirin ang lugar na pagdarausan ng party para masiguro ang kaligtasan ni Boss. " Wika ko
" Swerte natin na kasing bait din ni boss Lilibeth ang anak nya. Kasabay natin lumaki kapatid ang turin saatin." Wika ni Kash
" May gusto si Boss kay Gavin, Si Gavin kasi ang lagi niyang kasama pati nga sa pagtulog si Gavin parin ang madalas kasama ni Boss. " Panunukso ni Felix
" Gago! Butler ako. malamang lagi akong kasama, Hirap ng trabaho ko hindi pang butler ang trabaho ko Yaya din ni boss. Kung pwede lang magpalit ng trabaho gagawin ko. Wala akong kalayaan gumala dami kung gagawin sa araw-araw. Swerte kayo assassin lang ang trabaho nyo. Ako pagkatapos ko mag-aral business at marami pang iba ang gagawin ko, Nagsasawa ako sa katigasan ng ulo ni boss" Reklamo ko
*
*
Gwen
*
*
" Oh thanks God! Nagawa ko! Hahaha nagawa ko, Yes! Sa wakas may iisang gamot na sa lahat ng uri ng lason.." Masaya na sigaw ko hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. 10 years ko pinag-aralan to simula ng 9 year's old ako pinangarap ko na makagawa ng gamot sa lahat ng uri ng lason.
Simula ng magkaisip ako paggawa na ng lason at mga gamot ang pinag-aralan ko. Oo hindi madali ang ginagawa ko pero ito ang ginusto ko. Hindi ako napipilitan mahal ko ang ginagawa ko.
" Sasabihin ko to kay Gavin." Excited na wika ko pinunasan ko ang pisnge ko na basa ng luha
Akmang bubuksan ang pinto natigilan ako marinig ko ang usapan ng mga tauhan ko
" Swerte natin na kasing bait din ni boss Lilibeth ang anak nya. Kasabay natin lumaki kapatid ang turin saatin." Wika ni Kash
" May gusto si Boss kay Gavin, Si Gavin kasi ang lagi niyang kasama pati nga sa pagtulog si Gavin parin ang madalas kasama ni Boss. " Panunukso ni Felix
" Gago! Butler ako malamang lagi akong kasama, Hirap ng trabaho ko hindi pang butler ang trabaho ko Yaya din ni boss. Kung pwede lang magpalit ng trabaho gagawin ko. Wala akong kalayaan gumala dami kung gagawin sa araw-araw. Swerte kayo assassin lang ang trabaho nyo. Ako pagkatapos ko mag-aral business at marami pang iba ang gagawin ko. Nagsasawa ako sa katigasan ng ulo ni boss. " Reklamo ko ni Gavin
Dahan-dahan ko sinarado ang pinto napaupo ako sa sahig sumandal ako sa pinto.
May paraan naman para makalaya si Gavin. Hindi siya totoong anak ni Tito Uno. Ampon si Gavin hindi nagkaroon ng anak ang butler ni mama. Kaya nag ampon sila ng bata para maging butler ko. Walang alam si Gavin sa totoong pagkatao niya ako at ang mga magulang ko lang ang nakaalam sa pag-ampon kay Gavin.
" Hahanapin ko ang totoong mga magulang ni Gavin. Balang araw kung hihilingin niya lumaya taos puso ko siya papalayain. " Malungkot na sambit ko
" Nakakalungkot, Parang hindi ko kayang mawala si Gavin sa tabi ko. Dapat ngayon palang ilayo ko na ang sarili ko kay Gavin, Tama maghahanap nalang ako ng ibang lalaki na tatanggapin ako ng buong buo at ang buong Nasasakupan ko. Ang mamahalin din ang mga tauhan ko, Ang buong angkan na hinahawakan ko. Gusto ko din magkaroon ng lalaking mamahalin ako ng buong buo. Baka kasi wala nang magmamahal sa kagaya ko. Isa akong gangster leader mamatay tao. Gusto ko din maranasan ang bigyan ng bulaklak, Ang maranasan makipag date.
Tumayo ako lumapit ako sa ginawa kung gamot sa lason. Naglagay ako sa maliit na bote, Nilagay ko sa bulsa ng Jeans ko
" Ako lang ang nakakaalam ng gamot na to. Iba ang pamamalakad ko ngayon Dati kasi alam ng butler kung paano gumawa ng lason at kung paano gamotin. Pero dahil sa ako ang bagong pinuno ng reeve assassin binago ko ang nakasanayan nila. Ako lang ang nakakaalam at ang magiging anak ko. Hindi ko pweding ipagkatiwala sa iba ang nalalaman ko para iwas traidor. Mahirap na iba ang panahon ngayon.
Inayos ko ang mga ganamit ko, Niligpit ko ang lahat ng ginamit ko sa paggawa ng lason. pati ang files sa computer kung paano ko ginawa deleted na. Nasa utak ko sulat ang lahat tanging ako lang ang nakakaalam. Matalino ako matalas ang isipan ko kahit na pilya ako hindi ako tanga.
" Boss! Kakain kana?" tanong ni Gavin tiningnan ko lang siya nilagpasan ko
" Nagsasawa kanaba sa trabaho mo Gavin? Magsabi kalang handa kita palayain." walang emosyong wika ko natigilan si Gavin
" B-BOSS! Nagbibiro lang naman ako." Utal na tugon ni Gavin
" Don't worry! Simula ngayon hindi mo na ako susundan kahit saan ako magpunta. Hindi mo na ihahanda ang lahat ng kailangan ko sa pang araw-araw. Ako na ang bahala sa business ko at ako narin ang bahala sa lahat ng kailangan ng mga tauhan ko. Mag enjoy ka sa buhay mo." Walang emosyong wika ko
Naglakad ako paakyat sa hagdan tumigil ako sa pinaka gitna at nagsalita
" Hindi ko kayo alipin kapatid ko kayo pamilya ko kayo. Ginagawa ko ang lahat-lahat para protiktahan kayo. Maganda at marangya ang pamumuhay ng pamilya nyo. Hindi ko kayo pinabayaan nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan kayo. Nalulungkot ako sa tuwing naiisip nyo na wala kayong kalayaan gawin ang naisin nyo. Hindi ko naman kayo pinagbawalan. " Mahinahon na wika ko
Naglakad na ako patungo sa kwarto ko pagkalipas ng ilang sandali nakasuot na ako ng hoodie jacket at sweatpants.
" Boss." Nag-aalangan na tawag ni Gavin
Nilagpasan ko lang siya naglakad ako patungo sa garahe sumampa ako sa bigbike ko sinuot ko ang helmet. Pinaharorot ko palabas ng mansion ang bigbike ko nakatanaw lang si Gavin saakin malungkot ang kanyang mga mata.
Pagkalipas ng Ilan sandali nakatanaw na ako sa bahay ng mga magulang ko nakita ko ang paghalik ni Daddy kay mommy bago pumasok sa kotse.
" WOW! Saan kayo magdate? May kapatid na ba ako Mommy? Say Yes please?" pangungulit ko ng huminto ang sasakyan nila sa tabi ko
" Hahaha! Gago." Natatawa na wika ni mommy
Ngumuso ako tumawa si daddy
" Kumusta ka? " Tanong ni daddy
" Ito Dad! pupuntahan ko ang crush ko Hindi pa niya ako sinasagot eh." Nakangiti na tugon ko
" Hahaha! Hala ligawan mo na para magkaroon na ako ng Apo." Natatawa na wika ni mommy
" Byebye mom dad! Bigyan nyo ako ng kapatid." Pasigaw na paalam ko pinaharorot ko na ang bigbike ko palayo sa bahay nila mommy
Nagmaniho ako na walang deriksyon! Hindi ako alam kung bakit nalulungkot ako sa narinig ko kay Gavin sumama ang loob ko. Hindi pala siya masaya na kasama ako gusto niya magpalit ng trabaho.
Napahinto ako ng masilayan ko ang lalaki nakaupo sa wheelchair binatukan ng lalaki na nakasuot ng maraming alahas sa katawan
Huminto ako sa harapan nila
" Hey! Tangna! tigilan mo yan." galit na sigaw ko
Natigilan ang lalaki na mataba na nga pandak pa napapanot na ang Ulo
Bumaba ako nakayuko lang ang lalaki, Hindi ko napansin ang mukha niya lumapit ako sa lalaking mataba binigyan ko ng flying kick bumagsak ang lalaki na wala nang malay.
Hindi ako nag-abala na tanggalin ang helmet ko. Lumapit ako sa lalaki lumuhod ako sa harapan ng lalaki
" Ihahatid na kita sainyo saan ang bahay mo?" tanong ko
Umiling ang lalaki nakayuko lang siya bakas ang pagkahiya sa kanyang mukha gwapo ang lalaki kahit na madungis ang kanyang mukha.
" Samahan mo ako kumain." Nakangiti na wika ko napaangat ng Mukha ang lalaki napangiti ako ang gwapo niya para siyang Turkish. Hinubad ko ang suot ko na helmet
" Gwen ang pangalan ko! Ikaw?" tanong ko habang nakangiti
" A-aslan." utal na tugon ng binata
Tinulak ko ang wheel ni Aslan hindi ko na siya kinausap. Hinayaan ko siyang manahimik gusto ko siyang tulongan.
Tinaas ko ang kamay ko ng napansin ko na huminto ang sasakyan ni Gavin Nagmamadali siyang lumabas at akmang lalapit na saakin. Hindi ko pinansin ang lungkot sa mga mata ni Gavin.
" Dito kalang bibili lang ako ng pagkain sa fast-food." Nakangiti na wika ko
Tumango lang si Aslan tumawid ako sa kalsada patungo sa Jollibee ilang minuto ang lumipas naglalakad na ako pabalik kay Aslan
Pinatong ko sa lap niya ang dala kong pagkain tinulak ko siya patungo sa ilalim ng puno sa tabing kalsada
Naupo ako sa damohan nakangiti na tumingin kay Aslan
" Kumain na muna tayo. Hindi pa kasi ako nag almusal tanghali na kaya sabayan mo ako kumain. Huwag kang kang mag-aalala libre ko to." Nakangiti na wika ko
Lumipas ang Ilang minuto natapos na kami kumain.
" Hindi na kita tatanungin kung sino ang lalaking yon! Sayo nalang ang perang to! Mamayang gabi pupuntahan kita dito kung gusto mo makalakad muli pumunta ka. Handa akong tulongan ka ng walang hinihingi na kapalit. Gusto ko lang maging kaibigan mo." Nakangiti na wika ko
" S-salamat! pupunta ako dito maghihintay ako sayo. Hindi ko kailangan ang pera na to! Gusto ko makalakad muli." Nauutal na wika ng binata
Natigilan ako ng nasipat ang tattoo ng lalaki sa leeg. huminga ako ng malalim Tinapik ko ang balikat ng binata naglakad na ako palayo.
" Boss! Sino ang lalaking yon?" tanong ni Gavin
Sumampa ako sa bigbike ko para akong walang narinig hindi ko pinansin si Gavin. Sinuot ko ang helmet ko at nagmamaneho na palayo nasipat ko pa sa side mirror si Gavin. Napapakamot siya sa Ulo habang nakatanaw saakin.
" Nagsasawa ka saakin! Sige! Hindi na kita kukulitin, Ayaw mo sa trabaho mo nahihirapan ka sa trabaho mo. Nagsasawa na siya saakin." Malungkot na sambit ko habang nagmamaneho