Chapter 12 Pag-ibig o Paghihiganti

1876 Words
Gwen * * " Boss S---- " Huwag ka sumunod, Asikasohin mo ang mask na isusuot ko sa sabado. " putol ko sa sasabihin ni Gavin Nilagpasan ko siya nilalaro ko ang susi ng motor sa kamay ko. " Felix! isama mo ang mga ilan kasamahan natin sumunod kayo saakin." Utos ko " Boss sasama ba ako?" Tanong ni Gavin " Butler kita hindi ka assassin. Trabaho mo ang Asikasohin ang pangunahin kailangan ko at ang mga pangangailangan sa loob ng mansion." Walang emosyong tugon ko Hindi ko tinapunan ng tingin si Gavin Sumampa ako ng motor sinuot ko ang black mask ko nagsuot ako ng helmet. Pinaharorot ko na palayo ang motor ko nakasunod saakin sila Felix at sa tingin ko nasa tatlóng pû ang mga nakasunod saakin nakamotor silang lahat. Pagdating namin sa highway agaw pansin kami lahat ng kasamahan ko naka-itim nakamask lahat. Pagkalipas ng isang Oras huminto kami sa tapat ng subdivision. Walang nagawa ang mga gwardya ng gate kundi ang itaas ang kamay nila. Naiwan sa gate ang limang tauhan ko. Patuloy ang pagdrive ko hanggang sa makarating kami sa pinakadulo ng subdivision huminto ako sa tapat ng gate hinubad ko ang helmet ko pagbaba ko ng motor agad kami pinaulanan ng bala galing sa loob ng bahay ng target ko. Hinugot ko ang baseball bat sa likuran ko. Naglakad ako papasok sa bahay. Naiwan sa labas ang ilan tauhan ko para magbantay sa paligid ng bahay. Naunang sumugod si Kash at Sean nakasunod sa kanila si Felix kalmado lang ang paglalakad ko na parang walang bala na nagliliparan Hindi ko rin alintana ang sigawan at pagmamakaawa ng mga tao sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob ng bahay naupo ako sa sofa, Hinubad ko ang mask ko inabotan ako ni Felix ng baso na may laman alak. Nagsindi ako ng sigarilyo bago ko tinungga ang laman ng baso, " Tell me! Bakit gusto mo pabagsakin ang academy ko? Sino ang nag utos sayo?" kalmado na tanong ko sa may edad na lalaki " Wala! Walang nag-utos." pagsisinungaling ng lalaki " Isa ka pa naman pastor pero nagsisinungaling ka! bad yan! Kung ako sayo magsalita kana bago pa mainit ang ulo ko." Kalmado parin na wika ko naliligo sa dugo ang lalaki sa harapan ko nakaluhod siya hawak ng tauhan ko ang magkabilang braso ng lalaki. " Patatawarin kita sabihin mo kung sino ang nag-utos sayo na pabagsakin ang academy ko. Bakit gusto niya akong pabagsakin? Paano nalaman ng boss mo ang tungkol saakin?" Tanong ko sa galit na boses " AAAAAAHHH! Magsasalita na ako tama na." Sigaw ng matanda " Kainis isang kuko palang ang natanggal ko magsasalita kana agad?" inis na wika ni Felix natawa ako " Tumatawag lang saakin! babae siya. Wala akong idea kung sino-sino sila basta ang alam ko lang gusto nila makilala bilang syndicate kaya gusto nila mapabagsak ang maalamat na Assassin." Nanghihina na paliwanag ng matanda " Kung sino-sino sila? Good ngayon alam ko na hindi siya nag-iisa." Nakangiti na tugon ko Tumayo ako tinungga ko ang baso na may lamang alak binatukan ni Kash si Felix " Arayyyyy." daing ni Felix " Siraulo kaba? Bakit mo pinasigarilyo si boss pinainum mo pa alam mo nagmamaneho pa yan." Paninirmon ni Kash kay Felix natawa nalang ako Tumayo ako lumapit ako sa lalaki tinarak ko sa kanyang pulso ang karayom. " May isang oras kalang para mabuhay. Nararamdaman mo ba ang paninikip ng dibdib mo? " nakangisi na tanong ko " Sasabihin mo o mamatay ka! May lason na unti-unting pumapatay sayo. Isang oras lang kaya bilisan mo bago pa ako mainip iwanan kita dito." Kalmado na wika ko bumalik ako sa pagkakaupo Napatingin ako sa bulsa ng lalaki lumapit ako sa lalaki dumukot ko ang phone niya " Miguel! Hindi ka ligtas diyan magpalamig ka muna tatawagan nalang kita ulit. Sa susunod na linggo na ang pera mo hindi pa ako nakakakuha eh." bungad na wika sa kabilang linya ng lalaki na kilalang kilala ko. Pinatay ko ang tawag binunot ko ang karayom sa jeans ko tinarak ko sa leeg ng lalaki Nanginig ang buong katawan ng lalaki bumula ang bibig at nangisay walang emosyong na naglakad ako palabas ng bahay " Sunugin ang bahay." Walang emosyong na utos ko " Mauna kayo umuwi! Kash, Sean, Felix, Hector. Sumama kayo saakin. May pupuntahan tayo." Walang emosyong wika ko Habang nagmamaneho ako palayo narinig ko ang malakas na pagsabog sa bahay na pinanggalingan namin. Naiinis na ako tagal Sagutin ni Aslan ang tawag ko " Boss bakit?" Tanong ni Aslan sakabilang linya " Pumunta ka sa bahay na pinagdalhan ko sayo. Ngayon din isama mo si Rayden may ipapatrabaho ako sainyong dalawa." Walang emosyong na wika ko " Talaga? ibig sabihin totoo nga na kabilang na ako s---- Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Aslan pinatay ko na ang tawag. Huminto ako sa tabing kalsada Paligirin ako ng Apat. " Bago ko kayo isama sa pupuntahan ko! Gusto ko marinig kong gusto nyo bang sumunod saakin habang buhay?" Tanong ko sa seryoso na boses " Susunod kami sayo habang buhay boss." Sabay-sabay na tugon ng apat Hindi ko na napigilan umiyak na Napahagolhol ako sa pag-iyak nataranta naman ang apat nagmamadali na bumaba sa motor. Niyakap nila ako ang ending hindi ako makahinga " Mainit! hindi ako makahinga." Reklamo ko humihikbi parin ako " Bakit ka kasi biglang umiyak! Boss naman ngayon kalang umiyak ng ganyan. May problema ba?" Tanong ni Hector nag-aalala ang boses niya " Mangako kayo magiging tapat kayo saakin habang buhay. Kung kailangan nyo ng pera kahit na anong material na bagay ang mga bagay na gusto nyong makamit sabihin nyo saakin hanggat kaya ko ibibigay ko sainyo. Ang katapatan nyo lang ang kailangan ko. Pamilya ko kayo mahalaga kayo saakin pro-protiktahan ko kayo sa abot ng aking makakaya. " Umiiyak na wika ko " Boss naman! Wala na kaming mahihiling pa! Buong buhay namin namumuhay kami sa karangyaan. Lahat ng luho namin at ng pamilya namin binibigay mo. Sapat na ang mga nagawa mo saamin para manatili kami sa tabi mo hanggat sa nabubuhay kami. " Seryoso na wika ni Felix pinunasan ni Sean ang luha ko gamit ang panyo niya Hinila naman ako ni Kash niyakap ako ng mahigpit. " Tahan na Boss! Si Gavin ang iniiyakan mo. Alam na namin ang lihim niya, sinubukan namin na ma-inlove siya sayo. gusto ka niya pero lamang ang pagiging makasarili niya. Nalaman namin na ampon siya at alam na niya ang bagay na yon. " Mahinahon na wika ni Kash " Inaasahan ko naman to! pero hindi ko lang Aakalain na magkakatotoo ang hinala ko. Hindi ko naman pinansin ang laki ng pera na nawawala saakin pera lang yon. Pero ang subukan niya pasabugin ang kotse ko kagabi habang pauwi ako galing sa pinsan ko hindi ko mapapatawad. " Umiiyak na wika ko Hindi ko sinabi na limang taon nang nakikipag sabwatan si Gavin sa kalaban. " You love him! kaya nagbulag-bulagan ka! Lumayo ka muna boss! kami na muna ang bahala sa lahat." Wika ni Felix " Tara na! malayo pa ang byahe natin.." Umiiyak parin na wika ko Kinabukasan " Sama mo! nagmamaneho ka ng walang hinto! ibang klasi ka mabigo. Iiyak mo lang yan huwag kang palunod sa kalungkotan. " Wika ni Hector huminto kami sa bahay " Dalawa lang ang kwarto dito. kaya sa sala matulog ang iba. Parating na ang dalawa. Si Aslan ang tattoo artist at Si doc Rayden. Bukas ibibigay ko sainyo ang simbolo ng inyong katapatan ang bagong simbolo na nagpapatunay na Tapat kayo saakin. Masubok ko na ang inyong katapatan. Kaya ibibigay ko sainyo ang pabuya na matagal nyo nang inasam. " Nakangiti na wika ko " Yes! Boss! Sa pwet saakin. " magkakasabay na tugon ng apat napangiwi ako " Black and gold King Cobra! sa pwet nyo? sigurado na kayo?" Nakakunot noo na tanong ko " Oo! pangarap namin yon." magkakasabay na tugon ng apat " Wow! Sa pwet din tattoo ko." Boses ni Rayden Sabay kami napalingon sa nagsalita " Tika! Lahat na ng tauhan mo boss gwapo namumutok sa abs? Naku nangbubuso yan si boss mag-ingat kayo d'yan." Sabat ni Aslan Natawa ako bumaba ako sa motor ko ganon din ang ginawa ng apat Lumapit saakin ang dalawa magkasunod na hinalikan ang kamay ko bilang paggalang saakin. " Boss! Patawarin mo ako nagkasala ako! napatay ko ang step mother at step brother ko. Inakala ni Daddy na aksidenti ang nangyari pero Pinatulog ko sila at sinadya ko banggain ang kotse nila gamit ang truck. Ayaw ko makulong." parang bata na sumbong ni Aslan Tinapik ko siya sa balikat " Nanginig pa yan tuwing gabi binabangotngot gabi-gabi. Iwan ko ba sa isang yan. napakahina ng loob kalalaking tao. " Naiinis na Sabat ni Rayden Pinakilala ko ang mga tauhan ko sa Isa't isa madali nilang natanggap ang dalawa. pero kakaiba ang ngisi ng apat. * * Gavin * * " Miguel! Hindi ka ligtas diyan magpalamig ka muna tatawagan nalang kita ulit. Sa susunod na linggo na ang pera mo hindi pa ako nakakakuha eh." bungad na wika ko sa kabilang linya Napamura ako ng pinatayan ako ng tawag. Pagkabahala ang nararamdaman ko ngayon, Hindi pa ako lehitimo na kabilang sa Reeve assassin wala pa nga akong snake tattoo sa batok isa akong butler pero hindi ako pinagkatiwalaan ni Gwen. Paano na ako ngayon? Kung hindi ko lang nalaman na ampon ako sana hindi ko to ginagawa ngayon. " Pretend! tama magpapapanggap ako na parang walang alam. " Pangungumbinsi ko sa sarili ko " Kaya ko ba patayin si Gwen? Nakaligtas siya kagabi. palpak talaga si Miguel pasasabugin nalang ang kotse ni Gwen hindi pa nagawa ng maayos. Sana wala akong problema ngayon. " Galit na kausap ko sa sarili ko " Kukunin ko ang lahat-lahat ng kayamanan ni Gwen at ako ang papalit sakanya. Ginawa nila akong alipin. ginawa nila akong tanga piniwala na kailangan ko pagsilbihan si Gwen dahil sa angkan na kinabibilangan ng mga magulang ko. yon pala pinatay nila ang totoong magulang ko at ginawa akong alipin. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad." Galit na sambit ko " Pero kaya ko ba talaga patayin ang babaeng pinakamamahal ko?" Nanlulumo na sambit ko Napaupo ako sa Sahig sapo ko ang mukha ko nalilito ako. Nagtatalo ang puso at isipan ko, Siguro hihintay ko nalang na makauwi si Gwen sabi niya kakausapin ako. Pagkatapos ng pag-uusap namin magpakalayo-layo na muna ako. Kahit paano naramdaman ko ang pagmamahal ng pamilya. naramdaman ko kung gaano ako kamahal ng kinalakihan kong magulang. Pero sila ang dahilan kung bakit namatay ang totoong mga magulang ko. nagkataon lang na dinala ako sa bahay Amponan at napunta sa taong dahilan ng pagkawala ng buong pamilya ko. Alam ko walang kasalanan ni Gwen! Pero siya ang pinuno ng Reeve Assassin! Kailangan ko putulin ang paghahari ng Reeve Assassin para sa hustisya ng pagkamatay ng mga magulang ko. " Ano ang pipiliin ko? Hustisya o pag-ibig?" Garalgal na sambit ko " Hindi ko rin kayang makita si Gwen na may kasamang ibang lalaki nagseselos ako. Ano ang pipiliin ko? Ano ang mananaig sa puso ko pag-ibig o paghihiganti?" Malungkot na tanong ko sa sarili ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD