bc

Princess Heart

book_age16+
92
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Naniniwala ka ba sa mga fairytale?

Naniniwala ka ba sa mga fairies, knights at prince?

Naniniwala si Cielo dahil isa siyang fairy na nagmula sa mundo na tinatawag nilang Terrafairia.

Mapayapa silang naninirahan sa mundo ng mga fairies.

Hanggang isang araw, nawala ang balanse ng Tree of Life na siyang nagbibigay buhay sa kanilang mundo. Naglaho rin ang mga mahihiwagang hiyas.

Ano ang gagawin ni Cielo na siyang princesa ng Terrafairia?

Kailangan niyang pumunta sa mundo ng mga tao para mahanap ang gumambala sa tree of life at maibalik ang mga nawawalang hiyas.

Paano kung sa pag - alis niya ay mawawala ang kaniyang mga alaala at maglalakbay lamang ang puso niya? Ano ang mangyayari sa kanyang misyon?

Tuluyan na bang mawawasak ang Terrafairia?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
-Terrafairia- Masayang nagdiriwang ang mga fairy sa araw ng pasasalamat. Makulay ang kapaligiran at puno ng kakaibang palamuti ang buong palasyo at daan. Isa - isang nagpakita ng kanilang talento ang mga fairy habang pumaparada. Sila ay masayang sumasayaw, tumatalon at lumilipad. Umiindak sila sa bawat tugtog ng trumpeta at iba pang instrumento. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan. Pero biglang napatigil silang lahat nang sila ay makarining ng malakas na ingay. Isang kakaibang ingay na para bang may gumuguho. Pagkalipas ng isang minuto, niyanig sila ng lindol. Lahat sila ay natakot at nangamba. "Anong nangyayari?" sigaw ng hari. Nagkagulo ang mga fairy at kanya - kanyang umalis at nagsitago sa kanilang mga tirahan. Ang iba ay dumapa at itinigil ang ginagawa. "Hindi ito maari! " pangamba ng punong tagasamba na napapatingala sa kalangitan. Tila may pinapahiwatig sa kanya ang mga nangyayari. Patuloy pa rin ang paglindol kaya bumibitak ang lupa at ang iilang mga haligi ng palasyo. Niyakap agad ng inang reyna si Princesa Cielo na nanginginig sa takot. -Earth- "Hindi ito maari!" Sigaw ng isang babaeng nasa isang kwarto ng ospital. Siya si Mrs. Flor del Stephan, isang mayamang babae na nakatira sa New York. Nagdadalamhati siya sa pagkamatay ng kanyang nag - iisang anak na si Hena del Stephan. Umiiyak si Mrs. Flor habang nakahiga siya sa kama. "Bakit!?" Hawak hawak niya ang larawan ni Hena. Nakapikit siya habang yakap iyon. Hindi niya matanggap ang pagkawala ng kaniyang anak. Hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Awang - awa naman ang kanyang katiwala na pinapanood si Mrs. Flor. Hindi rin niya maiwasang maluha dahil napalapit na rin sa kaniya ang dalaga. Biglang may kumatok sa pinto kaya pinuntahan ng katiwala at binuksan. Naroon sa labas ang isang binata na ang pangalan ay Johan. Siya ay ang pamangkin ni Mrs. Flor. Pagkabukas ng pinto ay pumasok ito sa loob ng kwarto. Nalungkot din si Johan na makita ang kanyang tita na umiiyak pero nilakasan niya ang kanyang loob. Lumapit ang binata sa may kama. Nang napansin ni Mrs. Flor na may dumating ay dahan dahan niyang idinilat niya ang kanyang mga mata at umangat ang tingin. Nakita niya ang pamangkin niya na nakatayo malapit sa kanyang kama. "Johan.." sambit ni Mrs. Flor. "Tita.." Mahinahong tugon ni Johan. Bumangon agad si Mrs. Flor at inabot ang kamay ng binata. Medyo nagulat si Johan sa reaksyon ng tita. Nabuhayan ito ng makita siya. "Buhay siya di ba? Buhay siya!?" ngumingiting tanong ni Mrs. Flor. Kumunot ang noo ni Johan at napayuko ang ulo. Hindi siya agad nakasagot sa mga tanong ng tita niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sasabihin. Ayaw niyang masaktan si Mrs. Flor kaya pinipigilan niyang maluha sa harapan nito. -Terrafairia- Samantala, kinausap ng punong tagasamba ang hari at ang reyna sa palasyo."Ito na ang kinatatakutan ko.." Ani ng punong tagasamba na halatang natatakot. "Anong ibig mong sabihin?" Usisa ng hari. Dinala agad ng punong tagasamba ang hari at reyna sa silid ng tree of life. Pagkarating nila roon ay nagulat ang hari at reyna sa kanilang nakita. Naiba na ang posisyon ng tree of life. "Anong nangyari?" Tanong ng reyna. Napatakip siya sa kanyang bibig habang pinagmamasdan ang puno. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita. Mas lumapit pa sila sa puno at pinagmasdan pa ito. Umiling na ng limang degree ang puno at unti - unting natutuyo ang mga dahon nito. Dumating si Cielo at nilapitan niya ang kanyang mga magulang. "Ano pong nangyayari inang reyna?" Usisa ng dalaga. Napalingon sila sa princesa. "Anong ginagawa mo rito Cielo?" Pagtataka ng kanyang amang hari na may halong pag - aalala. "Amang hari, ano po ba ang nangyayari? Bakit po lumindol? May kinalaman po ba ang tree of life?" Usisa ulit ni Cielo. Sumagot ang punong tagasamba. "May nakialam sa replika ng tree of life na nasa ibang mundo na konektado sa tree of life." "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ng hari. "May gumalaw sa replika na siyang dahilan ng mga nangyayari rito!" Paliwanag ng punong tagasamba. "Ano ang dapat nating gawin?" tanong ng hari. Napatingin ang punong tagasamba sa dalagang si Cielo. "Kailangan..." Sasagutin na sana ng punong tagasamba ang hari nang biglang lumindol na naman. Earth- -NY memorial park. -Umuulan ng malakas. Binabalutan ng luha at pighati ang paligid. Nakaitim ang lahat. Umiiyak ng malakas si Mrs. Flor habang nasa seremonya. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang unica hija ay patay na, si Hena. Lahat ay malungkot at nagdadalamhati. Pagkatapos ng seremonya, ang iba ay umuwi na. Nagpaiwan ng ilang minuto si Mrs. Flor sa harap ng libingan ng kanyang anak. Hindi na siya umiiyak pero nakatulalang nakatingin lamang ito sa puntod. Hawak ni Johan ang payong kung saan nakatayo si Mrs. Flor. "Auntie, halina po kayo. Ihahatid ko na po kayo. "sabi ni Johan na dahan dahang inaalalayan si Mrs. Flor. Walang tigil ang ulan sa buong syudad. Para bang nagdadalamhati rin ito kasabay sa pagdadalamhati nila Mrs. Flor. Nakauwi na sila sa condominium. "Auntie, aalis na po ako" sabi ni Johan. Nakaupo si Mrs. Flor sa may bintana. Tahimik at nasa malayo ang tingin. Hindi niya narinig ang sabi ni Johan kaya sinabihan nalamang niya ang katiwala. "paki bantayan po si auntie, aalis na po ako. I will just visit her." Nakaalis na si Johan. Habang nakatingin si Mrs. Flor sa labas mula sa kanyang bintana, sa may park na malapit sa kanilang condominium, may nakita siyang isang babae. Ang dalaga ay mukhang nasa edad 14. She was so wet. She was sitting on a swing. Nabigla si Mrs. Flor at napatayo. "Hena!?" Umuulan ng malakas. Isang magandang babaeng mukhang nasa edad 14 ang nakaupo sa may swing. Mahaba ang kanyang buhok at maputi at makinis ang balat. Nakasuot siya ng simpleng bistida na basang basa sa ulan. Nakatulala lamang siya at tahimik. Para bang walang emotion. Ang dalagang ito ay si Cielo na mula sa Terrafairia, ang princesa ng mga fairy. Pero wala siyang emotion at parang wala sa sarili. Siya ay nakatulala lamang habang nakatingin sa malayo. "Sino ako?" tanong niya sa kanyang sarili. "Nasaan ako? Sino ba ako? Bakit ako narito? Ano ito?" naguguluhan ang utak niya at ang raming tanong ang pumapasok sa ulo niya. Ito ay parang isang kahon na walang laman. Gusto niya ng sagot pero walang sagot na makukuha. Ilang minutong dumaan, may nakatayong isang babae sa harapan ni Cielo, si Mrs Flor. Napatingin si Cielo kay Mrs. Flor. Napaluha si Mrs. Flor ng makita nya ang dalaga. "Hena!" ang sabi ni Mrs. Flor na may ngiti sa mga labi na abot sa tenga. Nilapitan niya si Cielo at niyakap niya ito ng mahigpit. "Hena, Hena ko! Buhay ka nga!" masayang sinabi ni Mrs. Flor habang nabigla naman si Cielo. "Hena! " hinahaplos ni Mrs. Flor ang mukha ni Cielo sabay ang mga luhang dumaloy sa pisngi nito. "Hena?" tanong ni Cielo. "Oo, ikaw si Hena." giit ni Mrs. Flor. "ang aking anak.." -Pilipinas- Samantala, sa Golden Diamond Academy, may 5 na estudyante ang nakikipagsuntukan sa isang 14 year old na lalaki na nasa ika -9 na baitang sa eskwelahan. Napakalakas at napakatapang ng grade 9 student. Hindi siya natatakot na lumaban sa limang senior high students. Napatigil ang suntukan ng dumating ang security guard na umawat sa kanilang lahat. Pinatawag lahat ng involve sa principal office. Pasa sa mukha at sakit sa katawan ang inabot ng mga estudyante. -principal office- Tinitigan ng principal ang Grade 9 student na nakaupo habang ang limang senior high ay nakatayo malapit sa mesa. "Sino ang nagsimula nito?"tanong nya. Agad tinuro ng lima ang grade 9 student. "Siya po!" Tahimik lamang ang grade 9 student. Hindi nabigla ang principal ng sabihin nila ito. "tsk tsk tsk" isang babae ang pumasok sa silid. Napalingon ang lima at bumati, " Goodafternoon Maam Jackie Valle." " Goodafternoon too, umuwi na kayong lima! " she replied. Agad kinuha ng lima ang kanilang bag na nasa gilid at yumuyukong lumabas ng silid. Nilapitan ng babae na si Mrs. Jackie Valle ang Grade 9 student. Tumayo ang principal at bumati rin, " Goodafternoon Maam Jackie." Si Mrs Jackie Valle ang may- ari ng academy na may isang anak na lalaki. "Kailan ka ba titigil sa pinaggagawa mo!? Paulit ulit nalang ito!" galit na tanong ni Mrs. Jackie sa Grade 9 student. Tumayo ang Grade 9 student at dinala ang kanyang bag at tuluyang lumabas ng silid ng walang paalam. Nabigla ang principal habang galit si Mrs. Jackie sa pagwalk out ng binata. "Bumalik ka rito! " sigaw ng principal. Hindi pinigilan ni Mrs. Jackie ang student. Habang naglalakad sa pasilyo ang grade 9 student, panay tingin naman sa kanya ang mga babaeng madaanan niya. The girls whispered ,"Ang gwapo niya parin kahit ang raming pasa." "Anong nangyari?" "Nakakaawa naman siya, gusto ko siyang alagaan" "Oh my, his face! Still cute pa rin!" "Ang bad ng sumuntok sa kanya!" "inggit siguro" Balewala lahat ito sa kanya na para bang walang narinig. " Sino ba siya?" "Siya si Nico Valle" "Valle?" Ang grade 9 na napakaastig at napakatapang na humahamon sa mga estudyante na magsuntukan sa kanya ay walang iba kundi si Nico Valle, ang anak ni Mrs. Jackie Valle na may -ari ng academy. Tahimik lamang siya pero mahilig siyang humamon ng suntukan sa mas matanda sa kanya. Kapag gusto niyang mapag-isa, he stayed at the rooftop wearing his headset. Ayaw niyang makihalubilo sa iba kahit mga kaklase niya. Bihira rin siyang makipagusap. Other students are hesitant to reach and talk to him. Ang alam ng karamihan ay masama itong binata na mahilig sa gulo. Ang hindi nila alam, kahit ilang ulit pa siyang gumawa ng kasalanan sa paaralan hinding hindi siya makikick out or suspended dahil siya ang anak ng may -ari ng akademya.Walang magawa ang mga guro o kahit ang principal at pinapalagpas na lamang ang mga ginagawa niya. - New York- Mrs. Flor was so happy. She bought alot of things for Cielo, or better known as Hena. "Tingnan mo ito anak, ang gaganda ng binili kong mga damit" ang sabi ni Mrs. Flor. She was holding the dresses. Hena was also a little bit happy. Nakangiti ang dalaga pero walang salita ang lumalabas sa bibig niya. Dumating si Johan. Siya ay nabigla sa kanyang nakita. Napatingin si Hena at Mrs. Flor kay Johan. Tumayo si Mrs. Flor at nilapitan si Johan na nasa may pinto. Napakasaya ni Mrs. Flor. na ibalita sa kanyang pamangkin. Speechless naman si Johan. Sa kanyang isip, "Sino siya??" "Buhay siya, buhay nga siya" sabi ni Mrs Flor na hawak ang kamay ni Johan. Pinagmasdan ulit ni Johan si Cielo o Hena. Kamukhang - kamukha niya ang kanyang pinsan. Bumalik si Mrs. Flor sa tabi ni Hena. "Bukas na bukas, you will have your therapist and private tutor. Do not worry, you will be okay. " Johan was against sa pag-aalaga at pag adopt nya ky Cielo na naging Hena. Alam niyang patay na si Hena at hindi niya alam kung ano ang totoong pagkatao ng dalagang kasama nila. "Siya si Johan, ang cousin mo,"pinakilala ni Mrs. Flor si Johan kay Hena. Tahimik lamang si Johan at mukhang hindi gusto ang nangyayari. "Pasensyahan mo na si Hena, she got amnesia," paliwanag niya kay Johan. "Sige po auntie, alis na po ako," paalam ni Johan. Sinundan ng tingin ni Hena si Johan habang papaalis ito. Nilapitan ni Mrs. Flor si Hena at sinabing,"pasensyahan mo na si Johan anak. Alam mo ba, na napaclose ninyong magpinsan. Ang tawag mo nga sa kanya ay big bro kahit matanda lamang siya nang ilang buwan sa iyo." masayang nagkwekwento si Mrs. Flor habang si Hena ay nakikinig. Sa isip ni Cielo habang tinitingnan ang sarili sa salamin. "Ako, ako si Hena? Ako si Hena! I'm Hena!" then she smiled. -After two months- (Ang isang araw sa mundo ng Terrafairia ay katumbas ng sampung araw sa mundo ng mga tao.) Matagal tagal na rin noong unang nagkakilala si Cielo at si Mrs. Flor at naging Hena na siya. Dalawang buwan na rin ang nakakaraan ng huling binisita ni Johan si Mrs. Flor sa kaniyang condominium. Kaya naisipan ni Mrs. Flor na bisitahin nila si Johan sa kanilang bahay. Napakaganda ng kanilang bahay na may maliit na napakagandang garden sa likuran. Mga katiwala lamang ang kanyang kasama sa bahay. He was alone since his parents are working abroad kaya close sila ni Mrs. Flor na tumayong second mom niya. Pero noong dumating si Cielo na hindi naman si Hena, umiwas ito. He doesn't like to see the new Hena. Nasasaktan siya kapag nakikita niya siya at naaalala niya na patay na talaga ang tunay. Dumating na sila sa bahay ni Johan. "Nasaan si Johan? Tanong ni Mrs. Flor sa katiwala. "Nasa garden madam," sagot ng katiwala. "Ahh, ok," at tiningnan niya si Hena at sinabing "puntahan mo muna si Johan sa hardin, igagawa ko kayo ng cake na paborito ninyo." Hena was hesitant. Medyo nahihiya ito at natatakot lalo na't pakiramdam niya ay hindi siya gusto ng binata. "Sige na anak.." Napatango nalang si Hena. Pumunta sa kusina si Mrs. Flor habang pinuntahan ni Hena si Johan sa hardin. -at the garden.- Nagpapaint si Johan sa canvas. Nakatayo si Hena two meters away from Johan. Nilakasan niya ang kanyang loob at binati ang binata mula sa kanyang kinatatayuan. "Hi" bati ni Hena. Alam ni Johan nandoon si Hena pero hindi nya ito pinansin. Nagpatuloy ito sa pagpipinta. Nahihiya man ang dalaga ay nilakasan niya ang kanyang loob na lapitan si Johan. Malaki ang pagbabago ni Hena hindi katulad ng dati na laging nakatulala at walang alam. " Ang ganda ng pinipinta mo? " tanong ni Hena. Napahanga ang dalaga sa gawa ng binata. Talagang napakaganda ng pininta nyang rosas. Kunot - noong nagpatuloy si Johan. Hindi pa rin niya pinansin ang dalaga. Napansin ni Hena na walang balak na pansinin siya ni Johan. Pinuntahan ni Hena ang rosas na ginuguhit ni Johan na nasa harapan lang nila. Tinuro niya ito,"Ito ba yon?" excited na sinabi ni Hena. Galit na tumayo si Johan,"Umalis ka dyan!" pasigaw na sabi niya. Nagulat si Hena at hindi sinasadyang nahawakan ang tangkay ng rosas na may tinik. "Outch!" Namilog anga mga mata ni Johan. "Outch" sigaw ni Hena ng napahawak sa tinik ng tangkay ng rosas Tiningnan niya ang kanyang kamay. Masakit pero wala namang dugo kaya nagtaka kunti ang dalaga. Gustong lapitan ni Johan si Hena dahil nag-aalala ito pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Binalewala nalang niya ang nangyari. - Pilipinas- Habang naglalakad si Nico sa daan malapit sa playground, may nakita siyang maliit na bata na nadapa. Umiiyak ang bata dahil sa natamong sugat. "mama!!," sigaw na bata na nasa lupa. Nilapitan ni Nico ang bata. "Huwag ka nang umiyak, taha na," ang sabi ni Nico. Napakalaking sugat sa tuhod ang natamo ng bata. Tiningnan ni Nico ito at hinawakan. Pagkaraan ng ilang minuto lamang, tumigil ang bata sa kakaiyak. Wala ng sakit. Wala na ang sugat. Nabigla ang bata sa nangyari na parang may kakaiba. Ngumiti lang si Nico at ngumiti ang bata. Tumayo agad at tumakbo ang bata. Masaya ito na parang walang nangyari. Pero sa kabila ng pagtulong ni Nico ay nanghina ng kunti ito na medyo hirap sa pagtayo. "Hindi ko mapigilan na hindi gamitin.." mahinang ani ni Nico sa sarili na dahan - dahang tumatayo. Si Nico ay may kapangyarihan. Ito ang manggamot ng ibang tao kapag nahahawakan niya. Ang sideeffect naman ay nanghihina siya ng ilang minuto pagkatapos niyang manggamot. Maaari rin niyang gamutin ang kayang sarili, after 24 hours para nang walang nangyari. Ito ang dahilan kung bakit gusto nyang mgsuntukan at makipaglaban. Gusto niyang makaramdam ng sakit sa katawan.Napakamanhid na nito. He cannot feel the pain already. Malayo naman ang loob ni Nico sa kanyang ina simula pa nong bata pa siya. He doesn't feel the love of his mom kaya gusto niyang mafeel ang sakit ng katawan at mag- alala ang ina niya sa kanya. Its better na maramdaman ang sakit ng katawan kaysa hindi nya maramdaman na mahal siya pero both hindi nya maramdaman. Ang gwapo ulit ni Nico na kitang - kita sa maaliwalas na mukha na para bang walang nangyaring suntukan kahapon. Pinagaling niya ang kanyang sarili ng magdamag. -New York.- Pinuntahan ni Mrs Flor sina Johan at Hena na nasa hardin. Dala dala niya ang cake na ginawa niya. "Kumain muna kayo" alok ni Mrs Flor sa dalawa. Masayang lumapit si Hena kay Mrs. Flor. "Busog pa po ako auntie," ang sabi ni Johan. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawang painting. Tiningnan nila si Johan. Medyo nalungkot si Mrs. Flor sa sinabi ni Johan na ayaw niyang kumain. Nakita ni Hena ang mukha ng mama niya na malungkot. Agad siyang kumuha ng isang slice ng cake at nilapitan si Johan. "Kumain ka ng kunti. Kahit kunti nalang," pamimilit ni Hena sa binata. Tumayo si Johan na parang galit at sinabing "Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko busog pa ako!" Pasigaw nitong sagot sa pagharap niya kay Hena. Nabigla si Hena sa sagot ni Johan. Nakaramdam ng takot si Hena at napaluha siya. Nabigla si Johan sa nakitang reaksyon ni Hena na napaluha. Nakokonsensya tuloy siya. Dali - daling niligpit niya ang kanyang mga gamit pampinta. Lumapit si Mrs. Flor at iniba ang topic, "Alam mo ba Hena, mahilig ka ring puminta katulad ni Johan. Siya ang nagturo sa iyo." masayang kinwento ni Mrs. Flor. Napatigil si Johan sa pagliligpit. "Auntie, tama na po!" Napatingin sila sa binata Nagpatuloy si Johan. "Hindi po siya..... " hindi pa tapos na magsalita si Johan ng biglang nagsalita ulit si Mrs. Flor. "By the way nakuha ko na ang inyong passport." balita ni Mrs.Flor. They had their passport already. Next week, pupunta na sila Mrs.Flor, Hena and Johan sa Pilipinas. Doon na mag grade 9 ang dalawa. Gusto ni Mrs. Flor na magstay sa Pinas para magbagong buhay dahil wala gaanong nakakaalam sa nangyari sa kanyang anak na si Hena. Only few lang rin ang nakakaalam sa New York na patay na si Hena, mga malalapit na kaibigan at kamag - anak lamang ang may alam. Gustong manatili sa New york si Johan pero pinilit siya ng kanyang ina na kapatid ni Mrs. Flor na samahan ang auntie nya. They were worried about her. -Pilipinas- Naglalakad papauwi si Nico nang may sinasaktan na lalaki sa gilid ng daan. Nasa lupa na ito at yakap yakap ang isang aso. Tatlong lalaki na tambay ang nagtatadyak sa batang lalaki na nasa edad na 14. Kung anong dahilan, hindi natin alam. Pinuntahan ni Nico at pinagsusuntok ang tatlo. Nabigla sila. Napasubo si Nico at sinaktan rin sya. Galit ang tatlong lalaki sa kanya at pinagtatadyak rin sya. Nang napagod na ang tatlo, iniwan nila si Nico at ang lalaking may yakap na aso na nakahiga sa lupa. Pasa ang inabot sa dalawa. Pinilit na bumangon ni Nico at hinawakan ang lalaki. Bumuka ang mata ng lalaki nang kakaunti at nakita nya ang isang kumikinang na guhit na parang tatoo sa gilid ng leeg ng lalaking na nasa kanyang harapan. Iyon ay si Nico. Ilang sigundo ay nawalan na siya ng malay. Tumatahol ang aso sa lalaki na walang malay. Wala ng sugat ang lalaki. Medyo nanghina naman si Nico na pilit tumatayo. May biglang sumigaw, " Lucas!" May babaeng nasa edad na 40 ang dumating. Kakilala yata niya ang binata. Niyakap niya ang binata na ang pangalan ay Lucas. "Anong nangyari?" Pilit niyang ginigising ito. Walang bakas na sugat ang makikita sa katawan ni Lucas. Dahan dahan namang umalis si Nico na hirap sa paglakad. -New York- May nakitang isang tanim na malapit ng malanta si Johan sa kanyang hardin. Mahilig sa halaman si Johan. Sabi pa nila, siya ay may golden hands. Madaling tumubo ang isang tanim kapag siya ang magtatanim. May kakaiba rin sa binata dahil yon ang kapangyarihan niya. Pinapatubo at pinapalago ang mga halaman o puno. -Pilipinas- Pumasok na sa paaralan si Lucas. Nag-aaral siya sa Golden Diamond Academy at Nasa grade 9. Naglalakad siya sa pasilyo habang nagiisip kung bakit ni isang sugat o pasa ay wala siyang natamo sa nangyari kahapon. Nagtataka siya at di niya matandaan ang mukha ng tumulong sa kanya. Ang naaalala niya ay isang tattoo na kakaiba na parang panaginip. Hindi kasi malinaw. May umakbay bigla sa balikat ni Lucas na nagpagulat sa binata. isang matangkad na lalaki at siya si Henry, ang kanyang klasmeyt na chickboy. Henry believes that lapitin siya ng babae dahil sa kanyang charm. Napapaibig daw niya ang isang babae for just a blink of his eyes. "Nabalitaan ko na sinugod ka raw sa hospital kahapon. Totoo ba? Eh parang wala namang nangyari sa yo! Sabi ni" Henry. "Ano palang nangyari?" Sinuri niya ang katawan ng kaibigan. Nagtataka nga si Lucas. Tahimik lamang siya at nag - iisip. Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa at narating nila ang student lounge. Doon, maraming mga babae ang nakaupo at nang dumaan si Henry ay napatili ang lahat. Kinikilig ang mga dalaga at napapatitig sa kanya. Napakalakas ng dating ni Henry. Kindat dito, kindat doon. Pangiti - ngiti sa mga babaeng nadadaanan. Si Lucas na kasama niya ay tuloy na- inggit naman sa kanya dahil ang raming nakatitig rito. Napapanguso tuloy ito. Hanggang, tumunog ang cellphone ni Lucas. May mensahe itong natanggap. Agad tiningnan ni Lucas ang cellphone niya at binasa ang mensahe na natanggap. Bumakas ang ngiti sa labi ng binata habang ang mga mata ay nagbabasa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
148.5K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
320.6K
bc

Married By Mistake

read
172.9K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
335.3K
bc

A Night With My Professor

read
510.1K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.6K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
388.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook