PART 1
"Pwe! Pwe!" Pinunas-punas ni Crisma ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha.
"Ano'ng--" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil napangiwi na lamang siya nang makita niya ang bunsong kapatid na lalaki na nakatayo sa may bandang mukha niya at walang short. At ang seste hawak-hawak nito ang maliit nitong batotoy. "Bakit mo naman inihian ang mukha ko, Panchoy?!"
"Ayaw mo gising, eh! Wiwiwi na ako," reklamo ng kapatid sa kanya.
"Eh di sana kahit sa'n na sahig ka umihi! Hindi rito sa maganda kong mukha! Naman, oh!" reklamo niya na bumangon. Busangot na busangot ang kanyang mukha. Bastos na bata!
"Ang panghingi ko na tuloy!" pagdadabog pa niya. Pagdadabog lang talaga ang nagagawa niya kasi hindi naman niya mapatulan ang kanyang kapatid. Kahit ganito ito na pasaway ay love na love niya si Panchoy.
Nasasanay na lang talaga ang kapatid niyang ihian ang kanyang mukha. Bata, eh. Naiinis lang siya dahil alaga niya ang maganda niyang face, kaya kahit isa siyang ita ay hindi naman masyado kaitiman ang balat. Kayumanggi lang.
"Kaasar ka! Buti sana kung nakakaputi ng mukha ang ihi mo, eh!" Padaskol niyang kinuha ang tuwalya. Maghihilamos siya dahil ang panghi niya talaga. "Halika na sa labas. Kumain ka na ba?"
Umiling ang bata.
Napabuntong-hininga siya. Wala na naman sigurong pagkain.
"Tay, si nanay?" tanong niya sa ama na nagsisibak ng kahoy sa labas. Ito ang hanapbuhay ng ama, ang mangahoy at binibinta sa bayan. Sa bawat isang tali ay sampung peso lang binibili ng may mga pera kaya naman kulang na kulang ang kinikita ng kanilang ama para sa kanila.
"Naglabada," sagot ng ama niyang pinagmanahan niya ng buhok at balat. Buhok na kuloy pero hindi pino dahil hindi pure na ita ang tatay niya. At kanyang pinasasalamat iyon sa kanyang ama ng lihim dahil maganda kahit paano na tingnan ang buhok niya. At balat na maitim ang kulay pero pasalamat na lang niya rin at siya pa rin ang pinakamaputi sa lugar nila. Kayumanggi lang kasi ang kulay ng balat niya hindi tulad ng nanay niya at ibang mga ka-tribo nula na itim na itim talaga.
"May pagkain po?"
"Wala pa. Tiis muna kayo, mga anak. Pagdating nanay niyo may pagkain naman siguro 'yong dala."
Napakamot-ulo siya. Umaga pa lang ngayon at mamayang hapon pa uuwi ang nanay nila.
"Gutom ka na ba talaga?" tanong niya kay Panchoy.
Tumango ang kapatid. Nakakaawa ang hitsura. Ang haba ng nguso.
"Sige tara sa bayabasan at manggahan. Titingin tayo 'pag may hinog na." Iyon na lang ang pag-asa nilang magkapatid para makakain, ang mga prutas sa kagubatan.
Naaawa na lang sa kanila ang kanilang ama na sunod-tingin sa kanila pero buti na lang at hindi pa man sila nakakalayo ay dumating na ang kanilang ina.
"Crisma, huwag ka munang umalis!" sigaw sa kanya ng nanay niya.
Tuwang-tuwa na bumalik silang magkapatid sa sira-sira nilang bahay. Baka may pagkaing dala ang nanay nila. Doon nila nakita na may kasama pala ang nanay nila, isang magandang babae na ang puti-puti at straight na straight ang buhok.
Kumutitap ang mga mata ni Crisma habang pinagmamasdan niya ang babae. Ganito ang hitsurang kinaiinggitan niya. Ganito ang nais niyang maging siya. Ganito ang pangarap niya na maging pagdating ng araw.
"Siya si Miss Juliet Mejia," pakilala ng nanay niya sa babae sa kanila.
Nang ngumiti ang babae at yumukod konti bilang pagbati ay nakikilala na niya ito dahil minsan na niya itong nakita sa bayan. Isang reporter si Miss Juliet sabi ng mga tao sa bayan. At nangangalap daw ito ng mga impormasyon tungkol sa tribo nila. Kung para saan at bakit, hindi niya alam. Basta ang alam niya sa reporter ay nagbabalita sa TV at radio.
Nagyuko rin ng ulo ang tatay nila bilang paggalang sa bisita pero siya sinamantala na niyang mahawakan ang balat na kay puti kaya inilahad niya ang kanyang kamay. Inabot naman 'yon ng nakangiting si Miss Juliet.
"Kumusta?" tanong nito sa kanya.
"Okay lang po," kiming sagot niya. Grabe kahit siya na ang pinakamaputing ita sa tribo nila ay nagmukhang uling pa rin ang kanyang kulay nang matabi ang kamay niya sa kamay ni Miss Juliet. Ang ganda at ang lambot ng balat ni Miss Juliet! Sana ganoon din ang balat niya!
"'Di ba noong nag-initerview ako sa inyo noon sabi mo gusto mong makatapos ng pag-aaral, Crisma?" tanong sa kanya ni Miss Juliet.
Natameme siya pero nakasagot pa rin naman siya. "O-opo! Opo!"
Hinawakan ni Miss Juliet ang isa niyang kamay. "Pwes, matutupad na ang pangarap mo, Crisma."
Lumaki ang mga mata niya.
"Dahil i-sponsor-an kita. Ako ang magiging bahala sa lahat ng kakailanganin mo sa pag-aaral. Tutulungan kita para maabot mo ang mga pangarap mo, Crisma."
"T-talaga po?!" Wala pa man ay tila nalulunod na siya sa sobrang kasiyahan. Kasi sabi ng nanay at tatay niya hindi na raw siya mag-aaral dahil hindi na nila kaya pa ang tuition ng kolehiyo. At aaminin niyang nagdamdam siya. Gayunman ay naunawaan niya ang kanyang mga magulang hindi katagalan at tinanggap niya na ganito na ang ang kanyang kapalaran, ang matulad sa iba niyang mga katribo na hindi nakatapos o walang natapos.
Sunod-sunod ang tango ni Miss Juliet. "Pero okay lang ba sa'yo kung doon sa Maynila ka mag-aaral? At sa bahay ko ikaw titira?"
"Po?!" Medyo nagulat siya do'n dahil kung magkataon ay first time niyang mapapalayo sa pamilya. Napatingin siya sa kanyang mga magulang. Kahit ganito na nagugutom sila araw-araw ay parang ayaw niyang mawalay sa kanyang pamilya. Gusto niyang mag-aral pero sana doon lang sa kanilang bayan.
"Anak, sige na. Huwag mo kaming intindihin ng iyong tatay. Okay lang kami rito. Ang kinabukasan mo ang isipin mo, anak," maluha-luhang saad ng kanyang nanay.
"Mas mahalaga na makapag-aral ka anak. Pasyal-pasyal ka na lang dito," sabi rin ng tatay niya.
Pagkatapos niyang tingnan sa mga mata ang nanay at tatay niya ay sa isang iglap ay nakapagdesisyon siya. Tumango siya na napaluha, naunawaan niya agad ang nais ng mga magulang niya. Pagkatapos ay binalingan niya si Miss Juliet. "Sige po, sasama po ako sa inyo," tapos sagot niya na walang alinlangan. Tama ang kanyang Nanay, kinabukasan niya ang mag-aangat sa kanilang buhay kaya hindi na niya sasayangin pa ang binibigay sa kanyang pagkakataon ng mabait na reporter. Ang tanga na niya kung sasayanging niya ang pagkakataon...........