Naramdaman ko na pinisil ni Zieg ang kamay ko.
Nakatingin sa amin si Selina, bumaba ang tingin nya sa magka hawak naming mga kamay. I was about to pull my hands from his grip pero mabilis nyang nahuli ang kamay ko.
Tiningnan ko sya, nagtama ang mga mata naming dalawa.
"Mauna na ako sa loob." Mahinang sabi ko.
He swallowed and nod, bago nya dahan dahan na binitawan ang kamay ko.
Mabilis akong naglakad papunta sa office ko. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Selina sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Binati ako ni Shane na nginitian ko na lang.Para akong hinabol nang makapasok na ako sa office ko. Inilapag ko sa lamesa ang mga bag namin ni Zieg at naupo ako sa swivel chair ko.
I opened the airconditioner using the remote and I tried to relax.
Nakakagulat kasi na nakita ko si Selina, at nandito pa sa Lush. Hindi ako mapakali.
Anong pinag-uusapan nila? Hindi ba at dapat, hindi sila magkikita ng sila lang?I got my phone, I called Bree. Hindi ko alam kung tulog pa sya o gising na dahil after lunch pa lang, pero kailangan ko may makausap. Ayoko naman lumabas dahil baka ano isipin ni Selina.
Wow, ha? Ako pa talaga nag adjust.
In three rings ay sumagot agad si Bree.
"Yep!" Mukha namang hindi ko sya nagising dahil masigla ang boses nya.
"Bree, Selina's here."
"What? Where?"
"Dito sa Lush. Kakarating pa lang naming dalawa ni Zieg. Dito kami sa Lush dumiretso and we saw her!"
"Holy hell. Sino kasama nya?"
"W-wala. Nandito ako sa office. Si Zieg nasa labas, kausap sya. Nagwoworry ako. Baka may alam sya at anong mangyari kay Zieg." I bit my lower lip. I stood up and started walking back and forth inside my office.
"Calm down, okay? Wala naman sigurong magagawa 'yan si Selina. They're out in the open, nasa public place pa. Baka gusto lang malaman kung kayo na talaga?"
Bumuntong hininga ako. "So dito lang ako? Hindi ako lalabas?"
"Don't panic. Zieg can take care of himself. Maghintay ka na lang ng four more minutes or so, kapag hindi pa rin pumapasok si Zieg, lumabas ka na. Pumunta ka sa cashier."
"O-okay. Damn it, kinakabahan ako."
"Relax. I'll contact the agent na supposed to be naka tail kay Zieg."
"Thanks, Bree."
Inilapag ko na ang cellphone sa mesa ko nang matapos na ang pag-uusap namin ni Bree. Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad sa buong office ko.Nakatitig ako sa kamay ng clock. A few seconds before mag four minutes, my office door opened.
Mabilis akong lumapit nang makita ko na si Zieg iyon.
"W-what happened? Bakit raw nandito sya?" Tanong ko nang naisara nya na ang pinto.
"She wanted to know kung tayo na talaga."
"What? So what happened?"
Nangunot ang noo ni Zieg. "Are you alright? Bakit namumutla ka?"
Hinawakan nya ako sa mga balikat ko.
Umiling iling ako. "Nothing,"
"Ayanna.."
"Kinabahan lang ako, eh. Nakakagulat naman kasi sya."
Yinakap ako ni Zieg. "Don't worry. Tuloy pa rin naman ang arranged meet up namin sa kanya at sa mga friends nya. That would be the last, okay?" He murmured.
Tumango lang ako.
Tinulungan ako ni Zieg sa inventory. Mabuti na lang at maalam rin sa number si Zieg. May tinuro pa nga sya na mas madaling computation. Nagpadala na lang ako ng snacks naming dalawa.He insisted na sa bahay nya na kami matulog.
Dumaan na lang daw kami sa bahay bukas bago pumunta sa Lush kung may kailangan ako kunin.
This time ay ako naman ang nagluto para sa amin. Palagi na lang kasing si Zieg, gusto ko bumawi sa kanya. Sya naman ang hinayaan ko na manuod ng tv habang hinihintay ako na matapos sa pagluto ng hapunan naming dalawa.Niraid ko ang ref ni Zieg. Daig nya pa talaga ako dahil talagang palaging well stocked ang ref nya.
Ako naman kasi madalas talaga mag take out na lang dahil wala na akong time minsan magluto.But for Zieg, palagi akong may time.
"Nagugutom na ako, babe. Ang bango, eh!" Rinig kong sigaw nya.
I chuckled. "Malapit na!" Naeexcite ako pakainin sya ng luto ko.
I set up the table tapos tinawag ko na si Zieg.
Yinakap nya ako mula sa likod at hinalik-halikan ako sa leeg."Wow. Really? Marunong ka pala magluto ng beef steak?" Nanlalaki ang mga mata ni Zieg nang tumingin na sa lamesa.
Napanguso ako. "Yabang mo, ah? Kala mo ikaw lang marunong?"
Tumawa sya. Pinisil nya ang mga pisngi ko.
"Cute mo talaga." He gave me a quick smack.
"Kain na ta'yo. I'm starving!" Hinimas nya pa ang tyan nya.
"Bili na lang ta'yo ice cream for dessert?" Tanong ko nang makaupo na kami pareho.
"Ikaw na lang dessert ko, pwede naman." Nakangisi na sabi nya.
"We'll see." I teased.
Nawala ang ngiti nya. "Anong we'll see? What does it means?"
Nagkibit balikat ako at nagsimula nang kumain.
"Babe," Untag nya.
"Kumain ka na lang, Attorney Alonzo."
"Ang daya naman," Parang bata na inagawan ng candy ang mukha ni Zieg.
Tinawanan ko lang sya.
I slept with Zieg's body's warmth enveloped in me, pero nang maalimpungatan ako ay nilamig ako kaya kinapa ko sya sa tabi ko. Nang hindi ko sya makapa ay luminga-linga ako sa paligid.
Wala rin sya sa shower.
I looked at the wall clock. Past two pa lang ng madaling araw. Impossible na nagjajogging na sya, and if ever man ay magsasabi sya before.Pupungas-pungas ako na bumangon. Lumabas ako para tingnan sya sa sala or kitchen, pero wala.
Bumalik ako sa kwarto para tingnan kung nandoon ang cellphone nya, at nang makita ko na wala, I dialled and called him.
"s**t," I cursed when on my fifth call ay hindi na lang ring kung hindi voice prompt na nakapatay na raw ang cellphone ang narinig ko sa kabilang linya.
Where the hell did Zieg went? Wala rin ang sasakyan nya sa driveway. It means umalis talaga sya. Pero bakit hindi sya nagsabi?
I calmed myself down. Nag-isip ako ng iba pang reasons para bigla na lang syang umalis. Wala naman din pating gamit na naiba. Napapraning na ako kakaisip kung kinidnap ba sya. Bakit hindi man lang ako nagising?
Pabalik balik ako ng lakad sa kwarto ni Zieg nang marinig ko na may tunong ng sasakyan na tumigil sa harap ng bahay. Agad akong lumabas at sumilip sa bintana. Its Zieg's car!
Nakahinga ako ng maluwag. Bumaba sya para buksan ang gate. He's still wearing the same white shirt he was wearing before we went to the bed, pero ang boxer nya ay napalitan ng chino shorts.
I went back to the room. Doon ko na lang sya hihintayin at tatanungin.
"Are you sure okay lang?"
Bahagya akong napatigil nang marinig ko ang mahinang boses ng babaeng iyon. Napalunok ako. Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Selina.
"I'll tell her, I know she will understand." Rinig ko na sabi naman ni Zieg.
Oh. What is happening? Sumilip ako at nakita ko na nakatayo sa gitna ng sala si Selina. Naka sando lang sya at maiksing maong shorts, may suot syang oversize jacket na sigurado akong kay Zieg. He wore it a few times.
Hindi ko makita kung nasaan si Zieg, maybe nasa kusina. Palinga linga si Selina sa pligid na parang kinakabisado ang lugar. Why the hell is she here? At sa ganitong oras pa?
Hindi ko na nabilang kung ilang beses na akong nagmura sa isip ko. Huminga ako ng malalim bago ako nagkalakas ng loob na lumabas. Wala akong pakealam kung makita man ako ni Selina sa manipis kong nigh gown.
Mabilis akong nakita ni Selina. Tumigas ang mukha nya at tinaasan ko lang sya ng kilay. Hinanap ko si Zieg, nasa kusina nga sya at may hinahalo sa isang mug.
"Babe?" Tawag ko.
Tumigil sa ginagawa nya si Zieg at lumingon sa akin. Ngumiti sya at naglakad palapit sa akin habang dala na ang mug. Hinawakan nya ako sa balikat nang tumayo na sya sa harap ko.
"Saan ka galing? Bakit nandito sya?"Liningon ko si Selina na matiim ang tingin sa aming dalawa.
He squeezed my arm. "I'll explain in a sec." Naglakad na sya papunta kay Selina at inabot ang mug na may laman na kape. Umuusok usok pa iyon. "Have a sit."
Umupo naman sa isa sa mga upuan si Selina at inilapag sa coffee table ang mug.
"I'll talk to Aya, I'll explain everything, okay? Inom ka na muna ng kape para mainitan ka." Sabi ni Zieg kay Selina.
Selina pursed her lips a bit before she nod. Bakit parang nagpapa awa ang gaga na ito at mukhang effective naman kay Zieg?
I saw Zieg gave her a reassuring smile before he walked back towards me.
Inakay ako ni Zieg pabalik sa kwarto. Tinabig ko ang kamay nya na naka akbay sa akin. I curled my arms into my chest at humarap sa kanya.
"I will explain, okay? Huwag kang magalit."
"Talk," Ang matipid na sabi ko. Kanina ko pa pigil na pigil ang sarili ko na magtanong, pero mag eexplain daw sya kaya sige, pagbigyan na. Tsaka na ako magtatanong kapag may hindi sya na explain.
Huminga ng malalim si Zieg.
"Selina called me a while ago. She's crying. She's asking for help dahil ako lang daw ang alam nyang pwede nya malapitan. I'm sorry, hindi na kita ginising and I didn't know this will happened. When I got there, she's at the streets, feeling cold, alone and crying. She confessed that she was a part of a human trafficking syndicate."
Tumaas ang kilay ko. "So, bakit sya nandito?"
"That's the thing. Umalis sya sa tinitirhan nya ngayon dahil may pinapagawa na naman daw sa kanya na panloloko. Hindi nya na daw kaya so she escaped, that's when she called me before she ditched her phone somewhere."
"Naniwala ka naman?" Nagdududa kasi ako sa timing. Something not right in this situation.
Zieg pressed his lips before he answered, parang tinatantya rin ang isasagot sa akin. "Well, she confessed her involvement.."
"Tapos dito muna sya? Ano, magsasama kayo?" Isipin ko pa lang na ganoon nga parang mauubusan na ako ng hininga. Ano sya, siniswerte? Akin si Zieg, huwag na syang makihati. Medyo napalakas ang boses ko pero wala na akong pake kung marinig nya man.
"What? Of course not. Ngayon lang sya dito. Bukas sasamahan ko sya sa NBI. Magiging witness sya and she will testify against the syndicate." His eyes narrowed in on me.
"Alam nya ba na alam mo na before pa?"
Umiling iling sya. "No, I didn't tell her. I guess that's for the best. Baka hindi sya magtiwala sa akin once na malaman nya na I've been into her already, na nagduda na kami nila Bree at Mr. Agoncillo before."
"Tapos ano mangyayari? Edi magiging responsibilidad mo sya?" Natampal ko ang noo ko. "This is insane, Zieg. Paano kung mapahamak ka dahil tinulungan mo sya? I am not saying na sana hindi mo na sana sya tinulungan, pero paano kung may makaalam na nandito sya? Paano kung ikaw ang hanapin?" Nawala na ang focus ko kay Selina at nagawi na sa kaligtasan ni Zieg.
I started shaking when morbid thoughts came into my head. I don't want to think of the worse case scenarios but I can't help it. Hindi na lang ito basta exclusivity. I know in myself that I already love Zieg. I fell in love with him and I am still falling. It's a bottomless pit that I am willing to keep on falling kung sya ang kasama kong mahulog.
When he saw that I am starting to panic, he slowly pulled me into him and hugged me. "Calm down, babe. Nothing's gonna happen to me."
"You can't know that!" Muli ay napalakas ang boses ko. Marahan ko syang tinulak at lumayo ako sa kanya. "Mapapahamak ka dyan, eh. Natatakot ako."
Akmang hahawakan nya ako ulit pero umiwas ako. I hate Selina. I hate her to the core. She brought this to us. Wala akong pake kung ano man ang sitwasyon nya. She's been a part of that freaking syndicate for God knows how long tapos ngayon na tumakas sya, kay Zieg pa sya lumapit of all people?
"Babe. C'mon," Parang hirap na hirap na alo ni Zieg sa akin.
"First thing in the morning, idala mo 'yan sa NBI. Iwan mo doon. Sila na ang umasikaso dahil kaso na nila 'yan. Hindi ka na kasali dyan." I sound so bossy pero who can blame me?
He sighed, "Okay, okay. Gagawin ko. I promise." Naglakad na naman sya palapit sa akin and this time ay hindi na ako umiwas. Hinawakan nya ang mga balikat ko. "I'm sorry I got you in this situation."
Umiling iling ako. "Don't apologize, Zieg. Just do what you promised."Seryoso na sabi ko.
Tumango sya. He kissed me. It was supposed to just be a smack, but I put my hand into his nape and pulled him closer. Nagkusa na rin ang kamay nya na ipulupot sa bewang ko para yakapin ako. I kissed him with hunger and wanting and he kissed me back with the same intensity.
He groaned when I pulled myself from the kiss. Para syang biglang nalasing dahil pumungay ang mata nya habang nakatingin sa akin.
"Selina's outside, babe." Paalala ko.
Biglang lumaki ang mga mata nya. "Oh." Sabi nya na parang ngayon nya lang ulit naalala. Nagkamot sya ng ulo. "Alright, I'll be back."
Sinundan ko na lang sya ng tingin hanggang sa maisara nya na ang pinto. Bumalik ako sa kama at hinintay sya. It took him a few minutes before he came back. Kumuha sya ng unan at kumot mula sa cabinet. Malaki naman ang sofa ni Zieg and Selina's petite, so I am sure na magiging comfortable naman ang pagtulog nya.
Nang makabalik na sya ay tumabi na sya ulit sa akin. He pulled me and hugged me and we slept.
Nagising ako sa amoy ng kung anong mabangong niluluto. Wala na sa tabi ko si Zieg so naisip ko na sya ang nagluluto. Na curious rin ako kung gising na si Selina. Nagmumog at nag hilamos ako and I changed into one of Zieg's oversize shirt, hindi na ako nag suot ng boxer or shorts.
I feel really comfortable wearing his shirt, lalo na at ang bango pa noon. I looked at the clock, pasado alas siete pa lang naman. Kung matatagalan si Zieg sa NBI para samahan si Selina, mauuna na lang ako sa Lush and he can go directly there. This is it, kailangan good vibes na dahil matatapos na rin 'to.
But imagine what I felt when I went out, I saw Selina and Zieg in the kitchen, laughing like it's just a normal day. Tapos nakasuot rin sya ng oversize t-shirt ni Zieg at wala ring boxer or short. Parang may kung anong kumulo sa loob ko. So ano, we're twinning?
Nang mapansin nila na nandoon na ako ay kita ko na nawala agad ang ngiti ni Selina at hindi ko alam kung guni guni ko lang na tumaas ang kilay nya? Humarap na kasi sya agad sa niluluto nya.
"Good morning babe!" Masiglang bati ni Zieg at lumapit sa akin. "Selina volunteered to cook for our breakfast. Lika na," Hinila nya ako sa lamesa at pinaghila ng upuan. Nang makaupo na ako ay lumapit sya ulit kay Selina at kinuha ang ilang itlog na nakalagay na sa pinggan.
Longganisa pala ang piniprito ni Selina. May fried rice na rin sa lamesa. Kunwari na lang akong nagpaka busy sa cellphone ko habang dalawa silang umaasikaso sa mga pagkain. Makikisali pa ba ako? Nakakahiya naman sa kanila.
Umupo na sa tabi ko si Zieg. Liningon ko si Selina, nakakainis na kung kumilos sya ay parang nakatira sya rito. He looked comfortable in Zieg's clothing at ang pag galaw galaw sa kusina. And I hate it. She looked so innocent pero ramdam ko na she's not what she's showing us. Well, what she's showing Zieg.
She's always smiling and soft spoken with Zieg. Hindi ko pa naman sya nakakausap but my gut tells me na magiging iba ang pakikitungo nya sa akin kumpara sa way nya makipag interact kay Zieg. At kung ganoon nga, she better watch out. Hindi lang naman sya ang maldita sa aming dalawa.
"Selina, tara na. Lalamig ang pagkain na niluto mo,"
Irita kong tiningnan si Zieg. Ayoko naman lumabas na bratinella at umaattitude pero nakakainis kasi. Sa ilang buwan namin ni Zieg alam ko na magiliw sya sa lahat. Pwede nga syang manalo ng Mr. Congeniality award. At okay lang naman sa akin. Hindi naman nga talaga ako selosa.
But this Selina girl..
Tiningnan ko sya. Inangat nya na ang pitsel ng juice na tinimpla nya. Hindi ko na sya hinintay na makaupo at hinila ko na ang bow ng fried rice nang maramdaman ko na may malamig na bagay ang dumapo sa braso at katawan ko.
"Oh my gosh! Sorry! Natapilok ako, hindi ko sinasadya!" Narinig ko na lang na sabi ni Selina, mukhang gulat na gulat.
Mabilis na tumayo si Zieg at kinuha ang hawak nya pa rin na pitsel at inilapag sa lamesa bago ako tinulungan na makatayo. Parang nandilim ang paningin ko at tinabig ang kamay ni Zieg mula sa pagkakahawak sa akin at humarap kay Selina.
She's a small girl, nakatingala sya sa akin nang humarap ako sa kanya.
"Nananadya ka ba, ha?" Inis na sabi ko.
Biglang parang bata na takot na takot na ang itsura nya. "H-hindi ko naman sinasadya.."
"Hindi sinasadya? Huwag nga ako! Wala ka namang kakatapilukan dito, natapilok ka? Ilang taon ka ba, three years old?" Gigil na sabi ko pa.
"Ayanna!" Mula sa likod ko ay tumayo si Zieg sa tabi ni Selina. He had this disappointed look in his face na parang hindi sya makapaniwala na nagawa kong sumigaw or something.
"Ano, magsalita ka!" Hindi ko sya pinansin kahit nasaktan ako sa pagtabi nya kay Selina. Parang bigla akong nawalan ng kakampi. Parang biglang ako ýung naetsapwera.
Yumuko lang si Selina na parang hiyang hiya. Gusto ko tuloy syang sakalin! Ang galing umarte!
"Ayanna, what are you doing? She didn't mean it, it's accident. Bakit ka sumisigaw?" Mahinahon ang boses nya pero nandoon pa rin ang disappointed look nya.
Para akong nahirapan huminga. I need to get out of here.
"I'm out of here. Magsama kayo," Masama ang tingin na sabi ko kay Zieg bago ako tumalikod at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto nya.