Part 4: Io "Teka anong ginagawa ni Io dito?" tanong ni Rael sa akin. "Anak natin iyan, baka naman pumuslit na naman ito sa future," ang pagtataka ko naman. Noong mga sandaling iyon ay halos ilang saglit rin kaming nakatulala ni Rael sa binatang bersyon ng aming anak. Habang nasa ganoong pagkakapako kami sa aming pagtayo ay lumabas naman si Oven, bumalik na ang lakas nito mula sa pagkakahilo kanina noong kinagat siya sa leeg. "Ang sarap ng tulog ko grabe, ikaw bestfriend hindi mo naman sa akin sinabing may sa tiyanak pala ang inaanak ko," ang hirit nito pero napahinto rin siya at nabigla noong makita ang lalaking walang malay na nakahandusay sa damuhan ng aming bakuran. "Oh em ji! Anong ginawa niyo sa kanya?" tanong ni Oven dahilan para katukan ko ito. "Wala kaming ginagawa no," ang sag