Chapter Three

1092 Words
Chapter Three   Kinagabihan noon ay may shift ulit ako sa bar. Mabuti na lang at hindi maaga ang klase ko kinabukasan kaya okay lang na gabi na ako umuwi at makatulog.   Wala si Danielle dito ngayon. May pinuntahan daw kaya si Hillary lang ang naghihintay na matapos ang shift ko.   “Liz, kapag break time mo na, puntahan mo ‘ko dito ah?” aniya nang madaanan ko siya.   Tumango ako sa kaniya. “Ito, isa na lang. Ihahatid ko lang tapos puntahan kita diyan,”   Hillary raised her thumbs up. Ngumiti lang ako sa kaniya bago dumiretso sa kitchen. Kinuha ko iyong order.  “Kanino ‘to?” tanong ko habang tinitignan ang papel.   “VIP couch number 2,” sabi ni Kuya Nardo,   Tumango lang ako bago kinuha iyon at naglakad papunta sa couch. When I arrived, I saw the same group of guy from last night.   “Logan!” rinig kong tawag noong isang lalaki.   Agad namang tumaas ang ulo noong lalaking nakaupo sa gitna ng dalawang babae at tumingin sa akin. I placed their order on the table.   “Thank you,” the Logan guy said.   Tumango lang ako at aalis na sana nang magsalita iyong isang lalaki. “Type mo ‘yang si Miss?” tanong niya doon sa lalaking tinawag niya na Logan.   Kumunot ang noo noong si Logan. Ganoon din ako bago bumaling sa lalaking nagsalita. “I was just kidding,” bawi niya noong makita ang mukha naming. “My name is Michael,” pagpapakilala niya.   Tumango lang ako at hindi nagsalita. I was about to excuse myself when  he talked again.   “What’s your name?” he asked.   Napalingon ako sa mga babaeng kasama nila na nakatingin sa akin. “Hope,” sagot ko.   Michael nodded. He offered his hand. “Nice to meet you, Hope. You have a nice name,” aniya.   Alanganing kinuha ko ang kamay niya. Gustong-gusto ko nang umalis dahil ang sama na ng tingin noong mga babae sa akin.   “Thanks,” sagot ko at pilit na ngumiti. “Uh, kailangan ko nang umalis. May trabaho pa ako,” sabi ko.   Tumango naman si Michael. “See you around, Hope,”   Tumingin muna ako sa Logan na iyon na nakatingin lang kay Michael bago bumaling ulit sa kausap ko. I smiled at him before I turned my back on them.   Nang makalayo ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Ang grupong iyon ay palagin nandito s aclub. Their group is too intimidating. Kung minsan ay ako din kasi ang naghahatid ng order sa VIP area kaya palagi ko silang nakikita. For the past year that I have been working here, ngayon lang may kumausap sa akin nang ganoon.   He even asked for my name. My friends call me Liz, since my name is Elizabeth. But I didn’t lie about my name to that guy. Hope is my name, too. I am Hope Elizabeth. So, yeah, I didn’t lie.   Bumalik na ako sa kitchen para ibalik iyong tray na pinaglagyan ng order noong sina Michael. Pagkatapos ay nagpaalam ako sa manager namin na magbe-break time muna. Tumango naman ito kaya hinubad ko muna ang vest ko bago pumunta kay Hillary.   I sat  beside her. Nagulat naman siya nang makita ako. Kumuha ako sa fries na kinakain niya. “Pa-share ah,” pagpapaalam ko kahit na nakakuha naman na ako.   “You won’t have dinner?” tanong  ni Hillary. “I’ll order for you para makakain ka,” aniya at magtatawag na sana ng waiter na kasamahan ko nang pigilan ko agad.   “Huwag na,” sabi ko sa kaniya na ikakunot naman ng noo niya. “Wala naman akong gana. Nakakain din naman ako bago umalis ng bahay kanina. Balik trabaho din naman ako agad,” mahabang sabi ko.   “Sigurado ka?” tanong niya.   Tumango ako. “Yeah, but thank you,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.   Nagpatuloy na lang kami ni Hillary sa pagkain noong fries na order niya. Nanghingi lang ako kay Kuya Roland, iyong bartender namin, ng isang baso ng tubig. Nang matapos ang break time ko ay balik na agad ako sa trabaho. Naiwan na si Hillary doon at sinabing hihintayin niya lang ako na matapos at ihahatid pauwi.   Nagpatuloy na ako sa trabaho. Nang lumalim ang gabi ay natapos na din ang shift ko. Nagbihis na ako bago lumabas ng locker room namin. Pinuntahan ko agad si Hillary na may kausap na lalaki. Nang mapatingin ang lalaki sa akin ay agad itong nagpaalam.   Lumapit ako kay Hillary. “Sino ‘yon?” agad na tanong ko nang makarating sa tabi niya.   She smiled at me. “No one. Some guy I just know,” she said. “You done? Uwi na tayo?” tanong niya.   Tumango ako sa kaniya. “Ikaw? Baka gusto mo pa munang magstay dito. Pwede din naman,” sabi ko sa kaniya.   Natawa siya. “Hindi na. Alam kong pagod ka na. Wala na din naman akong gagawin dito. Marami na akong nakain at medyo marami na ding nainom pero kaya pa naman. Pati inaantok na din ako,” aniya at tumayo na galing sa pagkakaupo sa upuan niya.   “I’m really sorry you had to wait for me. Sabi ko naman sa ‘yo na okay lang na ako na mag-isang umuwi,” sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papalabas.   Hillary turned to me and rolled her eyes at me. “I am bored at home, Liz. Saka gusto ko din namang tumambay dito. I get to see cute guys,” she said and giggled. Natawa na lang din ako sa kaniya habang umiiling.   We went home that night with Hillary dropping me off home. Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko si Nanay na natutulog na sa couch. Nakatulog na siguro ito sa paghihintay sa akin.   I sat on the floor and looked at my mother’s face. Ito ang nag-iisang tao… ang nag-iisang dahilan kugn bakit gusto kong makapagtapos. Marami kaming pangarap ni Nanay para sa aming dalawa kaya iyon ang pinagsusumikapan ko.   “Huwag kag mag-alala, Nay,” bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya. “Maabot natin lahat ng pangarap natin. Makakaahon din tayo sa kahirapan. Ipinapangako ko ‘yan sa ‘yo,”   Hinalikan ko ang noo ni Nanay bago siya sinubukang gisingin para sabihan na doon na sa kwarto niya matulog dahil nakauwi na ako.   Masaya naman ang ngiti ni Nanay nang makita ako. Inalalayan ko siya papasok ng kwarto niya bago ako pumasok sa kwarto ko at natulog na.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD