"Ellise! ano ba ikaw na!" Sigaw ng event organizer sa kanyan nang halos hindi pa siya naglalakad palabas ng stage.
"Sorry, sorry," paumanhin pa niya. Humugot muna ng malalim na paghinga bago naglakad palabas ng stage, sa kilalang mall sa Maynila.
Isa siyang freelance model, kung anu-ano ang minimodel niy, pero madalas kinukuha siya ng mga ilang sikat na clothing brand sa pilipinas. She's 21 years old graduate siya ng Tourism, pero dahil wala pa naman siyang permanenteng trabaho sumabak muna siya sa pag momodelo, tutal malaki-laki na rin naman ang kita. Taga San Miguel siya at sa San Miguel University siya naka graduate, pero nakarating siya ng Maynila dahil sa paghahanap ng trabaho. Six months na rin siya sa pag momodelo at tila nakakasanayan na niya, at aaminin niyang nag eenjoy naman siya sa trabaho. Marami siyang nakikilala at mga nagiging kaibigan na mga artista at modelo ding tulad niya. Hindi naman niya pinangarap maging modelo, pero na inspired siya sa kwento ni Aya Tragora na dating sikat na modelo bago ito ikinasal kay Joshua Tragora, sa San Miguel. Kaya nang may mag alok sa kanya ng pagmomodelo agad niyang tinanggap at eto na siya halos ito na yata ang magiging career niya.
"Ellise, may problema ka ba?" Tanong ni Lenny ang tumatayong Manager niya.
"Wala naman po," sagot niya habang inaayos ang mga gamit sa bag. Katatapos lang ng event at nag-aayos na sila para makauwi na.
"Iba ang lakad at aura mo kanina Ellise, alam kong may problema ka. Halatang may gumugulo sa isip mo," sabi nito at hinawakan ang kamay niya.
"Bakit hindi mo sabihin sa akin baka makatulong ako," patuloy nito.
Sinulyapan niya ito. Alam niyang matutulungan siya nito pag sinabi niya rito ang problema niya. Pero baka mapasama naman ang lahat, lalo na siya baka mapasama siya.
"Pagod lang po ako Ate Lenny," tanging sagot niya rito.
"Ok sige, basta pag may problema ka, sabihin mo agad sa akin ha, lalo na pagdating sa pera. Alam mo naman na marami tayong solusyon diyan," paalala nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng dressing room.
Napaupo siya at tinitigan ang sarili sa salamin. She's beautiful, and she got the perfect body m, at alam niya iyon, dahil pagdating palang niya ng Maynila kung sinu-sino na ang lumapit sa kanya at nagpakilala at nagtangkang ligawan siya, pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Pumunta siya ng Maynila para magtrabaho at magkapera, para matapos na ang problema nila sa San Miguel. Nagkibit balikat siya habang nanatiling nakatingin sa salamin.
"Huwag mong gawin Ellise, may isang buwan kapa, kapit lang," bulong niya sa sarili.
Isang buwan nalang kase ang natitirang palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila sa bahay at lupa nila sa San Miguel, at kung hindi pa daw sila makabayad ng buo sa loob ng isang buwan palalayasin na daw sila roon. Bagay na hindi pwedeng mangyari dahil iyon lang ang naipundar ng ama, ang bahay at lupa na iyon ang tanging naipundar ng Daddy niya sa pagtatrabaho nito sa ibang bansa bago ito magkasakit. At dahil nagkasakit ang ama nag desisyon sila ng Mommy at mga kapatid niya na isangla ang bahay at lupa na hindi alam ng Daddy nila para lang maipagamot ito. Pero dahil sadyang mahal ang gamutan sa sakit na cancer halos malugmok sila sa utang, muntik pa nga s'yang hindi maka graduate pero buti nalang tinulungan siya ni Donya Feliza ang may-ari ng Unibersidad. Ngayon malapit na ang isang buwan palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila, baka tuluyan ng mawala sa kanila ang bahay, isama pa na baka humina ulit ang ama pag nalaman ang tungkol sa bahay nila, nakakabawi na rin naman ang ama hindi na nga lang tulad ng dati pero kahit papano sumigla-sigla na ang katawan nito. Ang kinikita niya sa pagmomodelo ay siyang ginagamit ng dalawa pa niyang nakababatang kapatid sa pag-aaral, kaya hindi nila magawang makabawas man lang ng utang kay Mr. Crisostomo.
Naglalakad siya palabas sa mall na malalim pa rin ang iniisip, kaya naman nang may mabunggo siya ay muntik na siyang bumagsak sa semento.
"Ouch!" Tili niya at naramdaman ang braso sa bewang niya. Dahil na rin sa takot na bumagsak napakapit siya sa braso ng kaharap.
"Are you ok?" Tanong ng kaharap at nag angat siya ng ulo.
Tila siya napatulala ng makita kung gaano kagwapo ang ang kaharap. Makapal ang kilay na nakasalubong, magagandang mata na nakatitig sa kanya, matangos na ilong, mga labing mamula-mula, balbas na patubo na at ang amoy nito na napakalakas ng dating, nakasuot ito ng business suit na halatang mamahalin.
"Are you ok?" Tanong ulit nito sa kanya nang halos hindi pa rin siya gumagalaw at nananatiling nakamata rito. Wala naman itong kangiti-ngiti sa mga labi o kahit anong ekspresyon sa mukha.
"Ah.... Yeah....," tila natauhan na sagot niya at mabilis na inalis ang kamay sa matipunong braso ng kaharap.
Naramdaman din niya ang dahang-dahang pag alis ng kamay nito sa bewang niya, na ewan niya kung bakit tila may kuryente siyang naramdaman doon, sa simpleng paghawak lang nito sa bewang niya.
"Sorry," nahihiyang paumanhin niya at inayos ang bag sa balikat.
"Yeah, just take care yourself," sabi lang nito at natuloy na sa paglalakad.
Sinundan niya ng tingin ang gwapong lalake. Napansin niyang may nakasunod na dalawang lalaki na naka puting polo na tila ba mga bodyguard nito.
"Bodyguard? Sino kaya siya?" Tanong niya sa sarili habang nakasunod pa rin ng tingin sa lalaki.
"Baka anak ng pulitiko. Gwapo pero mukha masungit," bulong niya at nagtuloy na sa paglalakad papunta sa parking area.
May condo at kotse siya. Noong una ayaw niyang kumuha dahil kailangan niya ng pera, pero mahihirapan naman siya kung wala siyang sasakyan papunta sa mga event. Ang condo naman sinubukan niyang makisama sa ibang mga katrabaho pero dahil hindi naman siya sanay sa buhay maynila ay hindi niya natiis kaya kumuha siya ng sariling xondo sa hindi masyadong sikat na building, pero maganda naman at may seguridad siya.
Pagdating niy sa condo kaagad niyang tinawagan ang Mommy niya para kumustahin ang mga ito.
"Anak si Mr. Crisostomo masyado na tayong minamadali, hindi ko na nga mapakiusapan eh. nahihirapan na ko baka marinig ng Daddy mo," sabi ng Mommy niya sa kabilang linya.
"Don't worry Ma, titignan ko po kung makakapag loan ako para kahit 1/4 muna maibigay na natin kay Mr. Crisostomo."
"Ellise hindi kita minamadali, sadyang naiipit na tayo, ang Daddy mo baka humina ang katawan pag nalaman niya ang tungkol sa bahay," may hagulgol na sabi ng Mommy niya.
"Sige po, kakausapin ko na po ang handler ko para matulungan ako mag loan,"
sagot niya sa ina at agad nang nagpaalam dahil naiiyak na rin siya sa naririnig na pag-iyak ng ina.
Kailangan na niyang gumawa ng paraan bago pa makahalata ang Daddy niya, hindi na maaaring humina pa ang katawan ng ama, dahil baka hindi na ito makarecover pa.
Nang biglang tumunog ang telepono niya.
Luke
Bumuntong hininga siya ng mabasang si Luke ang tumatawag. Sikat na artista si Luke sa isang TV station nakasama na niya ito ng ilang beses sa event at lagi siya nitong pinapansin hanggang sa makuha nito ang number niya kay Ate Lenny. Minsan na siyang sumamang kumain sa labas kay Luke utos na rin ni Ate Lenny niya, para daw sa trabaho naman. Alam niyang may girlfriend ito na non-showbiz kaya ayaw niyang pansinin. Isa pa wala pa siyang balak pumasok sa ano mang relasyon. Marami pa siyang problemang dapat ayusin bago ang sariling kaligayaan.
Hinayaan nalang niyang mag ring ang cellphone alam niyang magsasawa din ito sa pangungulit sa kanya.
Matapos niyang magbihis kaagad niyang tinawagan si Lenny. Alam niyang ito ang makakatulong sa kanya ngayon.
"Sige magkita tayo mamayang 7pm sa restaurant, doon ko sasabihin ang gagawin mo para matapos na ang problema mo," sagot nito ng sabihin niyang kailangan niya ng pera, at kung makakautang siya rito. Wala na kasi siyang malapitan pa.