Nakatolog siya matapos nilang maligo sa pool, mainit na kasi sa may dagat, kaya lumipat sila sa pool, at walang ibang balak gawin ang lalaking yun kundi ang bumuntot sa akin. Nang makapananghalian kanina ay naglalakad lakad silang dalawa ng bestfriend niya, and as usual ay nang asar na naman ang kaibigan niya. At nang pagbalik namin ay nagyayang mag siesta kami, ending di lang naman siesta ang kailangan nito, muli siya nitong inangkin, and who is she to refuse. Nag inat siya, She is still naked underneath the blanket, at nakaharap naman si Lyndon, tolog na tolog medyo humihilik pa. Tinitigan niya ito, medyo malayo ang iniisip niya, may mga katanungang bumabagabag sa kanya. Nahihiya siyang magtanong dito kung ano ba ang balak nito sa kanya, kung totoo ba ang lahat ng pinapakita nito.