CHAPTER 10 Pagkatawid namin sa isang lumang tulay na nagdudugtong sa bayan at sa aming malawak na lupain ay parang biglang may kung anong malamig na enerhiyang sumanib sa aking katawan. Sandaling-sandali lang ang parang yakap na iyon. Iba ang naramdaman kong lamig ng hangin na yumakap sa akin sa lamig ng hangin na dumadampi sa akin. Napalunok ako. Tumingin ako sa traysikel driver na seryoso sa pagpapatakbo ng kanyang traysikel. Kung hindi ko lang inisip mag-self rehabilitate, hindi ko gagawin ito. Kailangan ko lang kasing patunayan kay Elijah na kaya rin namang tumino. Na nalulong lang naman uli ako sa alak dahil sa dismayado ako sa hindi niya pagyaya ng kasal sa akin. Na nagrerebelde lang naman ako pero napasama pa pala. Kung ito lang ang tanging paraan para muli kong mahanap ang isang