CHAPTER 43 Nang nasa hagdanan na ako ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilang lumayo. Pababa pa lang ako pero nasukol na niya ako dahil naabutan na ako ni Lucas at hindi ko alam kung itatarak ko sa dibdib niya ang hawak kong icepick. Hindi ako pwedeng padalos-dalos sa aking mga gagawin. Hindi ako mamamatay tao. Hindi ko pala kaya siyang patayin. Nakatingin ako sa hawak niyang duguang itak at napansin niyang doon ako natatakot. Mabilis niya iyong binitiwan. Naglikha ng kalansing iyon. Hudyat para kailangan kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Ava, mag-usap tayo. Mali ka ng iniisip." Humigpit ang hawak niya sa aking braso ngunit hindi ako tumigil. Natatakot ako sa kanya. Hindi ako maaring magkamali sa naabutan ko. Walang ibang magsusulat ng ganoon sa kuwarto ni T