HINDI PA NATATAPOS

1427 Words

CHAPTER 74 Naging masaya ang pagmulat ko kinaumagahan. Magaan ang aking pakiramdam. Hindi man kumpleto ang tulog ko ngunit pakiramdam ko parang ang lakas lakas ko. Hindi kagaya nang mga nakaraang araw na lagi akong puyat at pagod. Iyon pala, nasasaniban ako. Tulad ng unang umaga noong paggising ko, wala na si Lucas sa tabi ko ngunit may tatlong rosas sa tabi ko na alam kong pinitas lang naman niya sa bakuran. Kinuha ko iyon at inamoy. Napakasarap lang sa pakiramdam na sa wakas mukhang nahanap ko na nga talaga ang lalaking magdadala sa akin sa dambana. Nagsuot ako ng short at maluwang na t-shirt saka ako bumaba. Nasa hagdanan pa lang ako, amoy ko na ang mabangong niluluto ni Lucas. Wala man akong nararamdamang kakaibang kaluluwa ngunit hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kutob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD