BALIK-TANAW

1611 Words
Chapter 2  Hindi ako agad sumuko. Oo lumayas ako pero nakitira muna ako sa barkada kong malapit sa condo ni Elijah. Umaasa ako na baka magbago ang desisyon niya. Baka magte-text siya sa akin at pauwiin din ako. Tulad nang mga nakaraang away namin. Ngunit hindi niya iyon ginawa. Naka-ilang text din ako sa kaniya ngunit ni isa wala siyang sinagot. Sinubukan kong tawagan ngunit nakapatay na ang cellphone niya. May mga pagkakataong pinupuntahan ko siya sa condo niya ngunit hindi na ako pinapapasok ng guard. Ang hirap. Noon ko naramdaman yung sakit nang ipinagpalit. May mga araw na hinihintay ko siyang lumabas at nang masaktuhan ko ay kasama pa rin niya ang babaeng ipinagpalit sa akin. Papasok sila noon sa kanilang trabaho. "Elijah naman, mahal. Usap muna tayo." Pagmamakaawa ko. Hindi ako sanay sa gano'n ngunit nilunok ko ang pride ko.                 "Ano ba, Ava? Tapos na tapos na tayo."                 "Dahil ba diyan? Bago lang kayo ng babaeng ‘yan. Tayo ba? Limang taon na. Isusuko mo ako ng gano'n lang?"                 "Sana nga mas pinaaga ko pa e. Kasi alam mo, mas masaya ako ngayon. Mas tahimik ang buhay ko ngayon dahil ang pinili kong ipalit sa'yo may silbi. Matinong babae. Hindi nag-iinom, hindi ako tinatanggihan."                 "Ang sakit mo naman magsalita. Sana maalala mo kung bakit ako nagkaganito. Ikaw ang nagtulak na maging ganito ako. Ikaw ang unang nanakit sa akin kaya ako nagkaganito." Bumalong ang luha ko.                 "Di ba totoo? Tignan mo nga ang sarili mo? Pati nga yata mag-ayos hindi mo pa magawa. Magbago ka na. Ayusin mo ang sarili mo. Ayusin mo ang buhay mo!"                 "Eto nga oh, nagbabago na para sa'yo."                 Bumunot siya nang malalim na hininga. Tinignan niya ako sa mata. Seryosong-seryoso siya. "Magbago ka para sa sarili mo. Hindi na kita mahal. Hindi na kita mamahalin pa. Move on. May sarili na akong buhay ngayon at sana huling pagkikita na natin ito."                 Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Tagos sa puso. Para akong sinaksak.                 Batid ko, nang araw na iyon. Kailangan ko na siyang isuko. Kailangan ko nang lumayo habang may naiiwan pa akong pride para sa aking sarili. Tuluyan na nga niya akong tinalikuran at ipinagpalit.                 Nangako siya e. Naniniwala ako na hindi siya bibitiw sa aming dalawa. Noon iyon, noong matino pa ako. Noong hindi pa ako nababarkada. Noong bago palang kami at mainit pa ang bawat romansa. Ngunit bakit ba ako nagkaganito? Di ba, dahil din sa pambabae niya? Dahil sa pang-aaway niya sa lahat ng mga kaibigan kong lalaki sa trabaho. Sa kahiligan niya sa s*x. Sana maisip niya kung paano niya ako sinaktan bago ako nagkaganito! At kahit masakit, kailangan ko na lang tanggapin. Kailangan kong lumayo baka sakaling hanapin niya yung dating ako. Wala na akong mapupuntahan pang iba. Hindi ako puwedeng makipisan sa mga barkada ka. Nakakahiya kasi iyon.                 "Yung mga bababa diyan ng Roxas, dito na ho ang babaan natin!" Ang malakas na sigaw ng kundoktor ang siyang gumising sa aking pagninilay-nilay tungkol sa amin ni Elijah. Binuhat ko ang dala kong bag at nagmamadali akong bumaba. Sinipat ko ang pambisig kong orasan, paniguradong aabutin na ako ng dapit-hapon bago makarating sa aking destinasyon. Nagtanung-tanong ako kung saan ang paradahan ng tricycle. Nang marating ko ito, kaagad akong sumakay. Nang sinabi ko kung saan ako pahahatid ay nagdalawang isip ang driver ngunit sinabi ko agad na ti-triple-hin ko ang bayad. Hindi na siya umangal pa. Hinanap ko ang aking wallet sa aking bag para mas madali kong maiabot mamaya ang pamasahe ko. Habang binabaybay na namin ang daan patungo sa kung saan ako ipinanganak ay pinagmasdan ko ang aming dinadaanan. Luntian ang mga dahon ng palay sa malawak na bukirin sa magkabilang bahagi ng daan. Malamig ang dampi ng preskong hangin sa aking mukha. Amoy ng kasariwaan ang paligid. Nang mahugot ko ang wallet ko ay binuksan ko iyon. Picture naming dalawa ni Elijah ang una kong nakita. Humugot ako nang malalim na hininga. Dalawang taon. Dalawang taon na rin pala kami dapat. Kung sana naging matino lang ako at sinunod ko ang mga gusto niya.. Kung sana pumayag akong pakasal kami at magkaroon ng anak.  Paano nga ba kami nagkakilala? Paanong nagsimula ang limang taon naming pagsasama?                 Ini-add ako ni Elijah sa f*******: noon. Matagal nga bago ko na-confirm ang kaniyang friend request. Kasi naman, akala ko poser lang siya. Bihira kasi sa guwapo ang mag-add. Kadalasan, sila yung ini-a-add. Dahil guwapo, asahan mong dededmahin nila ang friend request mo o kaya madalas full account na at follower ka na lang. Di naman sa pagbubuhat sa sarili kong bangko, mestisahin din naman ako, matangos ang ilong, likas na mapupula ang tamang kapal lang na aking mga labi at may maayos at may makapal akong kilay na binagayan ng nangungusap kong mga mata. Kung kinis lang din ng kutis, hindi ako pahuhuli. Maganda ako. Artistahin. Si Elijah ay ganoon rin. Pang-model sa tangkad at malakas ang dating. Guwapo. Kakikiligan ng kahit sinong babae o kahit mga bakla. Iyon ang dahilan kung bakit niya nakuha ang atensiyon ko sa f*******: noon.                 Dahil wala akong magawa noon at panay ang message niya ng "Hi", "Kumusta", "Care to meet" at kung anu-ano pang pangungulit ay sinubukan kong i-view ang profile niyang naka-public. Mukhang hindi nga poser. Marami kasi siyang mga kamag-anak at kaibigan na nagko- comment sa mga status niya at pictures. Pagkatapos kong sagutin, ang "Kumusta" na message niya ng "Ayos lang", doon na nagsimula ang mas malalim na usapan.                 "Kita tayo?" chat niya sa akin isang araw na wala akong magawa.                 "Sure."                 Hindi siya nagreply. "Gutom ako." pasimple kong banat. Paraan iyon para magparinig ng date at siya na rin ang magsabi ng lugar kung saan kami magkikita. Baka nga naman mailibre ako.                 "Maarte ka ba?" Mukhang malayo yata ang tanong niya sa sinabi ko.                 "Hindi naman, bakit?"                 "Okey lang ba sa'yo kahit fastfood?"                 "Libre mo?"                 "Sure. Tara?"                 "Sige. Tara." Napangiti ako. Kumagat ang plano.                 Sa isang fastfood malapit sa tinitirhan ko kami unang nagkita. Habang kumakain lalo kaming nagkapalagayan ng loob. Madalas napapatitig ako sa kaniya at nahuhuli kong ganoon din siya sa akin. Noon palang, ramdam ko na na nagkakagustuhan kami. Nagpapakiramdaman kung saan mauuwi ang aming first encounter. Ako naman ay laging handa. Kung saan ang agos at kung trip ako ng trip ko, di ako mahirap kausapin. Mapagbigay ako sa mga gusto ko lang din. Kung di ko trip, kahit pa anong pakiusap o papansin sa akin, hindi ako bibigay. Kahit pa lasingin niya ako ng mamahaling regalo o paringgan ng kanyang kayamanan, hindi ako padadala. Ayaw ko ng pangit. Pumapatol lang ako sa katulad kong hindi sa akin nalalayo ang hitsura. Hindi ko gustong nadedehado ako. Mayabang na kung mayabang, maarte na kung iyon ang gustong isipin ng iba sa akin pero nagpapakatotoo lang ako. Kung kalandian para sa iba ang makipag-s*x sa unang pagkikita, okey lang. Hindi naman ako nagmamalinis at mangilan-ngilan lang naman ang aking nakaka-s*x pa dahil pihikan naman talaga ako pagdating sa lalaki. Ayaw ko ng pangit kahit mayaman, ayaw ko ng guwapo at mahirap. Kahit hindi ka kaguwapuhan kung matino, ayos lang. Basta, ayaw ko ng hindi kaaya-aya ang mukha o katawan. Gusto ko, ka-level ko rin lang. Doon magkakasundo. Paliligayahin ko siya sa tindi ng aking galing sa kama. "Busy ka?" tanong niya.                 "Bakit, may gusto ka bang gagawin pagkatapos ne'to?" balik tanong ko. "Ikaw ba?" Sanay ako sa mga ganoong pasakalye ng mga lalaki. Kapag sinabi kong ikaw ba, ibig sabihin ko no'n, kahit saan mo ako dalhin, okey na ako sa'yo. "Sure ka, kahit anong gusto ko, gusto mo na rin?" Nakangiti siya nang sinabi niya iyon ngunit hindi siya makatingin sa akin. Mukhang di pa gano'n kasanay. "Sa'n ba? Short time?" Kinindatan ko. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng init sa katawan. Ini-imagine ko na kasi kung paano niya ako hahalikan, huhubaran at aangkinin.                 "Tara?" Nakangiti niyang anyaya sa akin.                 Nauwi sa short time sa isang sikat at murang hotel na nagsisimula sa letter "S" ang aming unang pagkikita ni Elijah. Hindi pa ganoon kahusay si Elijah sa kama noon. Ako, bihasa na rin sa ilan kong karanasan. Naalala ko pa ngang napapaluha siya sa sarap nang igiling-igiling ko ang aking katawan. Napapamura siya at napapakagat sa akin kung dumadaan ang aking dila sa makinis niyang dibdib at tiyan. At sa tuwing iindayog ako para papasukin siya sa akin ay napapaungol siya sa sarap. Alam kong ang kaniyang malakas na ungol ang nagpapatunay na expert ako sa pagpapaligaya. Doon ako hindi makalimutan o mabitiwan ng kahit sinong makakatikiman ko. Kung galing lang din naman sa kama, iba ako. Mayabang ba ang dating? Pero iyon ako. Nagsasabi lang ako ng totoo.                 Bumunot ako nang malalim na hininga. Muli kong pinagmasdan ang paligid.                 "Kuya, malayo pa ba tayo?" tanong ko sa driver ng traysikel.                 "Malayo-layo pa po. Ma’am, hindi ba kayo natatakot do'n?" tanong niya.                 "Bakit po?"                 "May mga sabi-sabi lang po kasi, Ma’am."                 "Ano hong sabi-sabi?"                 "Ewan ko ho kasi kung totoo, pero sabi nila pinamumugaran daw ang bahay na iyon ng mga di mapakaling kaluluwa, ng mga masasamang elemento.”                 "Seryoso kayo, kuya?"                 "Ano ho ba kasing sadya niyo ro'n sa ganitong oras ho, Ma’am?"                 "Bahay naming ‘yun kuya."                 "Ah, sorry ho."                 "Nagpapaniwala kayo sa multo. Saka di ba nakakainsulto rin na sabihin ninyong pinamumugaran ng kaluluwa ang bahay kung saan ako ipinanganak? Kaya wala tayong asenso e, dahil sa mga paniniwalang ganyan" Pinahalata kong napikon ako.                 Umiling siya. Hindi na siya muli pang nagsalita. Kinutuban ako ng hindi maganda. Paano nga kung totoo ang sinasabi ni Kuya? Ano bang kailangan kong katakutan sa lumang bahay namin?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD