NAKATULOG

2307 Words

CHAPTER 50 “Tito ang weird ng reaction nila. Bakit sila nagbubulungan ng ganyan?” bulong ko. “Mga kamag-anak, baka konting respeto. Nagtatanong ang aming dalaga kung bakit daw kayo nagbubulungan?” nilakasan iyon ni Tito para marinig ng lahat. “Naku pasensiya ka na, Diego. Nagulat lang kami, apo,” sagot ng isang matandang babae na titig na titig pa rin sa akin. “Hindi ko ho kayo maintindihan. Bakit naman ho kayo magugulat sa mukha ko? Ano hong mali o ano hong nakagugulat?” nahihiyang tanong ko sa lahat. “Maganda ka kasi ineng. Mukha kang artista kaya lang para kasing ikaw na ikaw lang ang lola mo sa talampakan nang kabataan pa niya. Tama ba kami, Diego, lola na ninyo sa talampakan si Lola Isabella?” Tumango si Tito. Sabay tingin sa akin, “Oho.” Nakita kong nagpunas ng pawis si Tito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD