Samantha Kaagad akong napalingon kay Dylan ngunit hindi ko makita ang mukha niya at naririnig ko na rin ang mahihina niyang pagsinghot. Umiiyak ba siya? "D-Dylan..." "Please, baby. I know I've done a lot wrong and I'm so sorry for all that." "Ano bang sinasabi mo? Wala naman sa akin 'yon. Naiintindihan naman kita. Tumingin ka nga sa akin." Tumunghay naman siya ngunit kaagad niyang pinunasan sa balikat niya ang mga mata niyang lumuluha. "Bakit ka ba umiiyak? P-Para saan ba 'to? Sa iyo ba ito?" tukoy ko sa singsing kahit may hinuha na ako. Nilalabanan ko rin ang napakalakas na kabog ng puso ko. "I'm scared too much. You don't know how scared I am, baby." "Saan ka ba natatakot?" Pinunasan ko na ang muling pagtulo ng mga luha niya sa gilid ng mga mata niya. Maging ako ay naluluha na