Samantha "May alam akong mabilisang daan upang makalayo kayo kaagad sa lugar na ito ngunit pagdating niyo doon ay kinakailangan niyo pa rin ng sasakyan upang tuluyan na kayong makaalis mula dito," ani tatay Ambo sa amin nang makapasok na kami dito sa loob ng kanilang barong-barong. "Hindi na po siguro kailangan dahil tumawag na po ako sa Manila. May paparating na pong plane dito na siyang susundo sa amin," sagot naman ni Darell. "Eroplano ba ang tinutukoy mo, Iho? Pero maaari nilang mapansin ang panghimpapawid na sasakyan lalo na sa lakas ng hugong niyon. Maaari pa rin naman kayong tumawid sa kabilang Isla para doon niyo na ipa-landing ang eroplano niyo." Nagkatinginan naman kami sa sinabi ni tatay. "Tatay Ambo has a point," sagot naman ni Dylan. "Tatawagan ko na kaagad si kuya Dom,