CHAPTER 1: I'll be Okay

1277 Words
Samantha "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Alliyah sa akin matapos niyang lumabas ng silid ni Dylan. Sinilip ko muna ang kinaroroonan ni Dylan mula sa glass window ng pinto at natanaw ko siyang mahimbing na natutulog. I didn't speak and just followed her. Naiwan sa upuan si Dominic na alam kong nakahabol din ng tingin kay Alliyah. Araw-araw rin siyang naririyan upang bantayan si Alliyah at himukin ito na makausap man lang kahit na saglit. Naging kaibigan ko na rin si Dominic dahil kapatid ito ni Dylan ngunit may mga sarili siyang isip at mga desisyon kung kaya't hindi ko napigilan ang mga binalak niyang gawin noon laban sa kapatid niya at kay Alliyah. I also can't blame him for his heart being filled with anger. They are the natural family, and because of Tito David's mistake, two lives were lost—both Dylan and Dominic's mothers. Nakarating kami sa labas ng hospital ni Alliyah. She must be confused now about me and Dylan. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata because I knew she was my faithful friend, but I was a liar. Ang buong pagkakaalam kasi nila ni Chelle ay mahirap lamang ako at nasa probinsya ang pamilya ko. Ngunit ang totoo ay nasa ibang bansa dahil doon talaga kami citizen. Ginagawa ko lang ang lahat ng ito para kay Dylan. Siya lang ang pinakamahalaga para sa akin. "Di ba, magkaibigan tayo? Oh, itinuring mo ba talaga kaming kaibigan?" mahinahon niyang tanong sa akin ngunit mababakas doon ang hinanakit at sama niya ng loob sa akin. I turned in the other direction. "Hindi mo naiintindihan," I answered weakly. "Kasi naglihim ka sa amin kaya wala kaming maintindihan. Oh, baka nga sa akin lang kasi mukhang may alam na rin si Chelle." Napahinga ako ng malalim. "I'm sorry." Nagsimulang pumatak ang aking mga luha na hindi ko na mapigilan pa. Kaagad niya naman akong hinila at niyakap ng mahigpit kaya mas lalong bumugso ang nilalaman ng dibdib ko. I can't hide it anymore. Para na akong mamamatay dahil naipon na ang lahat sa dibdib ko. "Sabihin mo sa akin ang lahat para maintindihan kita." Hinagod niya ng marahan ang aking likod. Mas lalo akong naiiyak dahil napakabait niya. "He's been my best friend since childhood. We have always been together, and I care about him deeply. I am willing to provide him with everything he needs, but he seems unable to see that. Ikaw pa rin ang mahal niya at kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Ikaw pa rin ang hinahanap niya. Ikaw pa rin ang kailangan niya kahit buong buhay akong naririto para sa kanya. Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang kailangan kong ibigay para makita niya ako? Para mapansin niya ako? Para ako naman ang mahalin niya?" I couldn't help but cry on her shoulder. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik dahil sa wakas ay nailabas ko na ang lahat ng kinikimkim ko at sa mismong tao pa na lihim kong pinagseselosan. "Galit ka ba sa akin?" dinig kong tanong niya kaya napahiwalay na ako sa kanya. I shook my head with a wry smile. "It's not your fault. Alam ko rin naman kung sino ang mahal mo. Alam ko rin kung paano ka nahirapan dahil sa lintik na pagmamahal na 'yan. Tsk! Ang hirap. Ang hirap-hirap talagang ma-In love sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal mo." Inis kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. "Huwag kang mag-alala. Gusto ko lang tulungan si Dylan para mapabilis siyang gumaling. Mahal ko rin siya pero bilang kaibigan lang. Masama man ang mangako pero kung 'yon lang ang magiging motivation niya para magpatuloy sa laban, gagawin ko pa rin. Bahala na pagkatapos. Kaya huwag ka nang magselos sa akin. Sa 'yo pa rin siya," nakangiti niyang sabi sa akin kaya napangiti rin ako. "Thank you so much, Alliyah. Kahit masakit makitang iba ang nag-aalaga sa kaniya, kaya ko pa ring tiisin lahat para sa kaniya. Siguro ay wala na akong iba pang mamahalin kundi siya lang hanggang sa kamatayan. Dadalhin ko ang pagmamahal ko sa kaniya hanggang sa kabilang buhay." Muling pumatak ang aking mga luha. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Walang mamamatay, okay? Kakayanin natin 'to. Mag-pray lang tayo kay God. Malalampasan din natin 'to." We hugged each other again. I suddenly remembered the death of her mother. "By the way, condolences. Ngayon na lang ulit tayo nagkita simula noong nangyari sa Mama mo. Hindi man lang kami nakapunta sa burol niya. Pasensya na. Bukod sa bigla ka na lamang nawala, hindi namin alam ang bahay mo, hindi ko rin magawang iwan si Dylan sa kundsiyon niyang ito. Oras-oras ka ring hinahanap sa akin ni Do--" "Okay lang yon. Nailibing na namin siya. Tara na sa loob?" kaagad niyang putol sa sasabihin ko. Nauna na siyang humakbang patungo sa entrance ng hospital. Pinili ko na lamang din ang sumunod sa kanya at manahimik. Naiintindihan ko kung ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Dominic. Malaki rin ang kasalanan ko dahil hindi ko siya binalaan. Sana ay mapatawad niya ako. *** When we returned inside, Alliyah let me be alone with Dylan while he slept. I took the opportunity to stare at him, hold him, and kiss him without him knowing. "Ipagdarasal ko ang mabilisan mong paggaling at sana ay lumaban ka rin. I'll never leave your side, even if I'm not the one you want to be with. I love you so much, Dylan. Palagi pa rin kitang kakantahan gaya ng dating ginagawa ko sa iyo." Hindi sa pagmamalaki pero masasabi kong may boses din ako pagdating sa pagkanta. Noong maayos pa siya ay palagi kaming nasa bar. Ako ang singer niya sa stage habang siya ay nagpapakalasing sa counter. At kapag lasing na siya, ako pa rin ang aakay sa kanya para iuwi sa unit niya na nasa tabi ng unit ko. Ako ang mag-aasikaso sa kanya ng lahat-lahat, pati na rin ang pagpapalit ng kanyang brief. Kapag alam kong okay na siya at nakatulog na ng mahimbing ay saka lamang ako babalik sa unit ko para sarili ko naman ang asikasuhin ko. Palaging rin kaming lumalabas ng siyudad para magpalamig, magpahangin at mag-enjoy ng kaming dalawa lang. May mga matatamis na alaala ako ng mga araw na iyon. Pero ginagawa lang namin iyon dahil sa isang dahilan: para makalimuta niya si Alliyah saglit at hindi para makasama ako. Nangiti ako ng mapakla sa isiping iyon. Isinasampal na sa akin ang katotohanan na kailanman ay hindi siya mapapasa-akin. Kailangan ko na sigurong pag-aralan na maging manhid. "S-Sam.." Napukaw ang malalim kong isipin nang marinig ko ang tinig niya. "D-Dylan, nagising ka? May kailangan ka ba? may masakit ba sa iyo?" Napansin ko na naman ang bahagya niyang panginginig kaya kaagad kong sinalat ang kanyang leeg. "Mainit ka na naman, Dylan. I'll call the docto--" "W-Where's Alliyah? L-Let her in h-here." Natigilan ako sa kanyang sinabi. Na-stock ang akma kong pagtaas sa kumot sa kanyang leeg. "N-Nasa labas. S-Sige, tatawagin ko." "P-Please, hurry. I n-need her." Ilang segundo akong hindi kaagad nakagalaw at hindi nakaimik. "S-Sige." Tumalikod na ako dahil nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha. "S-Sam?"' But I also immediately stopped and turned to him. He was staring at me, but I couldn't read any emotion in his eyes. They were lifeless. "T-Thanks." Ngumiti ako sa kanyang sinabi ngunit alam kong hindi iyon naging bukal sa puso ko. Kaya alam kong naging mapait ang kinalabasan niyon. "Ayos lang, basta ikaw." Muli na akong tumalikod kasabay nang pagpatak ng aking mga luha sa pisngi. I'm fine. Just for him, I'll be okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD