Dylan "SAM!!!" I quickly ran out of the cottage when I heard the hum of what I think was an airplane. I looked around outside until I saw it on the left side near the sea. "SAM!!!" Napatulala ako nang makita kong hawak si Sam ng tatlong lalaki at pilit na isinasakay sa plane habang nasa likuran nila si tita Thelma. "Dylan!" tawag ni Sam sa akin nang makita niya ako at bakas ang pagmamakaawa sa kanya. Lumuluha siya habang nagpupumilit makaalpas mula sa mga may hawak sa kanya. "Sam! Baby!" Ubod-lakas akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. "Dylan, help me! Mommy, hindi ako sasama. Parang awa niyo na!" "Dylan, just stay there!" Sinubukan akong balaan ni tita Thelma ngunit nagpatuloy pa rin ako at nang maabutan ko sila ay malakas kong hinila ang dalawang lalaki at malakas silang p