Chapter 6
Pagkatapos ng ilang gawaing bahay ay nakipag- kwentuhan na muna si Alex sa tinatawag ni Santi na yaya nanay. Wala naman talaga halos nilinis sa kwarto ng lalaking ‘yon. Iyon lang ay medyo parang kinahig ng manok ang lalagyan ng damit.
Masasabi niya na napakabait ng matandang yaya at sa paraan ng pananalita nito ay alam niyang mahal na mahal rin nito si Santi. Siya man ay nagkuwento rin dito ng tungkol sa buhay niya. Of course ayaw naman niya ‘yon pag-usapan, kaya lang ay may mga tao talagang mararamdaman niya na pwedeng pagkatiwalaan ng kahit na ano, at isa sa mga taong ‘yon si yaya nanay.
“Maswerte ka iha at si Santi ang naging boss mo. Wala kang magiging problema sa kanya. Kaya nga ako siguro tumanda na ng ganito pero di ko pa rin naiwan ang batang ‘yon. Napakabait.” anito sa kanya habang nagpigprepara ito ng pagkain.
Ngumiti siya. “Alam ko po yaya nanay, dahil siguro kung iba-iba lang ay hindi mag-aaksaya ng panahon at pera para lang matulungan ang isang kagaya ko.” anaman niya.
“Karamihan naman kasi sa mamayaman ay mata pobre. Bibihira ang marunong maawa sa mga taong katulad natin.” sagot naman ng matanda sa kanya.
“Eh si Sir Santi ho ba masamang magalit?” biglang tanong niya habang naglalagay naman siya ng palaman sa tinapay.
“Naku oo. May minsan na naalala ko nung nagalit ‘yan sa pinsan niyang si Carlito, hay naku nagsuntukan ang dalawa. Magang-maga ang mukha ni Carlito.”
“Eh sa babae ho?” usisa pa niya.
“Matinik.” napangisi pa ang yaya sa sariling sinabi kaya natawa tuloy si Alex.
“Hindi po Nay, ang ibig ko pong sabihin ay kung paano siya magalit sa babae?” paglilinaw niya kasi naman ang bilis ng sagot nito na ‘matinik’. Wala naman duda ‘yon kasi ubod naman ng pogi si Santi.
“Ay nagagalit rin pero hindi nananakit. Ang alam ko nga dumating ‘yan sa mansiyon na galit na galit sa nobya niyang si—” saglit itong nag-isip. “‘yong modelo. Itong huli niyang gerlfrend.” isip pa ang matanda. “Sa dami di ko maalala.” parang gusto pa nitong mapakamot sa ulo.
“Si Zoe ho?” kunwaring balewalang sagot niya pero kumulo ang dugo niya sa babaeng iyon na naman.
“Iyon! Zoe! Iyong inaanak ng Daddy niya. Galit ‘yan si Santiago dahil may sinaktan daw na babae iyon si Zoe sa Palawan.” imporma nito sa kanya.
Palawan? Siya kaya ang tinutukoy ng matanda?
“A-Ano raw hong nangyari r-roon?” kunwari ay painosente niyang tanong.
Nagkibit-balikat ang matanda. “Ayon, nagalit ang ama no’ng babae noong malaman na hiniwalayan ng alaga ko si Zoe dahil sa babaeng sinaktan no’n.”
Alex widened her eyes mentally. Ano??? Hiwalay na si Santi at si Zoe dahil sa kanya
Gustong pumalakpak ng mga tainga niya sa narinig pero syempre kahit na flattered siya ay hindi niya pwedeng maramdaman ang pagsasaya kasi in the first place ay hindi tama na maghiwalay ang mga iyon dahil lamang sa kanya. Pangalawa, lalong titindi ang galit ni Zoe sa kanya dahil isang hamak na tulad niya ang naging dahilan para hiwalayan ‘yon ni Santi.
Siguro napuno na ang lalaki kaya hindi na nakapagtimpi pa.
…
Hanggang sa makauwi si Alex ay laman pa rin ng isip niya ang usapan nila ng matandang yaya. Parang hindi niya maintindihan ang tamang rason kung bakit pinag-awayan siya nina Zoe at Santi. Oo, alam niya na talagang magagalit naman kahit na sino sa ginawa ng babae pero ang hiwalayan—susko, hindi niya lubos maisip na mangyayari iyon.
“Hoy, anak.” gising ng Mama niya sa kanya.
Nakapangalumbaba na naman kasi siya sa bintana hawak ang cellphone na nahulog sa inidoro kaninang umaga.
“‘Ma.” nagulat na sabi niya sabay lingon.
“May problema ka ba? Aba natapos ko na ang lahat ng hugasin ko ay ganyan pa rin ang posisyon mo. Para ka namang estatwa r’yan. May sakit ka ba?” usisa nito sa kanya habang papalapit at pinupunasan ang kamay gamit ang isang tuyong basahan.
“Wala, Ma. May naiisip lang kasi ako.” ibinalik niya ang paningin sa labas ng bintana.
“Eh ano bang naiisip mo? Nahihirapan ka ba sa trabaho mo ngayon? Aba, mag-resign ka na.” anito na naupo sa tabi niya.
Ang bilis naman nitong magsabi ng ‘resign’.
Para bang ang yaman nila para hindi niya mapagtyagaan ang mga nagiging trabaho niya; at mabuti naman sana kung totoong nahihirapan siya ay sobrang swerte nga niya kay Santi.
“Ma, hindi. Halos wala nga akong trabaho. Nagtataka nga ako kung bakit binigyan ako ng boss ko ng trabaho pero ‘di ko naman alam ang eksaktong trabaho ko. Isinama niya ako kanina sa bahay niya para maglinis. Ang ginawa ko lang naman ay mag-ayos ng damitan niya.”
Gulat na gulat ang Mama niya sa sinabi niya. “Ikaw? Nag-ayos ng damitan ng amo mo? May sanib ka ba anak? Mismong damitan mo nga parang inararo ng sampung kalabaw sa pagkagulo.”
Agad siyang napasimangot.
“Mama talaga. Hindi ‘yon ang problema ko. Saka syempre gagawin ko ‘yon kaysa naman mawalan ako ng trabaho. Nagtataka lang ako ng husto, saka...” natigilan siya nang makita ang Mama niya na nakanganga na sa TV na black and white at wala na sa kanya ang atensyon.
“Shhh!” senyas nito sa kanya at ni hindi siya tinapunan ng sulyap man lang. “Tingnan mo ‘yan anak, ang pogi-pogi.”
Nanulis ang labi ni Alex. “Si Mama kumikerengkeng. “ napasulyap siya sa TV at nanlaki ang mga mata.
Huh? Si Santi? Si Santi ang nakikita niya sa TV. Naka-feature ang pinakabagong prospected na negosyo ng pamilya ng mga Elizares, ang Elizares Global Airways and Aviation pero kumunot ang noo niya. Hindi si Santi ang nakapangalan doon kundi isang, Heaven Javier Elizares. At kung anong mukha ni Santi ay ganoon din ang mukha ng lalaking nasa TV.
Lahi pala talaga ng mga pogi sina Santi, na pati Mama niya nakanganga sa telebisyon at hindi matanggal ang mga mata hangga’t hindi natatapos ang balita tungkol doon.
“Ano na ‘yong sinasabi mo anak?” tanong nito sa kanya matapos ang balita.
“Hay naku Mama nakalimutan ko na. Ang pangit mo naman kasing kausap. Nagsasalita ako nakanganga ka na pala sa TV.” inirapan pa niya ang si Alice.
“Eh, masisisi mo ba ako? Ang gwapo no’n anak, ano. Nakita ko ‘yon sa magasin na napulot sa tambakan ng basura ng kapitbahay natin, parang anghel ang mukha.”
“Gwapo rin Ma ‘yong kapatid niya at sigurado gwapo rin ‘yong bunso nila.” balewalang tugon niya.
Kumunot ang noo nito sa kanya. “Paano mong alam?”
“Kasi Ma, boss ko ‘yong kapatid no’ng nasa TV na ‘yon.” seryosong sabi niya sa ina pero nanulis ang mga labi nito at parang hindi kapani-paniwala ang kanyang sinabi.
“Husss, niloloko mo ako anak.” iwinagayway pa nito ang kamay sa ere.
“Eh ‘yon na nga Ma ang sasabihin ko sa’yo eh. Di ko rin nga alam kung ano ba talagang trabaho ang ibinigay niya sakin tapos nalaman ko kanina lang na naghiwalay sila ng girlfriend niya dahil sakin.”
Literal na nalaglag ang panga ng Mama ni Alex. Sinalat-salat pa nito ang noo niya. “May lagnat ka ba, anak? Baka naman nagda-drags ka na?”
Her brows automatically creased.
“Mama!” sabay hawi niya sa kamay nito. “Ang OA mo, Ma. Nakakainis ka. Ewan ko kung bakit di ka maniwala sa akin.” umismid siya at umiwas ng paningin.
“Eh kasi anak, napakahirap naman paniwalaan. Yung trabaho oo, pero ang sabihin na naghiwalay dahil sa’yo, ewan ko. Baka naman nagdidiliryo ka Alexandria.”
“Isa pa Ma.” she glared at her mother. “Nakakainis ka talaga.” Naiinis ng sabi niya na saglit na ikinatahimik nito saka siya pinakamasdan ng husto.
“Pero sabagay, mabait ka naman saka maganda, kaya di naman imposible ‘yon.” bawi ng Mama niya. “Pero anak gwapo ‘yon, baka masaktan ka lang.” paalala nito kahit wala pa naman.
“Mama, wala naman akong sinabi na nililigawan ako. Parang ginagawa niya kasi ‘yon na pambawi sa kasalanan no’ng girlfriend niya kaya niya ako binigyan ng trabaho.”
Tumaas ang presyon ni Alice nang banggitin niya si Zoe. Lumabas na naman ang mga litid nito sa leeg.
“Sino? ‘Yong impakta na inginudngod ka sa mesa? Naku wag makapakita ‘yon sa akin at tsa-tsaptsapin ko ‘yon. Impakta na babae!” humangos pa ito at nagdidikitan nang husto ang mga kilay sa inis.
Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Ganitong-ganito rin kasi ang reaksyon nito nang umuwi siya na halos pasa-pasaan ang mukha. Parang ipinaglihi yata ang ina niya kay Gabriela Silang sa tapang. Naalala niya no’ng may nanggulo sa kanilang lasing. Gusto kasing manligaw sa kanya ng lalaki ay singkwenta y singko anyos na naman. Halos kaedad na nga ‘yon ng Mama niya. Nag-inarte ang lasing. Nahiga ‘yon sa balkunahe at hindi raw aalis hangga’t di pinapayagan na manligaw sa kanya. Ang ginawa ng Mama niya ay kinuha ang itak at pinasikatan ang lalaki. Ayon, takbo ang matandang hukluban at nawala ang kalasingan.
“Tama na Ma. Tapos na ‘yon. Ang litid mo baka pumutok.” pang-aasar niya rito. “Matutulog na ako at baka mag ala-Charlie’s Angels ka na naman sa sobrang high blood mo.” tatawa-tawang hinalikan niya sa noo ang ina saka siya naglakad papunta sa kanyang maliit na kwarto.
“Anak, dalahin mo rito yung boss mong pogi.” pahabol niyon sa kanya.
“Hay naku Ma, ‘wag na. Baka magka-athletes foot ‘yon dito.” aniya saka umiling pa.
“Para gusto ko lang naman makita sa personal.” narinig niyang bulong ng Mama niya pero hindi na niya pinansin.
Ang Mama talaga niya, ang hilig sa gwapo. Ayan tuloy nakapili naman nga ng gwapo sa katauhan ng Papa niya, iniwan naman sila. Gusto na lang niyang matawa at mainis nang maalala ‘yon. Kailan na nga ba siya makakapag-move on sa sakit na ‘yon dahil sa kanyang ama? Makamove-on pa ba naman kaya siya?
…
TULOG na tulog na naman si Alex nang abutan ni Santi sa opisina. Himala dahil maaga ito. Dalawang linggo na itong nagtatrabaho sa kanya pero late parati. Minsan nga ay hindi na sila nagpapang-abot sa opisina at sanay na rin siya na lagi itong huli, pero ngayon ay himala na maaga ito, ‘yon nga lang tulog naman.
He has this paper bag in his hand. It’s a cellular phone. Lagi kasi niya itong hindi makontak. May mga pagkakataon kasi na gusto niyang magpasama rito kapag lumalabas siya ng gabi pero out of coverage naman parati. Naalala lang niya na sabi nito ay nahulog sa toilet bowl ang cellphone nito. Siguro hindi na gumana kaya hindi niya makontak, so he just decided to buy her a new one.
“Tumutulo laway mo, Faith.” biro niya sa dalagang natutulog.
Ewan nga niya kung bakit naging ugali na rin niya na biru-biruin ito.
Bilang CEO ay hindi siya dapat ganoon makitungo sa mga empleyado niya pero magaan kasi ang loob niya sa dalaga. Isa pa napakawalang kyime rin nito, unlike other women out there na kulang na lang maghubad na sa harap niya para mapansin lang.
She’s the exact opposite of those women he had bedded.
…
Alex opened her eyes when she heard a failiar voice. Feeling nga niya ay nananaginip pa siya pero nang makita niya ang bulto ni Santi na nakatayo sa harap niya ay saka niya narealize na nasa opisina nga pala siya.
“A-Anong oras na po, Sir?” wala sa sariling tanong niya.
Narinig niyang tumawa lang si Santiago sa tanong niya.
“Oras na para gumising ka at umuwi. Alas singko na ng hapon.” anito sabay sulyap sa wristwatch.
“Ano?” bigla ang pagtayo niya at tiningnan ang suot na relo. Ganoon na siya katagal na natulog? Parang imposible naman. Alas seis siya ng umaga dumating sa opisina galing sa paglalakad mula sa terminal tapos alas singko na ng hapon ngayon? Niloloko ba siya ng lalaki na ito?
When she looked at the time, it’s just seven AM. Kandahaba tuloy ang labi niya sa sobrang inis. Bumalik siya sa pagkakaupo at kakamot-kamot ng ulo.
Santi’s just chuckling. “For you.” Anito nang iabot sa kanya ang isang bag.
He’s standing so towering above her.
“A-Ano y-yan?” Tanong niya rito.
Nakikita niya sa logo ng paper bag ang Apple iPhone pero ayaw naman niyang isipin na cellphone ang laman no’n.
“Open it and see it for yourself.” iniaabot pa rin nito sa kanya ang bag pero hindi pa rin niya kinukuha.
“Ayoko. Ipis ‘yan ‘no?” pagdududa niya.
Santi laughed humorously. “Do you really think I’ll catch numerous numbers of cockroaches just to make fun of you?”
“Eh malay ko ba.” she crossed her arms over her chest as she glares at him.
“Faster. One.” banta nito at naitikom pa ang mga labi.
Napilitan na inabot na niya ang bag. Mabigat. Alangan naman na isang kilong ipis ang nasa loob. Pasimpleng tinalikuran na siya ni Santi at pumunta ito sa mesa.
“Jeez! Proposals again.” narinig niyang sabi nito nang makita ang ilang envelopes sa mesa. Tila dismayadong naupo ito sa silya at natutop ang sariling noo.
Kabado pa siya kung bubuksan niya ang bag. This time hindi dahil sa ipis, dahil baka nga cellphone ang laman no’n ay paano niya babayaran ‘yon? Hindi naman siya nagtrabaho para sa mamahaling cellphone lang. Wala sa listahan niya ang pagbili ng cellphone. Uunahin niya ang pagbabayad sa mga utang nilang mag-ina.
Sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi buksan na rin ang paper bag nang marinig na naman niya ang banta ni Santi na naman.
“Dalawa, Faith. I’ll throw that s**t at the count of three. I swear.” sabi nito pero di naman nakatingin sa kanya.
“Oo na. Binubuksan na po.” binilisan niya ang kilos pero napaismid pa siya at laking gulat niya na cellphone nga ang laman no’n.
Susko! Cellphone nga. Nando’n pa ang mga resibo at ang warranty. Nang busiklatin niya at makita ang presyo ay gusto niyang himatayin habambuhay. tumataginting na 43,000 pesos ang halaga ng aparato. Ibinalik niya iyon sa loob ng paper bag saka tumayo. Lumapit siya kay Santi para sana ibalik iyon pero inunahan na siya nitong magsalita.
“If you’re planning to refuse to it, think thrice. I swear I’ll break that into pieces and throw that s**t in front of you.” mainit na ulong sabi nito pero wala naman sa kanya ang atensyon.
Alex scratched her head. “Eh kasi—kasi…naman sir ang m-mahal. Di ko naman kayang bawasin ito sa sweldo ko. I’m not working just to buy something as expensive as this. Too expensive, I mean.” giit naman niya.
Hindi pa rin siya nito tiningnan. “Did you hear me say that you have to pay that gadget? Nothing, right?” he kept on turning the pages of those papers in his hands.
“Eh di mas lalo na kung bigay, sir. Talo ko pa ‘yong boyfriend ni Chokoleit sa TV. Nag-kiss lang kay Chokoleit dahil daw sa iPhone. Ako wala kahit na ano, tapos may iPhone?” she pursed her lips and waited for his reaction.
She just can’t put the paper bag on his glass table because she’s afraid he might really break it. She’s waiting for a go signal wherein she can already put it down.
That moment, Santi looked at her. “Why? Would you rather accept that if I kiss you?”
“Huh?” nag-blush siya bigla. Hindi naman ‘yon ang ibig niyang sabihin.
“H-Hindi ah.” mabilis na sagot niya kasabay ng mabilis din na pintig ng puso niya.
Maha-heart attack yata siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya tapos ay tumitingin pa sa labi niya.
Nang di pa rin nito inaalis ang mga mata sa mukha niya ay tumalikod na siya. Wala na. Talo na siya. “S-Sabi ko nga sa’kin na ito eh. Di ka na mabiro. Akin na to. Libre ito. Walang bayad, walang bayad na kiss to. Libre lang. Libre. “ paulit-ulit na sabi niya habang naglalakad pabalik sa couch.
Napangiwi siya sa tensyon.
She didn’t even look back but when she took her seat, she caught him still staring at her.
Parang lalo lang na tinambol ang kanyang puso sa kaba. Ano ba ito? Bakit may ganito?
…
Lumipas na lang ang buong maghapon ni Alex sa iilang gawain. Ayusin ang mesa ni Santi, sumunod kung saan ito pupunta, makikain kasabay nito. Yaya na nga ang labas niya, yaya ng gwapo at machong CEO.
Kung pwede lang kitang isanla, isasanla kita para may pamasahe ako pauwi.
Naka iphone nga siya, naglalakad naman papuntang terminal dahil sampung piso na lang ang pera niya. Di nga niya alam kung makakapasok siya bukas dahil wala siyang pera. Siguro papasok siya, maglalakad mula sa bahay hanggang sa opisina ni Santi.
Jusmiyo! Baka nabalatan na ang talampakan niya ay di pa siya makarating ng opisina no’n, o baka marating man niya ang abutin na niya ay uwian sa hapon. Nailing na lang siya sa kaisipan na iyon. Sasabihin na lang niya ay nirarayuma siya kapag hindi siya nakapasok. Babawasin naman no’n sigurado sa sweldo niya ang pag-absent niya.
Sinigurado ni Alex na isinuksok niya sa kalalim-laliman ng bag niya ang cellphone na bigay ni Santi. Baka nga kung pwede lang mag ala-darna siya ay ginawa na niya. Lulunukin muna niya ‘yon para iwas sa mga mata ng snatchers tapos iluluwa na lang kapag nakauwi na. Laslas sigurado ang lalamunan at esophagus niya kapag nilunok niya ang bagong cellphone.
Natapos na lang ang paglalakad niya sa kai-isip niya ng kung anu-anong bagay. Maya-maya na nga ay natanaw na niya ang hintayan ng jeep. Ayos. Tapos na ang pinitensya niya, bukas na naman. Ayaw naman niyang mag-advance ng sweldo dahil baka sabihin na lang ni Santi eh nakaka two weeks pa lang siya, babale na kaagad siya. Nakakahiya naman iyon. Sana nga pinera na lang no’n ang cellphone. Pinera na ang ibig niyang sabihin ay ibinigay na sa kanya ang sweldo para sa dalawang linggon.
Kandahaba ang leeg ng dalaga sa waiting shed pero napalingon siya nang marinig ang sasakyan sa may tagiliran niya na kung makabusina naman ay parang may-ari ng kalsada, pero nang makilala niya ang pamilyar na sasakyan ay todo iwas siya ng paningin.
Ngi.
Sasakyan ‘yon ni Santi. Nagkunwari pa siya na hindi niya ito napansin. Tumagilid siya ng kaunti habang naglalakad nang dahan-dahan.
“Faith!” malakas ang boses ng boss niya na parang naasar pa dahil hindi siya lumilingon.
She even doubled her pace.
Bumusina pa ito ng sunud-sunod kaya napilitan na siyang tumingin.
Ngumisi siya ng peke. “P-Po?” she scratched her head.
“Really hiding that pretty face huh? Where to? Come on, hop in.” anito sa kanya.
Pretty daw siya.
“Ay, hindi na sir. O-Okay lang po. Padating na ho ‘yong jeep.” sabi naman niya. “Ayan na oh.” kunwari turo niya sa isang stainless na jeep pero di naman talaga iyon biyahe pauwi.
Tumingin si Santi sa tinuturo niya. “Such a liar. That’s a green plate. Hop in. Isa!” banta na naman nito sa kanya.
Anong green plate? Napatingin siya sa plaka ng jeepney at kulay green nga. Private iyon.
“Oo na po. Sasakay na. Sabi ko nga sasakay na.” maktol pa ng dalaga.
She heard the lock of the passenger’s door clicked so she opened it and hopped in.
“Takot ka pala sa isa. I thought you’d still wait for two or else baka kailangan pa kita buhatin papasok.” anito pa sa kanya.
Bakit nga ba takot siya sa isa? Hindi niya rin alam, at mukhang nawiwili naman ang binata sa pananakot sa kanya. Ngingiti-ngiti pa kasi ito nang patago.
“Is that your place? Doon ba ang sa inyo sa itinuro mong subdivision sa akin?” tanong nito sa kanya na siyang nagpakunot ng noo niya.
“Subdivision? Hindi ako sa subdivision nakatira. Sa squtters po.” aniya rito.
Santi smiled at her at the rearview mirror. “Silly you. Pinaganda ko lang, pinapangit mo naman.”
Nag-iwas siya ng paningin kasi nailang na naman siya sa asul nitong matiim kung tumitig.
“Ibig niyo pong sabihin, ihahatid niyo talaga ako doon?” tila di makapaniwalang tanong niya.
“Yep, para hindi ka na mahirapan sa pag-commute but before that, we’ll buy some foods.” anito at tinaas-baba pa ang mga kilay.
Alex ignored Santi’s strong presence.
“P-Pero po kasi, ano—” tutol niya.
“One! “ there he goes again so she shut her mouth.
Santi couldn’t help but hid a smile. Parang gusto na niyang alugin ang ulo ng dalaga o kaya kusutin ang buhok nito. Ang cute-cute ni Alex sa mga facial expressions na ginagawa kaya kahit paano ay nakakabawas ng stress ang makasama ang ganitong klase ng babae sa araw-araw. Very light ang ambience kapag ito ang kausap niya. Walang stress at napaka-cool.
He could say that she’s more of a stress-reliever than an ordinary employee.