CHAPTER 21 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) "Huwag mo akong murahin. Pinagsasabihan lang kita hindi na lang dahil sa past natin kundi dahil kaibigan kita. Matalik pa rin tayong kaibigan kahit pa ayaw mo na sa akin!" "Talaga? O baka naman pinagsasabihan mo ako dahil nagseselos ka na? Hayaan mo, bukas na bukas lilipat na ako dahil nakakahiya ng pumisan pa sa iyo. Sabi ko dati, ikaw ang aalis kasi ikaw ang unang nagtaksil. Kung may mag-aalsa balutan ikaw yun dahil ikaw ang nagmbuntis pero mukhang matibay ang sikmura mo. Matibay ang dibdib mo kaya sige. Ako na lang ang aalis! Solohin mo itong apartment na ‘to!" Umagos ang luha ko. Masakit ang loob ko. Napaupo ako. Hindi ko akalaing sabihan niya ako ng ganun. Gusto kong sagutin siya, gusto kong sabihin lahat ng hinanaki