CHAPTER 19 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) “Salamat po Dad. Ang swerte ko dahil may magulang akong kagaya ho ninyo.” “Okey na ‘yon ‘nak. Huwag ka nang mambola. Bumangon ka na diyan at kumain na tayo. Ayusin moa ng buhay mo ha? Ang hina mo naman na may paganyan-ganyan ka pang ganap sa buhay mo. Sige na.” Niyakap ko si Daddy. Masaya ako na tanggap na nila ako ni Mommy ngunit ang pinoproblema ko at iniisip ay si Lance. Kung wala si Lance sa Cagayan nasaan siya? Anong nangyari sa kanya lalo pa’t magsisimula na rin ang klase. May mga gamit pa rin naman siya sa apartment kaya hindi ko iniisip na lumipat na siya ng tirahan at iniwan na niya ako. Umuwi rin sina Mommy at Daddy nang madaling araw. Pumasok ako sa klase ko umaasang baka n