"Susmaryosep!" malakas na hiyaw sa likuran ni Gail ang pumukaw sa kanya pansin. Kasabay pa ng pag-inat ng lalaking nasa harap na tila magigising na ito. 'Peste bakit ba kasi ang hirap tanggalin ang seatbelt na yan?' inis sa saad sa loob-loob ni Gail, nang mag-angat siya ng mukha upang silipin ang mukha ng lalaking tulog na tulog sa kanyang harapan. "Dios mio, Marimar!" mabilis niyang tuwid dahil nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakamata na sa kanya. 's**t, akala pa yata ng herodes na ito pinagnanasahan ko siya,' aniya sa isip sa klase ng tinging pinupukol ngayon ng boss sa kanya. Kasabay nang agarang pagbitiw sa seatbelt na hawak sapol ang mukha ng lalaki, nataranta siya lalo nang makita ang hitsura nito. "Ouch," sigaw ni Liam ng tumama ang garter ng seatbelt sa mukha niya na tuluy