KINABUKASAN ay maagang nagising si Gail, uminat-inat pa siya bago tumayo at napatawa siya nang tuluyang matanggal ang kumot na nakabalot sa katawan at nakitang bra at panty lang pala ang saplot niya. Nakalimutan niya na ring tanggalin ang bra kagabi sa nakakalasing na sensasyong pinalasap sa kanya ng lalaki saka lumitaw sa balintataw ang kapilyahang nagawa kagabi. Bumaba siya sa kama at naglakad na parang rarampa sa catwalk na nakasuot ng bikini. Medyo nangalay pa yata ang balikat niya kaya muli ay ininat-inat ito na lulugo dahil medyo masakit pa ang ulo niya gawa ng kahit papaano ay napainom din siya ng marsmi. Maya-maya ay humilab ang tiyan niya. 'Natatae pa yata ako,' aniya sa sarili na wala pa ring tigil sa hinagawang pag-inat at minamasahe na rin ang balikat nang bigla siyang mapau