Chapter 45 Author's Note: Hello! Hindi ko na masyado i-elaborate yung buhay ni Arc sa medical school. Mag-focus ako sa relasyon nila ni Andrew at sa sumpa charot! Rest assured na walang mamatay dito. Iiyak lang kayo pero medyo lang hahaha. Enjoy reading! PS: May preview akong iiwan sa dulo nitong chapter. Si Andrew kausap ang doktor niya. *** AKMA ko sanang iyuyukyok ang ulo ko sa lamesa ngunit may kamay na agad sumalo sa aking noo. Pag-angat ko ng tingin, sumalubong agad sa akin ang mukha ni Andrew. Worry was written all over his face and I know that my current situation bothers him a lot. Daig ko pa kasi ngayon ang mga zombie sa Train To Busan na palabas. Paano ba namang hindi, halos bugbugin ko na ang sarili ko dahil sa hindi maayos-ayos na schedule. I have a part time job from 6a