Chapter 43 BUTONG-HININGA. Iyon ang sunod-sunod ko na binitawan pagkababa ko ng grab taxi na aking na-book mula sa unit namin ni Andrew hanggang dito sa SFU. Malayo iyon sa tirahan ko kaya doon palang ay malaking adjustment na aking gagawin sakaling maisipan ko na dito pumasok. Ang totoo ay decided na ako sa SMU papasok noong araw na i-tour ako doon ni Andrew nasabi ko na agad sa sarili ko na doon ako mag-aaral pero ang bilin ni Andrew, subukan ko muna daw puntahan itong SFU bago mag-decide talaga. Sa biyahe palang hassle na at ang mahal pa. Halos awayin ko na nga kanina si Manong na isusumbong kop ala dapat kay Andrew para mabigyan ng leksyon. Iikot-ikot ba naman ako sa kahabaan ng EDSA tapos pilit pababain kahit wala pa talagang destinasyon ko at sabihin na nandyan lang yun. Tama bang