Chapter 1

1234 Words
Julia’s POV Bagumbayan Masbate "Uy Julia, sayang naman ang ganda mo kung magiging tindera ka lang ng isda. Baby girl, bakit hindi ka sumali sa mga beauty pageant? Sure na pak na pak ka at keribels mo 'yon," sulsol ng kaibigan kong si Belle. Billy talaga ang pangalan niya noong hindi pa siya naglaladlad. Kaklase at naging bestfriend ko si Belle since first year high school palang kami. Siya ang inuutangan ko kapag nagigipit sa eskwela at ako naman ang sumbungan niya kapag nasasaktan siya ng sundalong ama niya dahil sa malambot na kilos n’ya na masakit umano sa mata ng kan’yang ama. Buong akala ng lahat ay maaga akong mabubuntis dahil araw-araw kaming magkasama ni Belle. Kumalat ang tsismis sa barangay El Dorado na magkasintahan umano kaming dalawa na labis na ikinatuwa naman ng ama nito. Nagbago lang ang lahat ng magkagusto si Belle sa isang lalaki na nanliligaw sa akin. Dahil ayaw nitong patalo, kalaunan nagladlad na nga at tuluyang naging si Belle si Billy bago kami grumaduate ng high school. Late na akong nagsimulang nakapag-aral dahil katulong ako ng mga magulang ko na sumusuporta sa pamilya. Panganay ako sa pitong magkakapatid at may pagkakataong halos wala kaming makain, kaya kinailangan kong tumigil para maghanap buhay at makatulong sa pamilya. Heto, eighteen years old na ako at sa wakas nakapag tapos na din ng high school noong nakaraang buwan. Masaya ako na kahit hirap sa buhay ay nagawa kong makatapos. Gusto ko sanang mag enrol ng college sa Osmena College pero dahil sa malaki ang kailangang pera ay hindi namin kakayaning makapag-enroll sa darating na pasukan. "Girl, sinabi ko lang na sumali ka sa barangay contest ngayong fiesta, nawala ka na sa sarili. Promise, magkakapera ka doon girl ‘pag nanalo ka. Oh, I'm sure mananalo ka! Ikaw kasi ang pinakamaganda rito sa barangay." Panunulsol pa nito sa akin habang pinanlalakihan ako ng mga mata. "Hindi ganon kadali 'yon, Belle. Alam mo namang mahiyain ako. Magkakalat lang ako panigurado kaya tigilan mo ako." Tinalikuran ko ito saglit at hinarap ko ang isang bibili ng isda sa harapan ko. Mabuti pa ito ang harapin ko dahil siguradong magkakapera talaga ako at mauubos ang paninda ko. "Naku naman kasi Julia, bakit kaliwa ang mga paa mo? Kung sana mabilis ka lang matuto sumayaw, hay naku, star ka rito sa El Dorado." Sinabayan nito ng pilantik ng mga daliri ang mga salitang iyon. Loko talaga ang bading na ito. Ako na naman ang nakita, palibhasa wala itong problema sa buhay mula ng tanggapin ng ama niya ang katauhan ng anak. "Tigilan mo ako, Billy. Ayaw ko talagang sumali. Bakit ba ako ang pinipilit mo? Puntahan mo si Mariposa. Gustong-gusto sumali ng isang 'yon, s'ya ang gawin mong manok sa fiesta." Taon-taon na lang kasi na ganito kaming dalawa, pilitan. Hanggang sa walang mangyari at kunwari ay uuwi ang kaibigan ko na luhaan. "Girl, not this time. Promise, mapapapayag kita. Isa pa, nagpaalam na ako sa mama mo at pumayag na s'ya girl. So, ikaw na lang ang kulang." Pumipilantik pa ang kumpas ng kamay nito habang nagpapaliwanag. "At saan mo naman nakuha ang lakas ng fighting spirit mo na makumbinsi mo nga ako ngayong taon, aber?" nakatawang tanong ko dito. "Basta! Alam ko girl na papayag ka at mananalo tayo. Hindi ako papayag na ang mukhang bulate na manok ni Florencia ang magwawagi ngayong taon." Lalo akong natawa sa sinabi nito. "Sira! Kaya naman pala panay ang tulak mo sa akin at nalaman mo na may manok na si Florence. Naku Belle, hayaan mo na ang isang 'yun." "Hindi ako papayag, girl. Ipapatikim ko sa kan'ya ang pait ng pagkatalo at tutulungan mo ako dahil bestfriend kita. Promise, kahit pautangin kita ng pang kwek-kwek mo everyday willing ako." Natawa ako sa banat ng isang ito. Matindi talaga ang galit nito kay Florence ng maagaw nito ang papa loves ni Belle. "Hay, masakit sa bangs kapag usapang bakla talaga, oo," bulong ko sa sarili. "Sige na naman Julia. Magti-training ka pa kaya pumayag ka na. Since wala kang talent sa pagsayaw, kumanta ka nalang girl. ‘Di ba pang dyosa ang boses mo?" Patuloy na pagkumbinsi nito sa akin. Tama si Belle kung may isang bagay na magaling ako, 'yon ay ang kumanta. Pero dahil mahiyain nga ako, hindi ko ito maipakita sa kahit kanino dahil inaatake ako ng labis na kaba kapag nasa harap na ako ng maraming tao. "Alam mo naman kasi na may phobia ako sa crowded place, Belle. Isa pa, natatakot akong hindi ko mapanindigan at pareho tayong lalong mapahiya." Seryosong sagot ko dito dahil alam ko sa sarili kong hindi talaga ako confident na gawin ito. Oo nga at sabihin na nating maganda ako, maputi at matangkad na namana ko umano sa kastilang great grandfather ko. Matangos ang aking ilong at mahaba ang natural na pilik mata ko. Binagayan pa ito ng mala sa pusang hugis ng aking mga mata na kinaiinggitan ng karamihan. Bukod sa maamo ang aking mukha at mahinhin kumilos talagang mahiyain ako. Sabi nila swerte daw ako at maganda pero kabaliktaran ang nangyayari sa akin. Perwisyo sa akin ang itsura ko. Bukod sa kabilaan ang pagtaboy ko sa mga lalaking nanliligaw sa akin ay palaging sa akin nakatutok ang mga mata ng mga taong nakakasalamuha ko. Ito ang ayaw ko sa lahat, ang makakuha ng atensyon ng kahit na sino gaya na lang ng bakla sa harapan ko. Ako na naman ang nakita nito at kinukulit. "Julia, promise, ito lang talaga. Please support mo naman akets," sabay pa-cute pa niya sa harap ko. "Tse! Itsura mo, hindi bagay sa’yo. Teka nga, bakit ba atat na atat kang sumali ako d'yan sa contest na 'yan? Anong mapapala mo, aber?" Pinangdidilatan ko siya habang tinatanong ko. "Kasi nga girl, ‘diba nilait-lait ako ng baklang si Florencia. Ipapatikim ko sa kan'ya ang sweet revenge ko. Isasali kita sa contest sa fiesta at mananalo tayo. Alam mo namang attention seekers ang baklang iyon. Siguradong luluha s'ya ng dugo kapag pinatikim ko ng matinding pagkatalo," paliwanag nito. Heto na nga ba ang sinasabi ko, banggaan ng mga bakla ito at talaga namang taon-taon ay inaabangan kung sino ang bagong reyna ng El Dorado. "Hay naku, bakit ba naging kaibigan kita? Pahamak ka talaga, Belle." Umiikot ang matang sabi ko habang nag liligpit ng mga gamit ko sa pwestong pansamantalang hiniram ko dahil may sakit si Aling Bebang at sayang naman na walang gagamit ng bakanteng pwesto niya. "Girl, magkakamit ka naman ng malaking premyo kapag nanalo tayo. Pwede mong gawing pamasahe iyon at gamiting pang-apply ng trabaho sa Maynila gaya ng plano mo kapag nanalo tayo" bulalas pa nito. Tama si Belle, malaking premyo nga ang posibleng mapanalunan ko kung sasali ako at magagawa ko ang plano kong makapunta ng Maynila at maghanap ng maayos na trabaho. "Sige na nga Belle, basta turuan mo ako ng maayos ng hindi ako magkalat ha." "Sure, bestfriend! Ikaw pa ba! Mananalo tayo at maitatawid natin 'yan ng maayos alang-alang sa pangarap mo," tila nangangarap na sabi pa nito. Tama nga si Belle makukumbinsi ako niya ako. Alam na alam niya kung ano ang tamang rason para mapapayag ako. Susugal ako para sa pamilya at pangarap ko. "Ah, bahala na!" tanging nasambit ko sa sarili bago tuluyang isinara ang pwesto para sumabay kay Belle pauwi ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD