Free ang schedule ni Zeah this whole week tomorrow dahil tapos na ang teleserye at tapos na rin ang lahat ng guesting nila sa lahat ng show.
Bagsak na sumandal si Zeah sa sofa at inangat ang paa sa kaharap na lamesa nito.
"Hays! "Buntong hininga nito.
Pinapanood niya ngayon ang telesrye kung saan siya gumaganap na isa sa mga kaibigan ng dalawang bida. Episode 10 Pa lang ang pinapalabas sa TV ngunit tapos na nila ito. She's watching using YouTube.
Inabot ni Zeah ang phone sa gilid niya nang marinig niya itong tumutunog"Hello? "She answered the phone call. Sulubong ang kilay ni Zeah dahil unregistered ang number.
"Can we talk? "
Parang na bato si Zeah sa kinauupuan niya nang maring niyang magsalita ang tao sa kabilang linya. Inalis ni Zeah ang cellphone s tenga niya at muling tinignan ang screen ng cellphone niya.
Muling binalik ni Zeah ang phone niya sa tenga"Sino 'to? "Ani nito na kunwari ay hindi kilala ang nasa kabilang linya.
"Don't pretend like you don't know me"Ani nito sa kabilang linya na halos hindi maintindihan ang boses nito.
Kunot ang noo ni Zeah habang pilit na iniintindi ang sinasabi nito sa kabilang linya. Agad na kinuha ni Zeah ang remote at pinatay ang tv dahil nag sasabay ang ingay.
"Are you there?"Ani nito.
"Are you drunk? "Ngiwing tanong ni Zeah.
"So? What you will do, if I'm drunk "Ani nito sa kabilang linya na nag babanta.
Malalim na huminga si Zeah at tumaray sa hangin"Nothing, I don't care, btw"Ani ni Zeah.
"Tsk, wala kang pake sa'kin kasi nasa iba na yung attention mo, I'm more handsome than them, Zeah. I'm hotter than them for f**k sake, Zeah! "Asik nito sa kabilang linya na at mahinang nag mura.
Agad naman na nag subong ang kilay ni Zeah dahil sa pinagsasabi nito na hindi malaman ni Zeah kung saan niya hinuhugot ang mga bagay na 'yon.
"jae, ano bang sinasabi mo? "Ngiwing ani ni Zeah na dumiretso ng upo.
"That I deserve you! "Asik nito.
Nanlaki naman ang mata ni Zeah sa paglakas ng tinignan ni Jae sa kabilang linya"Lasing ka lang, ipahinga mo 'yan at si Shanel at istorbohin mo 'wag ako"Ani ni Zeah na taas ang kanang kilay.
Hindi siya makakapayag na lokohin ni Jae si Shanel dahil mukhang mabait ang babae at hindi niya deserve ang maloko, at handa si Zeah na pigilan ang nararamdaman niya kay Jae dahil alam niya ang pakiramdam ng maloko at sobrang sakit nun.
" jae kung lasing ka matulog ka, lasing ka lang. Tumigil ka at 'wag mo na 'Kong kausapin"Diretsong Ani ni Zeah na hindi nito na Malayan ay pumapatak na pala ang luha niya.
"Sana nga, sana lasing na lang ako"Ani nito mula sa kabilang linya.
Hindi pinansin ni Zeah ang sinabi nito."Matulog ka na lang"muling Ani nito at agad na pinatay ang tawag.
Bagsak ang balikat na bumuntong hininga si Zeah"f**k! Bakit naman sa may sabit Pa! "Asik na bulong nito at nag angat ng tingin sa kisame.
Hindi tama na mahalin niya si Jae kahit na alam niya na may kinakasama ito. Oo hindi masama mag mahal pero masama ang mahalin mo yung taong may ibang minamahal...
The next morning. Sinadya ni Zeah na hindi bumangon ng maaga dahil wala naman itong gagawin ngayon buong araw. It's Monday morning at naisipan ni Zeah na mag jogging ngayong araw dahil nakakalimutan na nito ang mag das exercise dahil sa busy na schedule niya nitong lumipas na mga araw.
"Saan punta mo? "Agad na tanong ng kuya nito na nasa sala.
"Secret"Ani ni Zeah habang tinatali ang buhok niya.
"Tsk"Ani ng Kuya nito na nag iwas ng tingin.
Hindi naman na umimik si Zeah at kinuha na ang bottle niya ng tubig at diretsong lumabas na nang pinto na hindi na nilingon ang kuya niya
Naglakad lang si Zeah palabas ng Village nila dahil balak nito na mag jogging patungo sa Gym na malapit sa Village nila. Habang naglalakad ay maraming nakakasalubong si Zeah na tumatakbo rin ngunit hindi niya ito pinapansin.
Mabilis lang naman na nakarating si Zeah sa Gym dahil nga sa malapit lang ito. Pagpasok ni Zeah sa Gym ay walang gaanong tao at bilang lang. Agad na naagaw ni Zeah ang Attention nang mga ito.
"Si Zeah! "
"Ang ganda niya! "
Nhihiya naman na ngumiti si Zeah at kinawayan ang mga ito"Hello"Malapad ang ngiti na bati nito.
"Can we take a picture? "Ani ng isang gwapong lalaki na lumapit sa kaniy.
"Sure"Ani ni Zeah na agad dumikit sa lalaki na.
They took 3 picture at hindi iyon ang huli dahil may iba Pa na lumapit para mag papicture sa kaniya. Agad rin naman natapos ang picture session nila kaya agad ng pumasok si Zeah sa room sa loob ng Gym para hanapin ang instructor niya.
"Vince"tawag nito sa lalaking may kalakihan ang katawan.
"KEL!"Sigaw nito sa pangalan ni Zeah.
Nag ngitian ang dalawa mula sa malayo hanggang si Zeah na ang nag adjust na lumapit sa lalaki.
"Mag ggym ka? "Tanong nito.
Agad naman na tumango si Zeaha kay Vince. Agad na tumayo si Vince at inakay su Zeah palabas ng room.
"Ang tagal mong hindi bumisita dito, ha"Ani nito.
"You know, I'm busy "Ani ni Zeah na naupo paharap sa nakatayong si Vince.
"Sakto, pupunta rin si Kent ngayon. Pagsasabayin ko na kayo"Ani nito na namewang sa harap ni Zeah.
Tumango lang naman si Zeah, wala namang problema na sabay sila.
" 'yan na pala siya"Ani ni Vince na lumingon sa Entrance.
Nilingon rin naman ni Zeah ang Entrance at doon niya nga nakita si Kent. Nagsalubong ang tingin ng dalawa at sabay na ngumiti.
"Hala! Dating!! "Ani ng mga babae.
"I told you, bagay talaga sila"
Hindi naman pinansin ni Zeah ang usapan nang mga ito dahil nonsense lang naman. Hinintay ni Zeah na lumapit si Kent at Vince sa kaniya bago niya ito binati"dito ka rin pala nag Gi-Gym"Ani ni Zeah.
"Yeah"tanging sagot ni Kent.
"Diba malayo bahay mo dito? "Tanong ni Zeah na nakaangat ang tingin kay Kent.
"Sobrang layo, ewan ko ba diyan"Ani ni Vince"Mag umpisa na tayo"Ani ni Vimce.
Agad na nag umpisa ang session. Mabilis na napagod si Zeah dahil hindi na nga ito sanay na mag work out ngunit pinilit Pa rin nito na sabayan si Kent sa pag work out.
"Wala na akong water"mahinang tinig ni Zeah.
"Here"agad na about ni Kent sa kaniya at malapad na ngumiti na halos mag laho na ang mata nito"Inumin mo, mukhan napagod ka"Ani Pa nito.
"Thank you"Ani ni Zeah na hindi na nag reklamo dahil na uuhaw na rin ito.
Tabi na umupo ang dalawa para mag pahinga dahil sa nakakapagod nilang session. Nakaupo si Zeah sa side malapit sa Entrance habang si Kent naman ay nasa kabilang gilid niya na ang pupunas ng towel sa mukha.
"Alam mo, nakakamiss rin pumunta sa set nang ganitong oras"Ani ni Kent sa gilid ni Zeah.
Agad naman na huminto si Zeah sa pag inom at nilingon si Kent"Sa true lang, kahit minsan nakakatamad. Pero nakakamiss"Ani ni Zeah habang sinasarado ang bote. "Here,thank you"Ani ni Zeah na inabot ang Water.
Agad naman na kinuha ni Kent ang bottle at muli itong binuksan at uminom.
"Ho-"nahinto si Zeah nang biglang uminom si Kent na hindi pinupunasan ang bibig ng bote.
"Hindi naman ako maarte"Ani ni Kent na tumigil sa pag inom at pinatong ang bote "btw, araw-araw ka rin ba andito?"Tanong nito.
"Ngayon lang"sagot ni Zeah.
"Uhm, hindi ka Pa uuwi?. Gusto mo kain muna tayo? "Ani nito na tumaas ang dalawang kilay.
"Nako, hindi na"Ani ni Zeah na agad umiling "marami Pa akong gagawin"pagdadahilan nito.
"Ah, okay. I guess see you again"Ani nito na agad nang tumayo at malapad na ngumiti.
"Sure, thank you"Ani ni Zeah na malapad na ngumiti.
Tumango lang si Kent at iniwan na si Zeah. Hindi maintindihan ni Zeah kung bakit siya nagsinungaling kay Kent kahit na wala naman talaga siyang gagawin"hays! "Bulong nito na bumuga ng malalim na hininga.
Tumayo na si Zeah at kinuha ang pink niyang bottle. Paglabas ni Zeah ng Gym ay agad itong nakaramdam ng pagod at pagka tamad sa paglalakad pauwi sa bahay nila.
No choice. Buntong hininga na humakbang na si Zeah sa paglalakad patungo sa Village nila. Habang naglalakay ay nakaramdam si Zeah sa pagsakit ng binti niya dahil na rin siguro sa naninibago ang katawan niya sa pag exercise.
Pagdating ni Zeah sa bahay nila ay agad itong umakyat sa kwarto niya. Pag akyat nito at agad siyang humarap sa salamin at hinanap ang phone niya Para mag selfie mirror. Pagtapos nitong mag picture ng halos 100 pcs ay naupo ito sa kama niya para pumili ng pang Ig story niya.
After niyang mag Ig story ay nilapag na nito ang phone niya sa study table at humilata sa kama niya. Binalot ni Zeah ang sarili niya sa comforter at ipinahinga ang katawan sa kama niya.
SALUBONG ANG kilay ni Jae habang tinititigan ang picture na sinend ng kaibigan niya. Halos hindi maipinta ang mukha nito dahil sa galit sa mukha nito.
"Stop! "May kalakasang tinig na ani ni Jae sa babaeng nag aayos sa mukha niya.
"Sorry "ani ng makeup artist na iniwan si Jae.
Ipiniling ni Jae ang ulo at inayos ang suot nitong polo. Salubong ang kilay nito na umiling kasabay ng pagdila nito sa pang ibabang labi niya. "Let's continue! "May kalakasang tinig ni Jae at binulsa ang hawak nitong cellphone.
Nag patuloy nga ang photoshoot ngunut ilang beses na kinunan si Jae dahil Hindi nagugustuhan ng photographer ang expression na pinapakita ni Jae sa camera, hindi kasi nito maitago ang Galit sa mata nito.
"Jae, if you're not feeling well, you can rest now"Ani ng manager nito.
"Sorry,let's do it again"Ani ni Jae na pilit na ngumiti.
Nag patuloy na muli ang lahat. Pinilit ni Jae na itago ang galit sa mata niya at pinalitan ito ng ngiti na naging successful naman at natapos nila ng maganda at maayos.
"Jae, ayos ka Lang ba?. Kanina ka Pa mukhang hindi okay"Ani ni Raile mula sa backseat.
"Pagod lang siguro ako"Ani ni Jae na sumandal sa kinauupuan nito sa passenger seat.
"I don't see it, dahil ba 'to kay -"
"NO"putol ni Jae sa sasabihin ni Raile "Pagod lang ako, that's it"ani nita na pag tatapos sa usapan.
Natahimik naman ang lahat habang si Jae ay ipinikit ang mata at pilit na inalis sa isip ang picture na nakita niya kanina lang na sumira sa araw niya.
"Tangina, sabi ko na eh, dating talaga si Kent at Zeah in real life "Agaw ni Harmony sa katahimikan.
Mabilis na dinilat ni Jae ang pikit na mata niya. Bumuga ito ng malalim na hininga na naging dahilan ng paglingon ng manager nila nag mamaneho.
"Bakit? "Tanong ni Raile kay Harmony.
"Ito oh, trending sa twitter"Ani ni Harmony na pinakita kay Raile ang picture ni Kent na malapad ang ngiti na nakatingin kay Zeah" ito Pa, sabi dito nakita daw na nag share ang dalawa sa iisang bottle of water "Ani ni Harmony.
Kumunot ang noo ni Jae at kinuom ang kamao nito"Too much information "bulong nito sa sarili na ngumiti. "I thought it's just a random moments"dugtong na bulong nito.
Akala ni Jae ay nagkita lang ang dalawa sa iisang gym ngunit mali ang nalaman niya dahil sadya pala ang pagkikita ng dalawa. Parang sasabog si Jae sa sobrang pula na ng mukha nito at pandidilim ng tingin nito.
"Hindi naman sila bagay"Anang tinig ni Raile.
"Mas bagay kami? "Biro ni Harmony na mahinang natawa.
"Daan tayo sa bilihan ng kabaong"Anang tinig ni Jae na walang Emosyon.
Nanlaki naman ang mata ng tatlo na binalingan ng tingin si Jae na wala paring reaction.
"Para saan? "Takang tanong ni Harmony na dinungaw si Jae.
"For you, kapag hindi mo pinigil 'Yang bibig mo!"Ani ni Jae na nilingon si Harmony sa seryoso nitong mukha.
"Biro lang naman"Ani ni Harmony na bumalik sa pwesto nito"Ang bitter mo, torpe ka naman. Tsk"bulong ni Harmony.
"Hanggang tingin ka na lang? "Ngiwing ani ni Raile mula sa tabi ni Harmony "if you really love her, then tell her"Ani Pa nito.
Buntong hiningang bumalik si Jae sa pagkakasandal nito sa upuan at ipinikit ang mata. He need to do something, ngunit paano niya gagawin 'yon kung nakatali siya kay Shanel?