HUMINGA ng malalim si Lexi nang makarating siya sa condo ni Lincoln. Tinignan niya ang larawan ni Lincoln na may kasama na namang ibang babae. Naghahalikan ang mga ito sa loob ng kwarto. The picture was sent to her by unknown. Basta natanggap na lang niya ito kaya naman nagmamadali siyang nagtungo rito sa condo ni Lincoln. Ipinikit niya ang mata at muling humugot ng malalim na hininga. She opened her eyes and opened Lincoln’s condo. Hindi ito naka-lock kaya madali niya itong nabuksan. Ito ang unang beses na makarating siya sa condo ni Lincoln dahil hindi siya pinapayagan ng Ate Relle niya an pumunta sa condo ni Lincoln o sa bahay nito. Dapat ang lalaki daw ang pumupunta sa bahay ng babae at hindi ang babae ang pupunta sa bahay ng lalaki. Pumasok si Lexi sa loob ng condo ni