NAPABUNTONG HININGA si Lexi habang nakangalumbaba siya sa kaniyang mesa at nakatingin sa labas ng bintana ng kaniyang pribadong opisina. Malakas ang ulan sa labas ng café kahit umaga pa lang. Naalala niya ang araw na umulan. Nagpabasa siya at nagkasakit. It was Davin who took care of her. She sighed again. She missed him. She admitted it. She really missed him so much. Isang buwan na niya itong hindi nakikita. Hindi niya alam kung saan ito pumunta. Nahihiya naman siyang magtanong sa asawa ng Ate Relle niya. Baka asarin lang siya nito. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair. Hindi niya inaasahan na ang babaeng minamahal ni Davin na sinasabi nito ay siya pala. She didn’t expect it. Ang akala niya ay concern lang talaga ito sa kaniya. At ang akala niya rin ay tanging kapatid lang ang t