DAVIN sighed while waiting for his blind date. It's not his idea. It was his mother's idea. Ayaw niya sanang pumunta kaso pinilit siya ng ina kaya naman nandito siya sa isang restaurant at hinihintay ang ka-date niya. Hindi na bale, ang kaniyang ina naman ang gumasto sa lahat.
"I wished I was still in the Philippines." Aniya saka napailing. Sumimsim siya ng wine saka napabuntong hininga ulit.
"Hi."
Napatingin si Davin sa babae na lumapit sa kaniya. Kumunot ang nuo niya nang makitang pamilyar ang mukha nito. Tumayo siya. "Are you Ms. Smith?"
Tumango ang babae. "I am. You're Davin Vargaz, right?"
Inilahad ni Davin ang kamay. "Nice to meet you."
"Likewise." Ngumiti ang babae.
Iminuwestra ni Davin ang kamay sa upuan. "Have a seat."
Gustong tawanan ni Davin ang sarili dahil mukhang hindi blind date ang kalalabasan nito kundi parang isang pormal meeting lang. Umupo siya saka tumingin sa babae. "I already ordered earlier."
"Oh. Thank you."
Tipid na ngumiti ang babae saka iniwas ang tingin rito. Hindi kasi siya komportable na tignan ang hitsura nito lalo na ang suot nitong damit. Yes, Ms. Smith is a beautiful woman, pero hindi talaga maganda kung kulang sa tela ang isuot na damit ng isang babae.
Napabuntong hininga siya saka napailing. Kinausap na lang niya ang babae. "Did my mother tell you to come here?" He asked.
"Yes. She told me it's a blind date. But I already know that it's you so I came." Nakangiting sagot ni Ms. Smith.
"What's your relationship with my mother?" Davin asked.
"We're business partners."
"Oh." Davin said. Kung ganun ay hindi na siya magtataka kapag pipilitin ulit siya ng ina sa susunod na i-date ulit si Ms. Smith.
Nang dumating ang order ni Davin, nagsimula na silang kumain habang nag-uusap.
"I still don't want to get married." Sabi ni Davin. "So, this date won't be happened agin. I'm a straightforward kind of person, Ms. Smith, so I'm sorry."
Davin saw the disappointed expression on Ms. Smith face. "W-what?"
Davin smiled politely. "I know. Mom told you that she wanted you to be her daugther-in-law. For what? For business?" Umiling siya. "I'm sorry. Let's finish our meal. I'll give you a ride later."
Tumango na lang ang babae. Nahalata ni Davin ang malungkot na espresyon ng babae. Well, he's so sorry. Hindi niya talaga gusto ang mga ito. Ayaw na ayaw niyang inerereto siya sa iba. Gusto niyang siya mismo ang gumawa ng paraan.
Sumimsim siya ng alak. Hindi na siya kumain. Wala rin lang siyang gana dahil alam niyang magsasalita na naman ang kaniyang ina mamayang pag-uwi niya.
Nang matapos sila at makalabas ng restaurant, hinatid niya si Ms. Smith sa bahay nito.
Pagdating niya sa kanila, parang ayaw niyang pumasok sa kanilang bahay. Alam niyang hinihintay na siya ng ina para tanungin kung kumusta ang date niya. Napabuga siya ng hangin saka pumasok.
"Davin!"
"As I have said." Aniya saka napailing. "Hi, Mom." Bati niya sa ina.
"How's your date?" Tanong nito.
"It won't happen again, Mom." Aniya.
"What? What do you mean?" Nagtatakang tanong ng ina.
Ngumiti si Davin saka sinabing, "I don't like here."
"But why? Arlene is a good woman and she's so beautiful. She's also smart."
Davin sighed. "I don't like the why she dressed herself. I just want a simple woman." Aniya. Sa sinabi niyang 'yon, isang babae ang pumasok sa kaniyang isipan.
"Davin..."
"Mom, please. I'm tired. I want to rest. And don't push me to any blind date anymore. That was the last." Seryoso niyang saad at nagtungo siya sa kaniyang kwarto upang magpahinga.
Nang makapasok siya sa kaniyang kwarto, kaagad siyang nag-impake. He's going to the Philippines. He already resigned to his job as an FBI. He wanted to have peace. Ayaw niyang lagi siyang dinidiktahan ng ina tungkol sa pribado niyang buhay. Pupunta siya sa Pilipinas dahil baka sakaling makapag-isip naman siya doon ng maayos.
HUMINGA ng malalim si Davin nang makalabas siya sa airport ng Pilipinas. Kaagad niyang nakita si Felix na nakasandal sa kotse nito naghihintay sa kaniya. Naglakad siya palapit sa kaibigan.
"Long time no see." Sabi ni Felix.
Ngumiti si Davin. "Long time no see." They did a man hug. "How's married life?" Tanong niya rito.
"Happy."
Natawa ng mahina si Davin. "Obvious naman."
Napailing si Felix. "Now that you are here in the Philippines. You should learn how to speak tagalog fluently."
Nagkibit ng balikat si Davin. "Susubukan ko." He said with his accent.
Felix sighed and shook his head. "Let's go."
Pumasok silang dalawa sa kotse.
"Where are we going?" Tanong ni Davin.
"To Baguio. Nandoon ang pamilya ko. Doon ka na lang muna pansamantala." Sabi ni Felix.
"Thanks." Ani Davin saka ikinabit ang seatbelt.
Tumango si Felix at ikinabit rin ang seatbelt. "This is four hours drive."
"It's okay."
Pinaharurot ni Felix ang kotse. Habang humaharurot ang kotse, tinanong niya ang kaibigan. "Biglaan ang pagpunta mo rito. Anong meron?"
Tumingin si Davin sa kaibigan saka napabuntong hininga.
Napailing si Felix. "Sa buntong hininga mo parang alam ko na kung ano ang dahilan ng pagpunta mo rito. Ilan na naman ang pina-date niya sa 'yong babae?" Tanong niya.
Nagbilang si Davin sa daliri saka umiling. "Countless."
Hindi napigilan ni Felix ang matawa saka mapailing. "Sa pagpunta mo rito hindi ka kaya niya kukulitin na bumalik."
"I don't know. But knowing my mother, alam kong tatawag na 'yon kapag nalaman niyang wala ako sa bahay." Sabi ni Davin nang may maalala siya. "How's Lexi?"
Natigilan si Felix saka sumulyap kay Davin. "Lexi?"
Tumango si Davin. "Your wife's sister."
Tumaas ang sulok ng labi ni Felix. "Huwag mong sabihin na pumunta ka rito sa Pilipinas dahil kay Lexi." Sabi niya.
"I resigned from my work already."
"Ah?" Felix was shocked. "You love your job and you resigned."
Davin blew a loud breath. "Believe me or not. I just want to go here."
"For Lexi?"
"Part of my reason." Sagot ni Davin. "And I planned to stay here for good."
"Man..." Hindi alam ni Felix kung ano ang sasabihin sa kaibigan. "For good, really?"
Ngumiti lang si Davin.
Nagpatuloy ang biyahe nilang dalawa hanggang sa makarating sila sa Baguio.
"Davin, if it's about Lexi. She already has a boyfriend." Sabi ni Felix.
Tumaas ang sulok ng labi ni Davin. "It's okay. They will break soon." Aniya.
Habang si Felix naman ay nagtataka. Ano ba talagang nangyayari sa kaibigan niya? Hindi niya rin ito maintindihan kung minsan e. Napabuntong hininga na lang siya. Mahaba rin ang naging biyahe nila.
Nang makarating sila sa mansyon nila Felix. Napahawak si Davin sa sariling ulo.
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Felix.
"I'm fine. Just dizzy." Sagot ni Davin. Kinuha niya ang bag saka pumasok sila sa mansyon ng mga ito.
"Daddy!"
Napatingin si Davin sa dalawang batang tumatakbo patungo sa direksiyon nila. Nakita niya kaagad na magkamukha ang dalawa kaya alam niyang kambal ang mga ito.
Kusang napangiti si Davin. It's been many years. Malalaki na ang mga anak ng kaibigan niya.
Binuhat ni Felix ang dalawang anak saka iniharap kay Davin. "My kids. Finnley and Finnegan. Twins, this is your Uncle Davin. The person you talked to in the video call yesterday."
Finnegan extended his hand to Davin.
"He wanted to you." Sabi ni Felix kay Davin.
"Oh. Hi." Bati ni Davin kay Finnegan saka binuhat ito. "So heavy."
"Malamang. Mataba e." Sabi ni Felix saka natawa ng mahina. "Why not you rest first?"
Tumango si Davin. "The flight is tiring."
Dinala ni Felix si Davin sa guest room. Kinuha naman niya si Finnegan at dinala ang mga ito sa kusina. Nandoon kasi ang asawa niya.
"Where is he?" Tanong ni Relle.
"Resting. Let him rest." Sabi ni Felix.
Ngumiti si Relle saka kinuha si Finnley. "Mangangalay ang Daddy niyo sa inyo. Dalawa kayong nagpapabuhat e."
Ngumuso si Finnley. "I like Daddy."
"You don't like me?" Tanong ni Relle sa anak.
Kaagad naman na sumagot si Finnley. "I like Mommy too but I like Daddy more."
"I like Uncle Davin." Sabi ni Finnegan. "I want to play with him."
Ginulo ni Felix ang buhok ni Finnegan. "Play with him later. As for now, let him rest, okay?"
Tumango si Finnegan saka yumakap sa ama.
"Where's Lexi?" Tanong ni Felix.
"She went out with Lincoln."
Napabuntong hininga si Felix. "I don't really trust that guy." Umiling siya.
"Wala tayong magagawa. Gusto siya ni Lexi." Sabi ni Relle at ibinaba si Finnley. Ipinagpatuloy niya ang pagluluto.
"I feel guilty actually."
"Bakit naman?" Tanong ni Relle.
"I'm hiding their relationship from Dad." Felix blew a loud breath. "Lexi is now my responsibility. Parang kapatid ko na rin siya kaya..." Napailing siya.
"Lexi is now in the right age. Alam na niya ang tama at mali. Kinausap ko na rin siya at sabi niya alam naman niya ang ginagawa niya kaya hinayaan ko na lang." Sabi ni Relle.
"Lincoln is his first boyfriend. Huwag lang na sasaktan ng lalaking 'yon si Lexi dahil baka mapatay ko siya." Tumaas ang sulok ng labi ni Felix. "Hindi pala ako. Baka mapatay siya ng iba diyan."
Kumunot ang nuo ni Relle. "Anong sinabi mo?"
Umiling si Felix. "Nothing."