Introduction
Ako nga pala si Ayesha Ysabelle Billones, just call me Ysa for short. Tunog yayamanin ang name di ba? Kung iniisip nyo na nakatira ako sa isang mansion, nagkakamali po kayo! Isa po akong "Squammy" pinasosyal na tawag sa mga informal settlers na nakatira sa squatters area sa Tondo. I'm 20 years old., high school graduate, no boyfriend since birth, breadwinner, ulila at panganay sa tatlong magkakapatid. Ang aking mga kapatid ay mga 3rd year high school student, sila ay fraternal twins, sina King Niño at Queen Ynnah. Yayamin basahin ang name nila pero kung bibigkasin at pakikinggan nyo mabuti sounds like nagmumura! Hahaha... Ewan ko ba sa mga parents ko kung bakit yan ang ipinangalan nila sa kambal kong kapatid. Peace Nay Tay! Miss na miss na po namin kayo!
Wala po akong stable na trabaho pero walang araw na wala akong raket, isang babaeng walang pahinga.
My Raket Schedule:
Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ay isa akong Actor Personal Assistant o Dakilang Alalay ng Artista na si Sir Jewel Montero.
Tuwing Martes at Huwebes ay isa akong maid sa Mansion ni Sir John Lucio Brillantes.
At tuwing Sabado at Linggo naman ay isa akong tindera ng gulay sa maliit na pwesto sa palengke ng kababata kong si Juan Manalo
Araw ng Lunes, unang araw sa trabaho. Maaga ang call time namin ni Sir Jewel sa shooting kaya 4am pa lang ipinagluto ko na ng almusal ang mga kapatid ko.
Maagang nagising sina King at Queen dahil sa amoy ng paborito nilang almusal na tuyo, itlog at sinangang.
"Hmmmm... Ang bango-bango naman ng niluluto mo te!", puri ni Queen.
"Oo nga, mukhang paborito namin ang niluluto mo Ate ah! Kaya lab na lab ka namin ni kambal eh." puri ni King.
"Sus nambola pa ang kambal! Mukhang may kailangan kayo sa akin ah. Mahal na Mahal ko din kayo no! O sya! Maaga call time ko ngayon. Kayo na bahala magprepare ng sawsawan ng tuyo at magsandok ng almusal nyo ah. Sa tagaytay ang shooting ni Sir Jewel, mahaba-haba byahe namin kaya nagmamadali ako. Yung mga baon nyo nasa ibabaw ng ref. Sige na! Maliligo na ko.", sagot ko
"Hindi ka na naman ba mag almusal dito te?", tanong ni Queen.
"Hindi na, ok na sa akin ang kape. Dun na ko sa trabaho mag breakfast, may catering dun, para makatipid tayo. Hirap kumita ng pera no! Hahaha." sagot ko.
"Ang kuripot talaga ni Ate!", asar ni King
Tatlong minuto lang ako naligo sa sobrang pagmamadali. Pagkatapos maligo, isinuot ko ang paborito kong cotton loose white shirt, tattered skinny jeans at white rubber shoes. Itinali ko ang mahaba kong buhok at naglagay ng konting pulbos at manipis na lipstik at nagwisik ng cologne. Hmmmm... Amoy at mukhang Fresh! Kinakabahan dahil unang araw na makikilala ko sa personal ang artistang iaassist ko sa shooting. Kaya napabuntong hininga ako ng malalim.
Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na busina ng kotse, hudyat na nandyan na ang sundo ko. Pag silip ko sa bintana ay isang magarang itim na kotse ang natanaw ko kaya nagmamadali kong hinalikan ang kambal sa noo at nagpaalam sa kanila bago ako lumabas ng bahay.