TDEG~CHAPTER 4

1040 Words
"We need to fight and Win!" sigaw ni Uno "Ulol anong fight and win ka jan?" pang aasar naman ni Dos kay Uno. "Tss! epal ka nanaman!" Sagot naman ni Uno. Masanay na kayo sa dalawang yan. Parang mga bata. "Where's the other?" tanong ko ng mapansin kong apat lang kami dito. "I'm here!" sigaw ni Drei mula sa pinto. May kasama nanamang babae. Araw araw iba iba kasama niyan. Siya ang may-ari ng bar na lagi naming pinag tatambayan. Drei is Cassanova in the Gang. Wala na kami makakagawa sa kalandian niya Nag Passionate kiss muna sila ng ka fling niya bago tuluyang pumasok sa bar. Nag datingan narin naman ang iba. At pumunta sa kani-kanilang pwesto at kumuha ng wine. "Sa Death Garden Tommorow. 7pm" sabi ni Jared at uminom ng wine sa basong hawak niya. "Psh. Kaya na ba nila?" naka ngising sabi ni Steven. "Baka naman tayo pa ang maghatid saknila sa hospital?" Bryan "Lets see" Inubos ko muna ang wine na nasa baso ko bago lumabas ng bar. Nasabi naman na lahat ng dapat sabihin. Enough na yon. Tignan nalang natin bukas Red Tiger Gang. Pwe! *XYLEEN POV* "Alis na po ako Manang!" at dire-diretso akong lumabas ng bahay "Kumain ka muna hija!" sigaw ni manang ng habulin niya ako palabas ng bahay Pero hindi ko na siya nilingon. Late na ko eh. Tumakbo na ko palabas ng subdivision namin at sumakay ng jeep. Yeah nag co-commute lang ako kahit may kotse naman kami dahil mas bet ko talaga ang mag commute pag pumapasok ng school. "Good Morning Maam" sabi ko ng makarating ako ng room. Late parin ako kahit anong gawin kong habol sa oras. Napatigil naman sa pag discuss si Maam at tumingin sakin. At mabilis na nag iba ang direction ng mga mata niya. Napatingin naman ako mula sa likod ko. "Tss! tabi!" Kumunot ang noo ko ng bigla niya akong hinawi at mabilis na pumasok sa loob ng room. Sumusobra na talaga tong lalaki na to ah. "Pwe! ang baho!" sabi ko with matching paypay ng arm sa mukha ko. Like sa mga maarte Pero hindi naman sa nag iinarte ako ang baho lang talaga ng yosi. Napaka baho talaga. Yeah amoy yosi silang tatlo mga gangster talaga Napahinto naman si Ethan matapos kung sabihin na ang baho. Patay! ano nanaman tong ginawa ko? napalunok ako ng malalim na baka mapatay na ko nitong anak ng kalabaw na to.. Tss eh totoo naman kasi na mabaho noh! "Wag ka ngang maarte. Hindi mo ikagaganda yan" sabi niya at naglakad na papunta sa upuan niya. Para akong napako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Ano daw? ako? parang sinabi niya na panget ako ah? Pumasok na ko sa room dahil nga nasa pinto pa din ako at dumiretso ako sa kinauupuan ni Ethan. "Uy! ikaw! akala mo naman pogi ka? pangit pangit mo kaya!" nakapamaywang na sigaw ko sakanya. Nakakainis eh! ako pa pangit? sa ganda kong to? dyosa kaya ako. Tumingin naman siya ng masama sakin. Ung tingin na nakakatakot. Ung tingin na anytime sasaktan niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang hirap basahin ng mga tingin niya. at "Aray!" Sigaw ko ng bigla siyang tumayo and he get my wrist palabas ng room. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Ramdam ko ang sakit! nako po. Huhu papatayin niya na ba ako? "Uy! ayoko pang Mamatay!!! Sorry na" sigaw ko ng humigpit ang hawak ni Ethan sa wrist ko. "Hoy Ethan! joke lang naman yun eh" waah! saan niya ba ko dadalhin. "Mommy! mahal ko po kayo kahit wala kayong time sakin. Mamimiss ko po kayo ni Daddy! waah ayoko pang mamatay!" Bigla naman siyang huminto at binitiwan ang wrist ko at humarap saakin. "Pwede ba? ang ingay mo! ang sakit sa tenga nakakarindi!" "Hindi moko papatayin?" tanong ko ng may malapad na ngiti ^__^ "Hindi ako pumapatay ng babae! pero isa pang arte mo! ikaw ang kauna unahang babae na mapapatay ko" Napalunok naman ako ng malalim sa sinabi niya. Umupo naman siya sa ilalim ng puno at pumikit andito nga pala kami sa dulo ng field. Yeah dito sa dulo ng field... Kong saan wala masyadong studyante ang pumupunta. Hindi ko man lang namalayan na dito niya ko hinila hehe kala ko kasi papatayin na niya ko eh. Lumabas tuloy kadramahan na tinatago ko sa katawan ko. "Hoy nga pala anong ginagawa natin dito?" tss hindi niya naman pala ako papatayin o sasaktan eh. Bakit niya pa ko hinila dito. "Wala lang ang ingay mo kasi eh." sabi niya at pumikit nito. "Eh? anong connect non sa pag hila mo sakin?" tama naman ako diba? pwede niya naman ako patahimikin sa room eh. Bakit kaylangan pa niya ako hilahin dito. "Wala lang. tinatamad kasi ako pumasok" Ani nito. "Eh bakit mo pa ko dinamay? ikaw lang tinatamad hindi ako" sipag sipag ko eh. Nag hintay ako ng sasagot niya pero wala nga-nga Teka? don't tell me tutulugan niya ko dito? Pagkatapos niya akong hilahin ng ganon ganon lang? Ano naman gagawin ko dito? eh hindi naman ako inaantok. At isa pa. Ayoko mag cutting classes. "Hoy! aalis na ko ah." sabi ko tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita. "Dito ka lang! bantayan moko. matutulog ako" Cold na tugon nito. Aba sobra na talaga siya sa ginagawa niya ha. Ako pa talaga gagawin niyang taga bantay niya ha. "Ano ako? aso mo? taga bantay?" Naiinis na tugon ko dito. "Oo" maikling sagot nito na kinainis ko. "Tss! asa ka!" sabi ko at tumalikod na ko para mag lakad papalayo sa ungas na yun. Kapal ng mukha niya. Wala na naman na kong narinig pa mula sa kanya. Lakad lang ako ng lakad dahil nga hindi na ko pwede bumalik sa room dahil Cutting class na ko. Dahil sa anak ng kalabaw na Ethan na yun! Lakad lang ako ng lakad ng makarating ako sa roftop. Roftop is the best place for me. Ang sarap ng hangin. Pumunta ako sa harap ng roftop para matanaw ko ang buong school. ang ganda talaga dito sa taas at ang hangin. Ang sarap mag muni muni. Nasa kalagitnaan ako ng pag mumuni ko ng biglang may nagsalita. "Anong ginagawa mo dito?" "Ay anak ng kalabaw!" gulat na sabi ko ng may biglang nagsalita mula sa likod ko. Agad ko naman itong nilingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD