"Wala, kalimutan muna ang sinabi ko!" sabi niya sa binata. At agad siyang tumalikod rito. Nagmamadali niyang iniwan ang binata. Nakakahiya ang mga pinagsasabi niya rito. "s**t ka Cassandra, anong sinasabi mo?" naiinis niyang sabi sa kanyang sarili habang mabilis siyang naglalakad para makalayo sa lalaki. "Kainis, ano bang pumasok sa utak ko at nasabi ko ang bagay na ‘yun bakit kasi hindi ko mapigilan ang bibig ko?" sabi pa niya sa kanyang sarili at panay pitik ang ginagawa niya sa kanyang bibig. Hindi na siyang nagabala lumingon sa likod niya dahil nahihiya siya sa kanyang nasabi. “Bakit ko kasi nasabi magpabuhat baka kung ano isipin ng lalaking ‘yun sa akin!” Aniya sa isipan. Nang makarating siya sa parke, napangiti siya dahil ngayon na lang ulit siyang nakapunta sa lugar na ito ha