Napabuntong-hininga naman si Cassandra sa nalaman. Mabilis talaga kumalat ang balita, ngunit mali ang impormasyon ang nakarating. Pero hayaan na lamang niya, hindi na niya ito itatama pa kung anong pinagkakalat na balita ng kaniyang tiyahin. ‘Yun na lang ang pinaniniwalaan niya para sa mga kapitbahay. Tamad na siyang magpaliwanag pa sa mga taong makikitid ang isipan. Ngumiti muna siya bago sagutin ang mga tanong sa kaniya. "Oo, tama ang nalaman ninyo balita,” sagot niya sa mga ito. Napatingin ang tatlo sa kanya, tila hindi makapaniwala sa sinabi niya at nalaman ng mga ito. "Seryoso ka ba, Ate Cassandra?" tanong ni Vee, na may halong pag-aalala sa boses. Tumango si Cassandra. "Oo, totoo ang nalaman ninyong balita at tama magpapaalipin ako sa ibang bansa. Pero hindi sa saudi kundi s