Chapter 31

1119 Words

Habang kumakain silang dalawa ni Joshua sa reception, may lumapit sa kanilang mesa na tatlong babae. Natandaan ni Cassandra ang isa rito dahil ito ang bukod tanging masama ang tingin sa kaniya at ito ang pinsan ni Louie. Sa tingin niya, may gusto ito kay Joshua, kitang-kita naman sa malalagkit na titig nito na tila ba hinihubaran na nito si Joshua. "Hi, Joshua!" anas nito kaya napatingin si Joshua sa babae. "Yes!" sagot naman ni Joshua habang mataman lang itong nakatingin sa pinsan ni Louie. "Ah, okay lang ba na makishare kami ng table wala na kasi mapwestuhan!" sabi nito habang hindi inaalis ang malagkit na titig nito kay Joshua. Bahagya naman gumawi ng tingin ang binata sa kaniya na tila humihingi ito ng pahintulot. "Okay lang ba, San?" tanong nito habang nakatitig ang maasul nitong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD