01

1298 Words
“Okay, good shot Natalie!” Anang wika ng kaniyang photographer ng hapon na ‘yun para sa magiging front cover ng Flip Magazine. Bakas sa mukha ng photographer ang ngiti dahil maaga na naman matatapos ang photoshoot nila hindi tulad ng kanilang inaasahan. Napaka-professional naman kasi talaga ni Natalie pag dating sa trabaho nito bilang isang modelo kaya nagagawa nitong madali ang trabaho ng mga nakakatrabaho nito sa industriya. Halos tatlong taon na siya sa kaniyang trabaho at talaga naman na nagiging matunog ang kaniyang pangalan sa pagiging isang modelo sa bawat buwan o taon na lumilipas. Halos lahat ng kompanya ay gusto siyang gawing endorser at kaliwa’t-kanan din ang mga nakukuha niyang project. Gustong-gusto siya na nakakatrabaho ng mga baguhan man o kahit hindi baguhan na mga photographer sapagkat dinadala niya rin sa kasikatan ang pangalan ng mga ito. “Thanks Direk Jojo,” wika niya nang tuluyan na ngang matapos ang huling set ng picture na kinunan ng mga ito. Masaya ang lahat ng staff sa lugar nang photoshoot dahil katulad nang nabanggit ay mukhang maaga na naman silang magpa-pack up. “No Natalie, I must be the one to thank you for accepting me to be your photographer.” Saad sa kaniya ng hindi naman katandaan na lalaki na walang iba kung hindi ang tinatawag nitong Direk Jojo nang lumapit ito sa tabi niya. He was wearing a simple white t-shirt that hugged his large tummy and a pair of jeans with a simple black rubber shoes. He’s also wearing a reading glass that compliments her ash gray hair color because of being old man. Ngumiti naman si Natalie sa sinabi ng kaniyang direktor, gustong-gusto niya kasi talaga ang pakiramdam na may naa-accomplished siya na mga bagay-bagay. Sobrang workaholic din kasi niya at organized na tao. She laughed a bit, “ Don't say that Direk... baka naman lumaki ang ulo ko niyan sa pinapakita mong special treatment sa akin,” pabiro na saad niya at pinalo niya pa nang mahina ang braso ng matandang lalaki. Well, alam naman talaga ni Natalie at aware talaga siya na isa siya sa paboritong modelo ng karamihan sa mga photographer na nakakatrabaho niya. Hindi lang kasi talaga siya 'yung tipo na mahilig mag-drag down ng mga achievements niya sa mga taong nakakasalumuha niya, para saan pa at gagawin niya ‘yun kung lahat naman ng mga taong makakasalubong niya ay kilala siya. Hindi lang kasi siya sikat na modelo kung hindi may mga sikat din siyang mga kaibigan na nakapaligid sa kaniya. “Hey Natalie.” Pagtawag ng isang pamilyar na boses na lalaki sa pangalan niya at nang lingunin niya kung sino ba ‘yun ay doon na siya napangiti nang kusa. And here comes the devil, ang isa sa sikat niyang kaibigan na walang iba kung hindi si Optimus Halterson... ang kaibigan niyang lalaki na nagmamay-ari nang isa sa pinakasikat na bar sa Pilipinas, ang Optimus Bar. “Please excuse me Direk,” magalang na paalam niya sa matandang lalaki upang malapitan niya na ang kaibigan na nasa may entrace door ng set na mukhang halos kararating lang din ng mga sandaling ‘yun. Tumango naman bilang pagsang-ayon ang photographer kaya naman tuluyan na siyang naglakad upang malapitan ang binata. “You’re done?” Tanong agad sa kaniya ni Tim nang ilang hakbang na lang ang layo niya mula dito kung saan sunod-sunod naman ang ginawa niyang pag-tango bilang pagsang-ayon saka siya nagsalita. “Yeah. Actually katatapos lang namin.” Abala na siya sa pag tanggal nang mabigat at mahaba niyang hikaw ng sandali na ‘yun. “Inaayos na siguro ni Joj ‘yung mga gamit ko, ite-text ko na lang siya na idiretso niya na ‘yun sa condo ko so we can go now,” dagdag niya pa. Meron kasi silang usapan ng kaniyang mga kaibigan na magkikita-kita sila ng gabing ‘yun sa bar ni Tim upang magkaroon man lang sila ng bonding na tatlo. Halos ilang linggo na rin simula nu'ng huling bonding nila, sakto naman at biyernes na nang gabi saka idagdag pa na wala siyang gagawin sa mga susunod na araw dahil talagang pina-reserve niya ang mga dates na ‘yun upang makapunta siya sa kasal ng dalawa pa nilang kaibigan na si Carlos at Fiona na hindi naman niya ma-hindian. “Okay sige. Pero hindi ka ba muna magpapalit?” Napansin niya ang pagbato nang tingin ni Tim sa suot niyang damit kaya hindi niya maiwasan na mapatawa nang mahina dahil doon. Si Tim kasi para sa kaniya ang pinaka-conservative sa lahat ng mga kaibigan niya... silang dalawa ang close pero kung ugali ang pagbabasehan ay mas ka-ugali niya ang isa niya pang kaibigan na si Scot. Siya kasi at si Scot ay parehong wild, mahilig uminom ng alak, mag-party, at makipag-hang outs kung kani-kanino kaya naman silang dalawa ang malapit sa gulo. Habang si Tim at Pierce naman ang pinaka matino sa grupo nilang apat. Kalalaking tao pero kung kumilos ay daig pa ang mga babaeng mahinhin na hindi makabasag pinggan... alam niyo naman siguro ang ibig sabihin no’n, in other word, takot gumawa ng mali at takot sumubok ng bawal. Ang hindi ba nila alam ay masarap ang bawal? Binatuhan niya din nang tingin ang suot niyang damit. Naka-over all plain white and off shoulder cocktail dress siya na hanggang kalahati ng hita niya ang haba habang sa mismong off shoulder no’n ay may mga balahibo rin na kulay puti. White naman kasi ang theme ng photoshoot niya saka pag-aari naman niya ang damit na ‘yun kaya walang dahilan para magpalit pa siya 'di ba? “Kill joy! Tara na, okay? Inom na inom na ako ng alak eh, 'wag ka nang umarte pa,” sagot niya at hindi niya na hinintay pa ang isasagot sa kaniya ni Tim dahil siya na mismo ang humigit ng braso nito para makaalis na sila sa mismong set. “Ako na ang magdadala ng bag mo.” Inagaw na nga sa kaniya ni Tim ang dala niyang limited edition na sling bag at dahil doon kaya hindi na naman niya maiwasan na mapangiti. Sa mga sweet gestures ni Tim sa kanya ay marami tuloy ang nag-aakala na may relasyon silang dalawa ngunit gaya nga nang nabanggit, talagang close lang sila. Kahit nga walang tulak kabigin kung sa kagwapuhan lang naman ang pag-uusapan sa kaniyang tatlong kaibigan na lalaki na si Tim, Pierce at Scot ay never siyang na-involved sa mga ito romantically. Let just say na hindi niya type ang mga ito, mataas din kasi ang standard niya at kapag kaibigan… kaibigan lang talaga. Pagkarating nila sa parking area ay pinagbuksan pa siya ng pinto ng sasakyan ni Tim sa may shot gun seat that's why she said thank you before she hop in. “Pupunta ba si Cordova at Flynn?” tanong niya habang tinatakid niya na ang seatbelt niya habang si Tim naman ay nagsisimula nang paandarin ang engine ng kotse. “Yap. Si Scot pa ba, alam mo naman na pagdating sa lalaking ‘yun ay hindi ‘yun basta-basta magpapahuli.” Tim answered before turning the steering wheel. “Si Pierce naman, for sure pupunta ‘yun... remember what I told you last time? About sa babaeng hinahanap niya sa bar ko?” Sunod-sunod ang ginawang pag-nod ni Natalie bilang pagsang-ayon dahil naalala niya na nabanggit nga ‘yun sa kaniya ni Tim noong nakaraang araw. “Umaasa pa rin siya na makikita niya ulit ‘yung babae, gabi-gabi na nga ‘yun sa bar ko eh.” he chuckled. “Nice! May ipang-aasar ako sa ating Great Cordova," she laughed hysterically. Naiisip niya pa lang ang pagsimangot ni Pierce sa kaniya mamaya kapag nagsimula na siyang asarin ito ay natatawa na siya agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD