PREGNANT BESTFRIEND

3198 Words
Kakabukas ko lang ng pinto rito sa condo ko ng sumalubong sa akin ang pinakamatalik kong kaibigan.Nagtataka ako kung bakit ang g**o ng buhok niya at umiiyak siya kaya mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at hinagod ang kaniyang likod para mapatigil umiyak. "Hey bes! W-what happened? Why are you c-crying? Who did this to y-you?!" Tanong ko ng puno ng pag alala dahil nasa isip ko ay may nanggahasa sa kaniya. Kinakabahan din ako at baka tumama ang kutob kong narape nga siya.  Bumitaw siya sa pagyayakapan namin at hinarap ako habang nanginginig dahil sa pag iyak. "B-bes sorry," sabi niya habang nanginginig pa rin. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari at mas lalo lang akong naguluhan kaya nagtanong ulit ako sa kaniya para baka sakaling malinawan na. "Hey stop crying. What really h-happened? Tell me, please," I pleaded with a sweet tone of voice. "I'm p-pregnant!" Pag amin niya at niyakap ulit ako ng mahigpit.  Nakaupo kaming dalawa ngayon sa sofa ng aking condo habang nagyayakapan at panay hagulgol pa rin siya kaya nanatiling hinahagod ko ang kaniyang likod at saka nagsalita. "Hushhh...stop crying already and don't say sorry, it's a good news! You're now pregnant at the age of 23 while me I'm 24 and still not pregnant HAHAHAH. Naunahan mo pa ako bes!" Pagbibiro ko sa kaniya para mapagaan ang kaniyang loob.  Humiwalay ulit siya sa pagyayakapan namin at tumingin sa aking mata kasabay ng paghawak niya sa aking mga kamay. Napansin kong medyo nag aalinlangan siya bago nagsalita ulit. "I'm so lucky to have a best friend like you. I'm really r-really sorry and thank you for making me feel better right now," sabi nito. Napangiti naman ako dahil naramdaman ko ang sensiridad niya at dahil sa tuwang nararamdaman dahil effective yung biro ko para mapagaan ang kaniyang karamdaman. "Walang anu man yun, bes. You're my best friend, right? And I won't ever ever judge you. By the way, are you hungry? You want somehing to eat?" Tanong ko rito at nagsimulang tumayo kasabay ng pagtungo sa kusina bago pa siya makasagot.  Magkadikit lang kasi ang sala at kusina rito sa condo ko kaya mabilis ko lang narating ang kusina. "Well, you already went there so hindi na ako makakatanggi, right? HAHAHA. Prepare me something sweet na lang because you know...I love it!" Ramdam kong pilit na masigla nitong sabi. Ngumiti na lang ako at kumuha ng platito, tinidor, at maliit na kutsilyo. Binuksan ko ang ref at kinuha roon ang cake na saktong kakabili ko lang din kahapon. Nang tumingin ako sa hapag kainan ay nakita ko siya roon na nakatulala at kita ko talaga sa kaniyang mga mata ang matinding lungkot kaya mabilis kong dinala roon ang mga gamit at cake. Nilagyan ko na ng cake yung kaniyang platito at pinakain sa kaniya at nagsuklian kami ng ngiti.Tumabi ako sa kaniya ng magsimula na siyang sumubo. "By the way, hindi ko pa alam, uhmmm...sinong ama ng dinadala mo, bes?" Tanong ko rito.  Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa tanong ko pero nagtaka ulit ako ng kaunti nang napansin kong bahagya siyang natigilan pagkatapos kong tanungin yun. Dahan dahan niyang binaba ang tinidor at saka tumingin sa akin at kinagat ang pang babang labi. "B-bes sorry but--" Hindi niya na natuloy ang kaniyang sasabihin ng parehas kaming nakarinig sa pagbukas ng pinto at sa paglingon ko ay nakita ko ang aking kasintahan na si Hiruz. Ngumiti ako sa kaniya at nilapitan siya kasabay paghalik sa kaniyang labi na siyang ginantihan niya. "Ahhh babe anong meron at napadalaw ka? Btw, sit here since Celeste's here also, eating, as you can see." I chuckled at pinaupo siya sa isa sa upuan dito sa hapag kainan. Ngumiti naman siya sa akin at kay Celeste na kaibigan ko. "Thank you babe, I just went here b-because I missed you. Oh Celeste hi. W-what happened to you?" Sabi niya at nagtanong sa huli dahil siguro napansin niya ang magulo nitong buhok na sobrang halata pati na rin ang mapula niyang mukha na alam naming galing siya sa pag iyak kapag nagkaganun. Ngumiti muna si Celeste bago sumagot sa kasintahan ko. "B-buntis ako, Hiruz." Kinabahan ako sa pagsabi niya nun kay Hiruz at hindi ko talaga alam kung bakit. Siguro...sa stress lang 'to. Tiningnan ko si Hiruz at parang pansin kong nagulat siya ng malaman yun. "HAHAHA nagulat ka babe? Well same here. I didn't expect na mauunahan pa ako ng kaibigan ko. Hmp Hiruz galaw galaw naman," pabiro kong reklamo na parang bata. Tumingin naman silang dalawa sa akin at nakitawa rin. "Pft ikaw talaga babe, bawal pa ngayon dahil syempre ihaharap muna kita sa altar before we do that. And by the way Celeste, congrats!" "Thank you." Sabi niya at sumubo ulit ng cake. "S-sino pala ang ama?" "Who's the father?" Nagkatiningan pa kami ni Hiruz ng magkasabay kami sa pagtanong. Napatawa kami pareho knowing na parehas kaming interesadong malaman kung sino nga ba ang ama ng dinadala ni Celeste. "Matinong lalake ba 'yan ha? Bakit ba hindi ka nagkukwento sa akin kung sino yung boyfriend mo, hindi ko man lang tuloy nakilatis yun!" Pagreklamo ko ulit na parang bata. "Eh kasi bes I d-don't know if h-he will take responsibility since I know that he has already a g-girlfriend," pag amin nito na siyang naging dahilan para magkatinginan kami ni Hiruz. "What?! You agreed to be a mistress?!" Gulat na gulat kong tanong. Nakita kong nagsimulang tumulo ulit ang kaiyang mga luha kaya mabilis ko siyang niyakap at tinakpan ang aking bibig gamit ang isang kamay dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.  "Y-yes. Because I love him!" "Celeste sigurado ka bang nabuntis ka niya?" Lumingon ako kay Hiruz nung tanungin niya si Celeste. Humiwalay rin ako sa pagyakap sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang mga kamay at tinitigan siyang mabuti sa mata. "Celeste, who is he?" Puno ng kuryosidad na tanong ko. Umiling siya sa akin at napasabunot sa sarili. Medyo nanghihinayang din ako dahil napastress ko ata siya at bawal sa buntis yun. "I c-can't tell..." Huminga muna ako ng malalim at saka nagsalita. "It's okay, I'm sorry. You know what I think you should go home already, uhm do you want me to take you ho--" "Let me do it. I'll drive her home since I'm leaving too." Pareho kaming dalawa ni Celeste tumingin sa kaniya at pumayag naman ako roon dahil nadadaanan naman ni Hiruz yung bahay nina Celeste. "Hmm okay, take care guys okay? Babe, I love you." Sabi ko at nilapitan si Hiruz at agad akong hinalikan sa labi.  Ngumiti naman ako pagkatapos. "I love you too." "CELESTE'S POV" Nandito kaming dalawa ng minamahal ko sa loob ng kotse niya. Mabigat pa rin yung loob na dala dala ko. Sobrang tahimik namin ng ilang segundo dahil nakasteady pa lang yung sasakyan niya rito sa parking lot. Ilang sandali ay binasag niya ang katahimikan. "Am I-I the father?" Tanong nito na halata sa kaniya ang kaba. Mapait ko siyang nilingon at hinampas ng sling bag sa mukha. Nagulat naman siya nun pero hindi na pumalag. Alam niya ang kasalanan niya. "Ang kapal ng mukha mong tanungin ako?! Why? Who do you think is the father? Eh you're the only one I'm always having s*x with!" Bulyaw ko rito habang tumutulo ang luha. F*ck. I can't stop crying! I betrayed my best friend...because of the reason that the father of I'm carrying in my womb is none other than, his boyfriend. Yes it's Hiruz. Siya ang ama ng dinadala ko. "But it can't be! I love Kira. I love your best friend!" Sigaw niya rin sa akin. Tila parang sinaksak ang puso ko ng mga sandaling yun. Matagal ko ng mahal si Hiruz, pero mahal niya ang best friend ko. Pumayag akong kunin niya ang pagkabirhen ko sa pagaakalang mamahalin niya ako, pero...bakit ngayon sinasabi niyang mahal niya si Kira? Ang sakit sakit! "Hindi mo ba ako k-kayang mahalin, Hiruz?" "Hindi. Hinding hindi. Ginawa lang kitang parausan. Hindi kita mahal," diretsahang pagsabi nito sa akin.  Hindi na ako nakapagtimpi pa at sinampal ko siya ng malakas.  "Hayop ka ang sama mo! Ano hahayaan mo na lang ba kami ng anak mo Hiruz?! Aren't you going to take the responsibility?" Puno ng sakit na tanong ko.  Umiling siya sa akin at saka nagsalita. "Abort that child." Parang gumuho yung mundo ko ng marinig yun galing sa bibig niya. "Are you going insane? H-Hiruz! Anak mo rin ito! Hinding hindi ko papatayin itong anak mo dahil a-anak ko siya. Anak natin Hiruz. Ano ba?! Magtino ka naman oh. P-panagutan mo naman ako." "Celestine look. Uhm l-listen, okay? Hindi ko kayang panagutan 'y-yang bata--" "You sure? Then fine! I won't beg anymore. Ako na magpapalaki ng anak ko mag isa. But before that, I will let Kira know about what we've done." "HIRUZ'S POV" "You sure? Then fine! I won't beg anymore. Ako na magpapalaki ng anak ko mag isa. But before that, I will let Kira know about what we've done." Sabi nito at mabilis na bumaba ng kotse. F*ck!  Sobra akong kinabahan at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa dahil mabilis din akong bumaba at sinundan siya. Nasa 10th floor ang condo ni Kira kaya malayo pa kami roon. Binilisan ko ang paglakad at ng maabutan ay hinila ko kaagad siya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang pulsuhan para hindi makatakas. "Let me go!" Sigaw niya habang pilit na inaalis ang pagkakahawak sa kaniya. "Celeste don't tell her! I will t-take the responsibility. J-just please don't tell her." Sa pagkasabi ko nun ay natigilan siya at nangunot pa ang kaniyang noo na nakatingin sa akin. Unti unting may namuong ngiti sa kaniyang labi at nakahinga na ako ng maluwag. "Okay Hiruz. Madali akong kausap. Don't worry anything I won't tell her but in one another condition," nakangiti nitong sabi na para bang nakikipaglaro. Nangunot din ang aking mga noo. Condition? Anong kondisyon ang nasa isip niya?  Kahit hindi sigurado at kinakabahan ng todo ay tumango pa rin ako.  "Let me be your bride." "What?!" Gulat na pasigaw kong tanong dahil sa pagkabigla. "You heard me. Marry me Hiruz. Let me become your bride." "You're crazy!!" I exclaimed. Hindi ako makapaniwala sa kondisyon niya! "Yes I am crazily in love with you! And why won't you agree, huh? It's only for our future family."  "I can take responsibility without marrying you, Celeste. And just think what will happen to your best friend if we're going to marry each other, she will be hurt a lot." Tumawa naman siya ng mapakla at kita ko kung paano niya ako tingnan, nakakalokong tingin. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway. "Masasaktan mo na nga siya e sa oras na malaman niya ang totoo. Ganito na lang, tell her that you don't really love her and I'm the one who you truly love. And with that, I'll shut up my mouth and she won't know about what you did to her. I mean, what we did betraying her." Ilang segundo akong napatulala at hanggang sa nakapagdesisyon na ako. "Fine." I agreed. "KIRA'S POV" Palabas ako ngayon sa hospital na pinagtratrabahuan ko. Isa na akong doktor sa awa ng Diyos at naging sobrang thankful naman ako roon. Pumunta na ako sa parking lot at papasok na sana sa kotse ko ng mamataan ang isang pamilyar na kotse sa unahan na kung saan may mall dun. Ngumiti naman ako ng lumabas si Hiruz sa kotse niya at tinawag ko siya pero hindi niya ako narinig. Nakaramdam ako ng kilig dahil susunduin niya pala ako ng hindi ko nalalaman. Bigla ko ring naalala na sinabi ko pala sa kaniya kanina na free day ko pagkahapon at maaga akong makakauwi.  Patakbo akong pumunta sa direksiyon niya at hanggang sa tuluyan na akong makarating. "Babeee!" Tawag ko sa kaniya.  Kita kong nagulat siya sa bigla kong pagsulpot. Tumawa pa ako at inasar siya. "You didn't tell me that you'll pick me up babe. Miss me? Yieee!" "Ahhh yea I miss you and b-balak ko talagang sund--" "Huriz tapos na akong mamili tulungan mo nga ako!" Pareho kaming lumingon sa likod ko ng marinig ang boses ni Celeste. Busy siya sa kakacheck sa mga dala niya kaya hindi niya pa ako napapansin. Nang tuluyan na niyang maiangat ang mga paningin niya ay kita kong napatigil siya at nagulat ng makita ako. Nagtaka ako dahil parang may kakaibang nangyayari na hindi ko alam? "Celeste..." tawag ko. "B-bes nandito ka pala. Este k-kayo, nandito kayo?" Nangunot ang mga noo ko sa inasta niya. Nakakapagtaka dahil hindi ba't alam niyang nandito si Huriz dahil tinawag niya pa ito? "Ahh oo we're here. I'm going to drive my girlfriend home that's why. Uhm tulungan na kita?" "Huwag na kaya ko na 'to Huriz, salamat." Nakatulala lang akong nakatingin sa kanila dahil may kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi, hindi 'to maaari. Nagpasya na lang akong huwag ng mag isip pa ng kung anu ano dahil baka sa stress ko lang ito sa trabaho. "Bes pauwi ka na? Sabay ka na sa amin we will drive you home," aya ko. "Sige bes, salamat." Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lang kaming tatlo. Magkatabi kami ni Hiruz sa uanahan at habang si Celeste naman ay nakaupo sa likod. Tiningnan ko siya sa salamin at nagtama ang paningin namin pero agad niya namang iniwas ang tingin sa akin ni Celeste. "Bes what did you buy?" Normal na tanong ko sa kaniya. "A-ahhh mga gamit lang sa baby ko kasi alam mo na a-advance ako, H-HAHAHA," sagot niya at para bang naiilang pa. O guni-guni ko lang? Tinanguan ko na lang siya at ningitian. After 30 mins ay naihatid na namin siya sa kanilang bahay at habang kami ni Hiruz ay magsasama ngayong gabi. "CELESTE'S POV" Nandito ako ngayon sa sala ng bahay namin. Ako lang mag isang nakatira rito dahil yung parents ko ay nagtratrabaho sa ibang bansa. Simula bata pa lang ako ay magkawalay na kami kaya ngayong malaki na ako ay nasanay na na wala sila. Kumakain pala ako ngayon ng salad habang nakatutok sa selpon dahil hinihintay kong magreply ang ama ng dinadala ko. Medyo naiinis ako dahil nagsama sila ni Kira kagabi sa condo niya at ngayong umaga ay napakatagal niyang magreply sa akin. Hayyy, minsan napapaisip ko, kung wala ba sana ang matalik na kaibigan ko posibleng ako ang mahalin ni Hiruz ko? Tumayo na muna ako at balak na sanang maligo ng narinig kong may nagdoorbell kaya mabilis akong tumungo sa pintuan. "Hiruz, mabuti naman at naisipan mong puntahan ako para alagaan itong tiyan--" Naputol ang aking sasabihin nang bumungad sa akin si Kira sa pagbukas ko ng pinto. Ang kaniyang masayang mukha ay napalitan ng pagtataka at gulat. Bigla akong napatapik sa bibig ko dahil dun. "K-kira--" Hindi ulit natuloy ang aking sasabihin nang bigla niya akong sinampal ng malakas na halos matanggal na ang ulo ko sa aking leeg. "Hayop ka! Hayop kayo! Boyfriend ko pala ang ama ng dinadala mo, huh?!" Sigaw niya sa akin na ramdam na ramdam kong sobra siyang nagagalit ngayon. "Kira I'm sorry--" Bigla niya ulit akong sinampal. "Sorry?! How dare you to say sorry?! You betrayed me! You're a w-w***e!" Sigaw niya sa akin kasabay pagtulo ng kaniyang luha. "I'm not a w***e! I just l-love your boyfriend," pag amin ko sa kaniya.  Kita kong nagulat siya at umiling iling pa sa akin. "Ahh mahal mo? Kaya mo piniling maging kabit? Magpabuntis? Para ano? Para masira kami?!" Hindi makapaniwalang tanongi nito. "Oo! Parang ganun na nga!" Lakas loob kong sabi sa kaniya ngunit nakatanggap na naman ako ng isang sampal mula sa kaniya. "Ang kapal ng mukha mo! I treated you as my sister, and this is what you've done?! Eto yung sinukli mo sa lahat ng mga nagawa ko sa 'yo? Sa kabaitan ko? I can't believe you! Plastic ka!" Sigaw niya habang dinuro duro pa ako. "Hindi ka lang pala plastik, ahas ka rin! Inahas mo ang boyfriend ko!" Dagdag niyang sigaw. Hindi na ako makapagtimpi at pumasok sa isip kong gusto ko na siyang mawala. Kaya mabilis ko siyang sinugod. "I hate you! Sana mawala ka na para mapasa akin na ang boyfriend mo!" Sabi ko rito habang sinasabunutan siya. Ginantihan niya naman ako at sinipa kaya nadapa ako at nakawala siya. "You're so desperate! Do you think Hiruz will love you, huh?!" Tanong niya na nagpatigil sa akin. "Oh? Napatigil ka? Why? Natauhan ka na bang never kang mamahalin ng boyfriend ko dahil AKO, ako lang ang mamahalin niya. At alam mo bang kagabi, may nangyari na sa amin kaya kahit buntis ka hindi ka niya mapapakasalan dahil ako lang ang papakasalan niya, because he LOVES me." "I-I'm his first," matigas kong sabi. Tumawa naman siya sa akin. "And you're proud of that?" "Kira! Celeste!" Parehas kaming lumingon sa boses na pinanggalingan na yun. It's tito Kael, ama ni Celeste. "Dad!" Sigaw ni Celeste at patakbong nilapit ang kaniyang ama kasabay yakap ng mahigpit.  Kita kong nagtatakang nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa si tito. Lumapit silang dalawa sa akin. "Iha, Kira, what's happening to the both of you?!" Sigaw na tanong nito. Gusto ko sanang magsalita pero naunahan na ako ni Celeste. "I'm pregnant dad! And Hiruz is the father!"  "WHAT?! Iha Kira, is Hiruz your boyfriend?" "Y-yes tito...boyfriend ko po si--" "Sorry Iha but Hiruz must marry my daughter. Celeste, get inside the house now." Bigla akong nanlambot at napaluhod na lang ng tuluyan na nila akong nilagpasan. Bakit nangyayari ito? Am I ready to lose my man? ONE MONTH LATER... Ngayon papasok na ako sa harap ng simbahan. Tinitingnan ko ang mga taong ngumingiti sa akin kaya sinuklian ko naman yun. Umupo lang ako rito sa dulo habang pinagmamasdan ang dalawang pinakamamahal ko na siya ring dumurog sa akin.  "Celeste Aestelio, do you take--" "I do, father." "Hiruz Paragas, do you take Celeste Aestelio to be your wife?" "Yes I do, father." Pinahid ko na lang ang mga luhang nagsisituluan sa aking mga mata. Sapat na ang mga narinig at nakita ko. Tahimik na lumabas na ako ng simbahan habang hinihimas ang aking tiyan. "Aalagaan kita ng mabuti anak, kahit mag isa na lang ako." Bulong ko rito at tuluyan ng umalis. 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD