Katatapos lang ng huling meeting sa SC Office bago ang summer break. Tahimik at malungkot itong nakatulala sa labas ng bintana na nakatingin sa kawalan. “A-akane, may ipapaprima sana ako sa `yo.” Kinuha ni Akane ang papel na hawak ni Jiro -- secretary ng Student Council. “O-okay ka lang ba?” Ilang beses na sinulyapan ni Jiro ang dalaga sa kabuoan ng meeting nila. Alam niyang may problema ito dahil wala ang masaying Akane na kilala niya. “Wala.” Ibinalik niya ang papel na kanyang napirmahan na saka bumalik sa pagtingin sa labas. Pilit binubuo ni Jiro ang lakas ng loob para tanungin si Akane sa kung ano ang gagawin niya sa summer vacation. Balak niyang imbitahan ito sa kanilang summer outing kasama ang ilang kaibigan. Akmang magsasalita na sana si Jiro nang dumating si Emi. "Bes?"