Abala ang mga estudyante sa pagpili ng outfit nila para sa nalalapit na summer vacation. Halos lahat pinag-uusapan kung saan sila magbabakasyon. Nananatiling tahimik si Akane sa upuan nito na malapit sa bintana. Dalawang araw ng hindi kinikibo ni Akane ang binata. Gustuhin man niyang lapitan at kausapin ay tumitiklop ito sa tuwing maalala ang halik. "Calling Vice President Akane Sato. Please proceed to the teachers lobby." Tumunog ang speaker na nakakabit sa dingding malapit sa black board. Hindi ito narinig ni Akane kahit pa inulit na ito nang dalawa beses. "Akane." Kinalabit siya ni Daisuke, liningon lang ito nang sandali ng saka ito bumalik sa pagtingin sa labas ng bintana. "Hindi mo ba narinig? Punta ka daw sa teachers lobby." Patuloy ni Daisuke. Huminga nang malalim si Akane bago i