Episode 13 - Fall

841 Words

Agad na natanggal ng sapatos si Akane nang makarating ito sa bahay nila. Kasama niya si Daisuke na pinangakuan niyang tutulungan sa mga projects na kailangan niyang matapos. "Mukhang wala pa si Mama. Dito ka na muna." Nilapag ni Akane ang bag sa mesa sa may dining area, nilapag din Daisuke ang laptop dahil doon nila gagawin ang slides para sa visual presentation project niya. Sakto namang day off nila sa trabaho kaya naman pinilit na ni Akane si Daisuke na tapusin lahat ng gagawin kahit pa nakikipag inuman ito nang puntahan matapos ang SC works niya. Umakyat si Akane para makapag palit ng pangbahay. Hinanda ni Daisuke ang laptop saka kinuha ang notebook na kakailanganin ni Akane para sa mga guidelines. "Amin na. Para matapos na tayo." Hinablot ni Akane ang notebook sa kamay ni Daisuke.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD