Ronoel - 1
Ronoel Santos.... 'yan ang pangalan ko at 19 years old, turning 20 na ako this coming week. 2nd year college at in 3weeks bakasyon na namin at sa wakas.... 4th year college narin ako next school year.
I am studying at University of New, Era sa may QC. Sa totoo lang taga Cavite talaga ako, nakiki share lang ako ng dorm sa isa kong friend para mejo maka tipid din sa bayarin.
Nakumbinsi ako dito mag-aral dahil may mga kaybigan kase akong nasa INC at dito sila nag aaral kaya nag transfer din ako dito no'ng matapos ko ang 1st year ko sa ibang school
Well, hindi rin ako nagka mali na mag transfer sa school na'to, bukod sa friendly at humble ang mga teacher's and students...... May mga so called "Penguins" pa dito tuwing umaga na naka suot ng long sleeves na puti, black pants at black leather shoes.
Ang gwapo nila, kahit na alam lo ang totoong nakikita ko, pero sa ayos nilang "Neat and Clean" lalo na ang buhok nilang mala army ang gupit, lalo akong ginaganahan mag-aral.
Sorry mga frenny, inatake lang ng kalandian ang kumare niyong kiriray hahahah!
Pano ba naman, makaka sabay mo sila sa paglalakad papunta sa school.
Oh! my wrong, mauuna pala ako sa kanila pumunta sa school, kase may iba pa silang dinadaanan bago tuluyang dumirecho sa school nila.
I heard to other students dito na nag-aaral sila sa pagka M'Wa? I don't know what's that mean, that's why my curiosity strikes me at nag search nga ako all around the university hahahhahah.
They need to study first at the "School for the Ministry" para maging isang ganap taga pangaral sa Iglesia.
But i'm sorry to say, hindi ako kaanib sa INC, but i admire them so much, dahil marami silang natutulungang tao kahit saang sulok ng mundo at iba ang ambiance kapag sila ang kasama.
Back to my own story. Chareng! hahahah
Meron akong high school crush, walang iba kundi si Allan Cambay.
Hindi ko alam kung pa'no ako nagka gusto sa bully guy na tulad niya? Halos araw-araw niya akong inaasar na espasol.
Hindi ko naman alam kung bakit 'yon ang tawag niya sa'kin. Baka dahil maputi ako o dahil sa kulay brown ko na balat sa bandang siko ko na halos sakupin na ang buong braso ko.
Sa tingin ko, nagustuhan ko siya dahil, mapagmahal siya sa pamilya, kahit na ayaw ng mga ito sa kaniya?
........ Start of Flash Back .....
"Inis na inis na ako talaga sa lalaking 'to! araw-araw, halos mag hapon na niya akong tinatawag na espasol."
gigil kong turan sa aking sarili habang naka tingin ako ng masama sa lalaking kaharap ko. Nabu bwisit na ako sa kaniya, sobrang yabang niya talaga!
"Alam ko na!" Biglang may bumbilyang umilaw sa gilid ng sentido ko.
"Susundan ko siya mamayang uwian, hanggang sa kanila. Hahanapan ko siya ng butas para tigilan na niya ako sa pang a asar niya sa akin."
Napapa ngiti kong sambit sa aking isip habang nangingiti na akong naka tingin sa kaklase kong bully, walang iba kundi si Allan Cambay.
Alam ko na nagtataka din siya, nainis lang din ako agad ng gumanti ito ng ngiti sa akin.
Ang ganda ng mga ngipin ni Allan, maliliit at mapuputi na pantay. At ang mga dimple sa kanyang magka bilang pisngi, jusko parang kasama din akong lulubog dahil sa lalim ng mga ito.
Nasa labas kami ngayon ng school, papasok pa lamang sana ako ng gate ng bigla akong harangin ng damuhong Allan na'to.
Walang tigil ako nitong ina asar na mukha daw akong espasol at may batis sa aking siko paitaas ng bahagya sa aking braso.
Sa sobrang bad trip ko sa lalaking ito, akmang sasampalin kona siya ng bigla niya akong hapitin sa aking bewang, dahilan para ako'y mapatulala sa kaniyang mga mala chocolate na mata, na ngayon kolang napansin dahil hindi ko nga siya tinitignan ng matagal.
Tumikhim siya, that's why i came back to my senses at plano ko siyang itulak ng bigla nitong iyukod ang ang kaniyang ulo dahilan para mapa pikit ako ng mariin.
Saka ko lamang naramdaman ang malambot niyang labi na dumampi sa aking labi, at ang hininga nitong nakakalasing sa bango.
Nang dumilat ako ay nakita ko na nakatitig siya sa akin, kaya nagkatinginan kami.... Eye to eye contact baga.
Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko, na para gustong lumabas ng puso ko sa sobrang kaba ko at para na akong mabibingi sa lakas ng tunog nito.
Kinindatan niya ako kaya ako natauhan kaya tuluyan kona siyang tinulak at sinampal ng pagkalakas.
Nagulat siya sa ginawa ko, pero parang wala lang sa kaniya ang paghalik niya sa'kin at pagsampal ko sa kaniya.
He smirk's like nothings happen... Aaargghhhh! He's so annoying!
Tinignan ko siya ng masama at inirapan saka ako papadyak na naglakad papasok sa loob ng aming room.
Maige na lamang at hindi ako nahuli sa aming klase, kung ndi lagot ako kay ma'am morales. Si miss "Every seconds count" pa naman yun.
at every second na late, yung din ang itatagal mong naka i- squat sa labas ng room habang naka patong sa mga kamay ang bag, o kaya habang hindi natatapos ang kaniyang klase ay naka squat ka lang.
Kapag narinig niya na nahulog ang bag mo, ay nako! Ihanda mo na ang buhok mo sa patilya..... Hindi niya iyan gugupitin, pero hihilahin niya. Ouch! Shakit mga besh! naranasan ko kase minsan kaya i know how it feels hahahha.
Maige nalang talaga at section Mahogany siya at section Lotus kami ng gag*ong Allan na'yun kaya hindi kami magkikita, at titiyakin ko na hindi na magtatagpo pa ang aming mga landas.
"Anak ng putakte ka talaga Ronoel oh-oh!" nabulong ko na lamang sa aking sarili at napa iling nang makita ko ang lalaking kanina ko lang inisip.
Anong ginagawa nito dito sa room namin? Dapat nasa Mahogany section siya eh!
Nasa likod niya pa si ma'am Morales, what is the meaning of this? Sana mali ang kutob ko na lilipat siya dito, na siya ang ipapalit sa isa naming classmate na nalipat sa ibang secion.
Naka ngiting pumasok ang aming guro, na animo'y excited sa ibabalita sa amin.
"Ahm, excuse me class... Good morning section Lotus."
Malaking ngiti sa labi nitong bati sa amin at sabay-sabay din kaming tumayo upang gumanti ng pag bati sa aming guro at pagkatapos ay sabay-sabay din kaming umupo.
Tahimik lang kaming lahat na naka tingin kay ma'am morales para sa kaniyang sasabihin sa'min, pero ako hindi mapakali.... para akong bulating inasinan kaya hi di mapalagay sa aking kina uupuan.
Blanko ang utak ko kaya balik ulirat lang ako no'ng tawagin ang pangalan ko, at sabihin sa 'kin ng aming guro na....
"Ronoel, ikaw lang ang walang katabi. Hindi pinapa upo ang bag kaya alisin mo 'yang mga gamit mo jan at magiging katabi mo si mr. Allan Cambay."
Sinunod ko naman ang sinabi ng aming adviser at narinig ko na lamang na sumunod na sabihin nito...
"You may now take you're sit mr. Cambay."
Naka lahad pa ang kaliwang kamay nito, na itinuturo dito ang magiging upuan nito.
Naka yuko lamang ako nang maramdaman ko na may umupo na sa kanang upuan.
"Hi Ronoel, were going to see each other, everyday."
Mapang inis na turan nito, pero hindi ko parin siya pinapansin.
"Ronoel, ikaw na bahala sa katabi mo ah! Be good to him, and make sure na sa bawat groupings na gagawin natin ay sa kaniya ka makiki bilang, at siya na ang gawin ninyong leader, because he is the top 1 in Mahogany section, kaya siya nilipat dito sa Lotus."
Mahabang paliwanag nito.
" Eh ma'am, bakit ako lang po sinasabihan ninyo niyan? Eh ang dami po naming estudyante mo dito sa loob ng class room, nakaka hurt po ng feelings."
"Paanong hindi ikaw ang sasabihan ko, ikaw nga dapat ang iba barter dun sa mahogany kapalit nitong si Allan, kase mababa ang grades mo. Wag kanang umangal jan."
And then our adviser, she starts to explain our lesson for today... na hindi naman pumasok sa kukote ko at nagbara lamang sa tenga ko, dahil okupado ng katabi ko ang utak ko.
At ayun nga... uwian na, sa buong klase namin, walang talaga akong naintindihan kahit ano, dahil sa planong kanina ko pa naiisip gawin.
Habang naglqlakad si Allan pauwe sa kanilang bahay ay sinundan ko ito ng palihim.
Nalaman ko na malapit lang pala ang bahay nito sa school namin, sana all. Ako kase sumasakay pa ng pedicab, pero pwede rin namang lakarin, basta masipag kang maglakad at may mga kasamang tropa, madaling makakarating.
Hindipa to nakaka pasok sa loob ng kanilang bahay ay binatukan na ito ng lalaking may kalakihan ang katawan at as matangkad sa kaniya,
Hindi ko maiwasan na magulat at mapatakip ng aking bibig ng pagsabihan siya nitong ampon at pinagmumura at saka inutusang mag tinda ng basahang bilog sa lansangan kahit naka uniform pa.
Na stock up ako sa kinatatayuan ko, kaya ndi ko namalayan na naka lapit na pala ito sa aking harapan na ikinanlaki ng aking mga mata.
Ang sama ng tingin nito sa akin. Tingin na parang may pananakot at babala, kaya napa urong ako ng lakad palayo sa kaniya.
Nanginginig ang mga tuhod ko kaya hindi ako maka takbo palayo dito.
"Sorry Allan, hindi ko sinasadyang makita ang kalagayan mo."
Bigla ko nalang nasabi sa kabila ng takot at panginginig ng katawan ko, matuwid parin akong nakapag salita rito.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa aking batok ng mariin, dahilan para mahila ang ilang hibla ng aking buhok na para niya narin akong sinasabunutan sa gano'ng gawi noto.
"Wag na wag mong ipagkakalat o ipag sasabi kahit kanino ang mga nakita mo, kung hindi......"
Hinihintay ko ang kasunod ng sasabihin niya nang tumingin ito ng pagka seryoso sa mga mata ko pababa sa aking dibdib paibaba.
Mas lalo akong natakot at nakuha ko agad ang ibig sabihin niya sa uri ng tingin niya sa'kin.
Kaya simula nuong pinagbantaan niya ako ng ganoon, hinayaan ko na lamang ito na sar-asarin ako, na lalo ko naman siya nagugustuhan at the same time palihim ko parin siyang sinusundan at nakikita ko nuon na binubugbog siya ng kapatid niya kapag maliit lang ang naiintrego niyang pera galing sa pagtitinda ng basahan.
Nakatira lang sila sa barong-barong o tagping bahay na kahoy, kaya kung magkakasunog dale agad ang bahay nila.
Matalino siya sa klase, maging sa section namin palaging siya ang nangunguna.
ilang linggo din ang lumipas, nagtaka ako na hindi na ito pumasok, nalaman ko na lang sa adviser namin na kinuha na daw ito ng totoong mga magulang nito at sa Manila na ito dinala.
........ End Of Flash Back .....