bc

Mga Pusong Ligaw

book_age18+
130
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
Writing Academy
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal at nagpakasal siya sa anak ng business tycoon na si Bhrix Kyreeh Mondragon. Kahit nag-aalinlangan siya sa bilis ng mga pangyayari ay tinanggap niya ang marriage proposal nito sa kanya. Pagkatapos nilang makasal ay inuwi siya ng kanyang asawa sa mansyon. Masaya naman siya noong una pero naging mala-impiyerno na ang kanyang buhay sa mansyong iyun habang tumatagal. Hanggang sa naframe up siya sa pagkakamatay ng ama ni Kai; kinamuhian siya nito. Kasunod iyun nang pagsabog ng kanyang sinasakyang ferrari patungong piyer para magbakasyon sa kanilang lugar. Akala niya, namatay na siya ngunit may mabuting doktor ang tumulong sa kanya. Pero para na rin siyang namatay dahil hindi man lang siya hinanap ng kanyang asawa. Ang pinakamasakit pa sa kanya ay ipinagluksa siya ng asawa gayong buhay na buhay siya. At nalaman na lang niyang muli itong nagpakasal sa babaeng siyang nagplano ng lahat-lahat nang nangyari sa kanyang buhay. Pumayag siya sa kondisyon ng doktor na sumagip sa kanya, at sa isang iglap naging asawa siya nito. Tinulungan siyang makabangong muli, at sa kanyang pagbangon ay babalikan niya lahat ng taong gumawa sa kanyang buhay ng miserable.. Maghihiganti siya at magpapakilala siyang si Mrs. Ravena Conguanco at buburahin na niya ang dating si Mikaelah Sandoval.

chap-preview
Free preview
MGA PUSONG LIGAW
MGA PUSONG LIGAW CHAPTER ONE Napangiti ang isang dalaga nang maramdaman na may isang taong tumakip sa kanyang mga mata. Nakatalikod siya rito kaya hindi niya nakitang dumating ito. "I know you!" Natatawang sabi niya rito. "Who am I?" Bulong ng lalaki sa kanyang tainga. Napahagikhik siya dahil sa kiliting naramdaman niya mula sa hininga nito nang binulungan siya. "You are, Kai Mondragon." Siguradong sagot niya. "Nope." Maikling tugon ng lalaki. "My one and only true love," nakangiting sinabi ng dalaga sa lalaki. Inalis ng lalaki ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga mata. Mabilis siya nitong hinalikan sa labi at umupo sa kanyang tabi. "Akala ko ba, busy ka ngayon?" Tanong ng dalaga. "Tapos na saka, baka kasi may ibang susulpot dito sikwatin ka pa sa akin." Nakangiting sagot ng binata. Kunwaring inirapan niya ito. "Sino naman kaya yun?" Napalabing tanong ng dalaga. "Malay ko! Basta ayokong may ibang laman 'yan," tugon nito sabay turo sa dibdib ng dalaga. "Oo na po! Don't worry, ikaw lang ang laman nito at wala ng iba." Matapat na tinuran ng dalaga. Hinagkan siya sa noo ng binata. "Let's go?' Tanong nito sa dalaga. Nakangiting tumango ito at magkahawak kamay na silang naglakad. Napagkasunduan nila kasing mamasyal sa parke ngayong araw. Pero lagi-lagi naman siyang pumapasyal dito kasi malapit lang ang kanilang bahay mula rito. Lumapit sila sa mamang nagtitinda ng fishball. "Gusto mong tikman ito?" Tanong niya sa binata. "Masarap ba 'yan?" Tanong din ng binata na tila nag-aalinlangan. Napatawa ang dalaga saka tinitigan ang kasintahan nito. "Kaya nga tinatanong kita, Mister." Nakangiti pa ring sinabi ng dalaga. Nag-isip sandali ang binata at nginitian ang dalaga. "Sige, titikman ko kung masarap ba siya." Sang-ayon nito sa kanya. Masayang binalingan ng dalaga ang vendor ng fishball. "Manong, bente pesos nga po!" Sabi ng dalaga rito. Tumalima ang nagtitinda at naglagay nang halagang benteng fishball sa plastik na baso at nilagyan nang sauce. Iniabot ito sa dalaga. Nagpasalamat ang dalaga at umalis na sila roon. Umupo sila sa upuang nandu'n. "Kuha ka na!" Alok ng dalaga sa binata. Tumusok ang binata sa fishball at kinain iyun. Nakatingin lang sa kanya ang dalaga. Naghihintay sa sasabihin nito. "Ano masarap ba?" Excited niyang tanong. "Elah! Masarap nga!" Bulalas nito at kumuha pa nang fishball. "Dahan-dahan naman!" Natatawang wika ni Ellah. Ngumiti ang binata at sinubuan siya. Kinagat naman ni Ellah ang fish ball at kinain ito. Nang maubos nila ay muli silang naglakad. Nakita ni Ellah ang mga nagtitinda ng mga kwek-kwek sa tabi. Hinila niya ang binata at tinungo nila 'yun. "Gusto mong tikman?" Magiliw na tanong niya sa binata. "Ano 'yan?" Tanong din nito. "Ang tawag dito, kwek-kwek may itlog sa loob." Paliwanag ni Ellah sa kanya. "Itlog?" Tanong ulit ng binata. "Kai, itlog ng ibon." Sagot ni Ellah. Tumango-tango ang binata at ginaya ang dalaga na tumusok ng isa at sinawsaw sa sawsawang naru'n. Kinagat niya iyun at nginuya saka nilunok. Nang masarapan ay sunud-sunud na ang pagsubo nito. Tawang-tawa si Ellah sa hitsura ni Kai. Pa'no ba kasing alam nito ang mga 'yun kung anak ito ng isang business tycoon. Masaya niya itong pinagmasdan habang kumakain at nakikipag-usap sa mga nagtitinda. Kahit papa'no ay naniniwala siyang mahal siya nito talaga. Parang hindi ito mayaman kapag siya ang kasama nito. Marami pa silang pinuntahan, pinakain niya pa ito nang inihaw na paa ng manok. Pikit-mata niya itong kinain. Siya naman itong tawang-tawa sa hitsura ni Kai. Para silang walang kapaguran sa kakalakad at kakakain. Naupo sila sa damuhan pagkatapos silang makaramdam nang pagod. Napahilig siya sa balikat ni Kai at kapwa sila tumingala sa kalangitan. "Kai," sambit ni Elah. "Hmmm," tugon ni Kai sa kanya. "Sana lagi tayong ganito," sabi ng dalaga. "Don't worry, papaligayahin kita hanggang sa tumanda tayo." Malambing na sagot ng binata at hinalikan siya sa labi. Muli silang tumingin sa kalangitan at pinanood ang mga bituin na kumikinang sa kalawakan. "Master," tawag ng isang tinig sa kanilang likuran. Sabay silang lumingon sa kanilang likuran. Nakita niyang isa ito sa mga bodyguard ng binata. "Ano 'yun, Hunk?" Tanong ng binata dito. "Kailangan daw po kayo sa mansiyon," sagot ni Hunk. Napatingin si Kai sa kanya. Tinging nagpapaalam at humihingi nang paumanhin. Tumango siya bilang pagsang-ayon kahit ayaw niya pa sana. Hinawakan siya sa kamay ni Kai at naglakad na sila patungo sa sasakyan nito. Tumigil sila sandali at malungkot na tumitig sa kanya ang binata. "Ihahatid na kita sa inyo," wika ng binata. "'Wag na, malapit lang naman dito maglalakad na lang ako." Tanggi niya. "I insist," sagot ng binata. Ngumiti siya dito at tumango. Ilang sandali pa'y sakay na siya sa kotse nito. Nagpababa siya sa may gate ng kanilang bahay. Bago siya bumaba ay hinalikan muna siya ng binata sa kanyang noo. "Take care! Babawi ako ulit sa susunod," pangako ni Kai sa dalaga. "Sige! Tawag ka pagdating mo ha?" Sagot ni Ellah. Nagkangitian sila at bumaba na siya. Saka lang siya pumasok sa loob ng kanilang bahay nang makalayo na ang sasakyan ng binata. Kahit papa'no ay masaya na rin siya nakasama niya ulit ang taong mahal niya kahit sandali lamang. Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto at nagbihis. Masaya rin siyang nahiga at mulibg binalikan ang kanilang ginawa kanina. Napangiti siya at kinikilig dahil kay Kai, ang kanyang buhay. Biglang tumunog ang kanyang selpon, tiningnan niya kung sino ang tumatawag si Kai!. Napangiti siya at sinagot ang tawag ng binata. "Hi! Ano nang ginagawa mo?" Tanong ni Kai sa kanya. "Nakahiga na po ako," masayang sagot niya. "Gusto ko bukas, sabay tayo mag-lunch." Sabi ni Kai. “Akala ko ba, busy ka bukas?” Tanong ng dalaga. “Hindi masyado, basta bukas sabay tayo ipapasundo kita.” Seryosong tugon ng binata. “Oo na po! Sige na matulog ka na at may pasok ka pa bukas.” Natatawang sagot ni Ellah sa binata. “Namiss kita agad,” paanas na wika ni Kai. Napahagikhik si Ellah sa sinabi ni Kai sa kanya pero kinikilig naman siya. “Magkasama lang tayo kanina ah! Namiss mo na ako kaagad,” nakatawang sabi ng dalaga. “Oo nga eh! Bakit di mo ba ako namiss?” malambing na tinuran ng binata. “Namiss,” mahinang sagot ni Ellah. “Basta bukas ha? Sabay tayong mag-lunch,” pangungulit ni Kai sa kanya. “Oo na! Sige na may trabaho ka pa bukas,” sagot ni Ellah na ‘di mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi. “Sige, good night my Ellah! I love you!” madamdaming sabi ni Kai sa kanya. “Good night my Kai, I love you more!” madamdamin ding wika ni Ellah. At sabay na silang nagbaba ng selpon at kapwa may mga ngiti sa kanilang labi. Nakapagkit naman ang ngiti sa mga labi ni Ellah. Hindi pa rin siya makapaniwalang boyfriend niya ang anak ng isang mayaman. Ngunit nagpapasalamat din siya dahil ramdam niyang mahal din siya ng binata. Masayang ipinikit ni Ellah ang kanyang mga mata at masaya ang mukha na natulog. Ilang sandali pa at mahimbing na itong nakatulog habang nakangiti na para bang wala nang hanggan ang nadaramang kaligayahan nang mga sandaling iyun.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
480.4K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
413.7K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
834.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
852.4K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook