TINAPOS NI CELINE ANG PAGKAIN NG ALMUSAL. Namataan niyang nanonood ng telebisyon si LenLen habang nagpupunas ng mga vases at iba pang kagamitan sa sala. Saktong pababa naman si Tina. “Maam Celine, ako na po ang bahala diyan.” “Okay lang Tina. Pinagkainan ko lang naman ito.”aniya habang hawak ang plato. “Naku Maam! Mas okay po na kami ang magligpit ng mga iyan at baka mapagalitan pa kami ni Sir Jaxon.” “Bakit naman kayo mapapagalitan?” “Kabilin-bilinan po sa amin na asikasuhin namin kayo ng mabuti.” “Kailan niya sinabi sa inyo?” “Kaninang madaling-araw po bago umalis,”sagot ni Tina sabay kuha sa hawak-hawak niya. Kagat-labi siyang tumango sa kausap dahil sa nalaman. Parang lalo niya tuloy gustong makita ito agad ngunit wala ito sa bansa at ilang araw pa ang hihintayin niya sa pag-uw