KUNG GAANO KATAGAL SILANG MAGKAYAKAP AY HINDI NA NIYA NAMALAYAN. Bahagya siyang kumilos ng marinig ang mahinang katok sa pinto. Mahimbing pa rin na natutulog si Jaxon at nakapalibot pa rin ang mga kamay nito sa kanyang katawan. “Maam and Sir, lunch is ready na po. Ipapasok na po ba namin sa loob?”narinig niyang sabi ni Lenard. “A minute please," aniya at unti-unti inaalis ang mga kamay ng katabi. Bumangon na siya at napansing naipit ang mga hita niya sa pagitan ng mga hita nito.Sakto na siyang patayo ng matanggal ito bigla siya nitong hilahin. Bumagsak siyang muli sa mga bisig nito. “Hey! What are you doing?”tanong niya rito ng mahigpit siyang yakapin. “Cuddling you,”masuyo siya nitong hinalikan sa batok. “Lenard is at the door Mr. Anderson,”naramdaman niyang lumuwag ang pagkakayaka